Chapter 23: Queens' Showdown

4.7K 136 0
                                    

Laverne's POV:

Inis akong bumalik sa pwesto ko kanina.

What's with that fucking Zachary? Akala naman niya ay natatakot ako sa kanya!! He must be insane!!

Napatingin ako kina Zachary na kasama na ngayon ang D.E.A.T.H. Squad. Seryoso silang nakatingin sa akin kaya pasimple akong napangisi dahil doon.

Tingnan natin kung anong klaseng laro ang gagawin ko ngayon.

Bigla namang may dinadalang glass room papunta sa gitna. Mukha itong  kwarto na glass ang buong dingding kaya kitang-kita namin ang loob nun. Hinihila siya papunta dito sa harap. Sobrang laki ng glass room na 'to at tingin kong mukhang kasya pa nga ang maraming tao sa loob nun.

Narinig naming pinapapasok kaming lahat sa loob ng glass room kaya wala akong nagawa kundi pumasok na rin lang. Bigla iyong nagsara nang makapasok lahat ng Mafia Queen.

Nagwala sila at pilit binubuksan iyon pero sa tingin ko ay ikinukulong kami dito. Habang mukha silang mga tanga ay umupo ako sa isang tabi at pinagmasdan kung gaano sila katanga.

Napatingin naman ako sa labas kung saan naroon ang mga taong nagkulong sa amin. Mukha ngang sinarado ito nang sobrang higpit.

Biglang may nagsalita at napatingin kaming lahat sa isang maliit na speaker na nandito.

"So, Dear Ladies, this is the time to show your fierce. What Mafia will reign and who will be the victorious one?" sabi ng boses mula sa speaker.

Nanatili akong nakaupo at tiningnan ang mga taong nasa labas. Mukhang hindi nila kami naririnig mula rito. Naalala kong hindi ko pa rin pala tinatanggal ang mask ko kaya siguradong masaya ito.

"What are we gonna do?"

"Is this really a showdown?"

"How can we fight each other?"

Ilan lang yan sa mga pinagsasabi nila rito na naririnig ko.

Muling nagsalita ang speaker.

"The mechanic is so simple. You need to fight each other while inside of the glass room. It will open automatically once the winner has declared. The only one left will crowned as the 'Queen of all the Queens'. Now, you may start the showdown. Impress us ladies!!!!" masiglang sabi nito kaya mas lalo akong napangisi.

Heh, we need to fight each other? Ibig sabihin, matira-matibay ang labanang to?! Well, this will be fucking easy.

May tumunog na kung ano kaya napatingin ako sa sahig ng glass room na ito. Isa-isang nag-angatan iyon at inilabas nun ang iba't ibang klaseng armas na pwede naming gamitin.

Nag-unahan silang kumuha ng kanya-kanya nilang weapon. Pero heto lang ako at nakaupo pa rin at pahikab-hikab lang na pinagmamasdan sila.

Nang ipipikit ko na sana ang mata ko ay may narinig akong putok ng baril kaya napadilat ako at nakitang may isang babaeng bumaril sa katabi niya. Lahat sila ay nakahanda na at sa isang iglap ay nagpapatayan na silang lahat.

Nakatanga lang ako sa gilid at tinitingnan ko ang bawat galaw nila. Kung gaano sila kabaliw makuha ang title na 'Queen of all the Queens'. Ano naman kayang silbi nun? Mukha silang mga hayop na akala mo gutom na gutom at ngayon ay handang makipagpatayan. Tsk.Tsk.

Tuloy pa rin ang patayan nila kaya dahil sa bagot ay gusto ko munang umidlip. Habang nakapikit ang mata ko ay may naramdaman akong presensya ng isang tao na nasa harap ko.

Sa pagdilat ng mata ko ay agad ko siyang tinadyakan at itinumba. Nabitawan niya ang hawak na kutsilyo dahil sa pagtapak ko sa kamay niya.

Nagpumiglas siya kaya gigil ko siyang inapakan sa mukha at swerte niya dahil takong ang tumama sa pisngi niya.

"LET ME GO, BITCH!" hiyaw niya kaya tinanggal ko ang paa ko sa mukha niya.

Madali naman akong kausap eh.

Sa pagtayo niya ay muli ko siyang tinadyakan na ikinatalsik niya. Pinulot ko ang kaninang hawak niyang kutsilyo at hinagis ito papunta sa kanya. Sakto sa dibdib ang pagkatarak kaya napasalampak ulit ako sa sahig at bumalik sa pag idlip.

Naramdaman kong tumahimik ang paligid kaya muli akong napadilat at nakita silang nakatingin lahat sa akin.

"Any problem?" tanong ko sa kanila pero masama pa rin silang nakatitig sa akin. Bigla akong tumayo at pumunta kung nasaan ang mga armas. Isang bagay na lang ang nandoon at iyon ay isang maliit na lalagyan.

Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang sampung pirasong susi.

Narinig kong nagtawanan ang mga babaeng nandito.

"Hahahaha, look! What are you going to do with that keys?" mapang-asar na tanong sakin ng isang babae.

"You're so pathetic now. How can you fight using keys? Poor bitch", mukhang tangang sabi ng isa pang babae. Napailing na lang ako at kinuha ko ang mga susi na iyon.

Tiningnan ko silang lahat. "Do you want me to join in this shitty game?" tanong ko sa kanilang lahat habang inilalagay at iniipit ang bawat susi sa pagitan ng mga kamay ko.

"Don't you dare underestimate us!" gigil na saad ng isang babae at biglang sumugod papunta sa akin.

Gamit ang mga susing nakaipit sa bawat daliri ko, ginawa ko iyong mga kuko at sinugatan ang leeg ng babae. Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang na nakabulagta na ang babae.

Gulat silang napatingin sa akin kaya napangisi na lang ako.

--------------------------------------- 
Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon