Chapter 32: Gabriel Vaughn

4K 108 3
                                    

Laverne's POV:

Nakarating na kami sa Vaughn Mansion at agad sumalubong sa amin ang mga ZenHur Mafioso.

Palihim akong napangisi dahil sa wakas ay nakita ko na rin ang Mafia na kailangan kong paghigantihan.

Nang makapasok na kami sa Mansion ay nakita kong nakaupo sa isang sofa ang isang lalaking siguro ay nasa 40's na. May katabi siyang babae na kung makatingin sa akin ay mukha akong lalapain. Tsk.

"Good afternoon, Zachary Vaughn", bati ng lalaki habang nakapulupot sa kamay nito ang babae.

"Good afternoon too. Mr. Zen, this is Charlotte Mendoza. The Vaughn Mafia Queen", pakilala ni Zachary.

Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Congratulations! You did a great job in the Showdown last Grand Ball." bati niya sa akin kaya pilit na ngiti ang itinugon ko. Umupo na kami at nagsimula na silang mag-usap.

"Zachary, I'm not seeing Gabriel Vaughn around. Where is he?"tanong nito kay Zachary. Napansin kong nagulat sa tanong na iyon si Zachary.

"O-oh? Dad? He's not going here anymore. He chose to live a normal life after giving the throne to me", sagot niya.

"Oh! That man! I missed his presence here. I haven't heard from him since how many years.", natatawang banggit ni Zen.

Napansin ko ang pagtahimik ni Zachary at alam kong peke lang ang mga ngiting iginaganti niya.

"Oh! By the way, are you wearing contact lenses right now?" Zen suddenly asked.

"Huh? Why?" Zachary asked.

"Hmm.. Nothing. I'm just used to see your original blue eyes." natatawang banggit ng ZenHur Mafia Boss.

Nagtaka naman ako dahil hindi ko alam at hindi ko kahit kailan nakita na asul ang mga mata ni Zachary.

Well, baka dahil mas gusto niya na black ang mata niya kaya gumagamit siya ng contact lenses. O baka malabo ang mata niya? Pake ko ba.

Nagpaalam ako kay Zachary na aakyat muna ako sa kwarto at nagrason na napapagod na ako.

Pumayag naman siya kaya agad akong umakyat na ng hagdan.

Napansin kong wala sa sala ang D.E.A.T.H. Squad.

Habang papaakyat ay may narinig akong nag-uusap sa bandang kusina kaya nagtungo muna ako doon.

Nagtago ako sa isang gilid at tiningnan ko kung sino ang nag-uusap na 'yun. Nakita ko si Herbert at Thomas na nandoon.

Seryosong nakatingin si Thomas kay Herbert.

"I'm just curious until now", rinig kong sabi ni Thomas.

"Bro! Paranoid ka lang, alam mo yun? Hindi naman ata big deal na hindi na dito nagpupunta sa Mansion si Boss Gabriel." sagot ni Herbert.

"Pero bakit kahit kailan hindi na binabanggit ni King ang tungkol kay Boss Gabriel?" tanong ni Thomas.

"Besides, wala na rin tayong alam kung nasaan nagpunta sina Alexander kasama ang tatay niyang si Frederick. Nakakapagtaka bakit wala sila gayong yun yung araw na ipapasa na ni Boss Gabriel ang trono kay King." mahabang sabi ni Thomas.

Mukhang maganda ang topic nila kaya nagpakita ako na siyang ikinabigla nila.

"Q-Queen..." biglang sabi ni Herbert habang tinanguan lang ako ni Thomas.

"Mukhang maganda ang pinag-uusapan niyo ah?!" puna ko sa kanila sabay upo sa isang upuan.

"Narinig niyo po ba, Queen?" tanong ni Herbert. Tinanguan ko sila kaya parehas silang napabuntong-hininga.

"So, 'yung Boss Gabriel ba ang sinasabi niyong dating Mafia Boss ng Vaughn na dad ni Zachary?" tanong ko sa kanila.

"Yeah. Gabriel Vaughn is the former Vaughn Mafia Boss. Pero matagal na kaming walang balita sa kanya since ibigay niya ang pamumuno kay King", sagot ni Thomas.

"Zachary told me na gusto daw ng dad niya na mamuhay nang normal. That's why." sagot ko na ikinakunot ng noo nila.

"Ganun po ba ang sinabi ni King? Pero matagal na po kaming loyal mafioso ng Vaughn simula sa pamumuno ni Boss Gabriel. Siya pa po ang nagsabi noon na lagi siyang mananatili dito sa Mansion kapag ibigay na niya ang trono kay King", sagot ni Herbert.

"Ganun ba? Eh sino si Alexander at Frederick?" tanong ko sa kanila.

"Alexander is the son of Frederick Garcia. They were once a Vaughn Mafioso and a loyal member of the organization until dumating ang araw na ilalagay na sa pwesto si King Zachary. Wala sila nung araw na 'yun kaya tinuring namin na taliwas na sila sa Mafia." sagot ni Thomas.

"Oh?! Is that so? Hmm... Marami pa talaga akong hindi alam sa Mafia na ito." kunwaring natatawa kong sabi.

"Can I ask one more question?" tanong ko at tumango naman sila.

"Meron bang kakambal o kapatid si Zachary?" agad kong tanong at nagkatinginan silang dalawa.

"Nag-iisang heir lang po si King Zachary." tanong nila na ikinakunot ng noo ko.

"Ganun ba?" tangi kong naisaad.

"Bakit mo naitanong, Queen?" tanong sa akin ni Thomas.

"Uh, nothing. Never mind." sagot ko at nagpaalam na ako sa kanila. Napansin ko pa ang seryosong tingin sa akin ni Thomas pero nagpanggap akong hindi ko siya nakita.

Napaliko ako sa sala at nakitang nag-uusap pa rin sila Zachary kaya nagdesisyon akong pumunta sa labas.

Marami akong nakitang mga ZenHur Mafioso na nasa labas. Iilan lang ang mga Vaughn Mafioso.

Wala naman sa aking nakakapansin kaya lumiko ako papuntang swimming pool.

May nakita akong tatlong ZenHur Mafioso na nag-uusap kaya nilapitan ko sila. Nakangiti silang lumingon sa akin kaya namukhaan ko sila.

Alam kong nakita ko rin sila sa Mafia Grand Ball at kung paano sila tumawa nung oras na natalo ko na ang ginawa nilang ZenHur Queen.

Kung hindi nga naman mga sira ang ulo, tama bang pagtawanan ang Queen nila gayong natalo na?!

Naalala ko rin kung paano ko nakitang sipa-sipain nila ang katawan ng ZenHur Queen na noo'y nag-aagaw buhay na.

Dahil sa naalala ay mabilis na nag-init ang ulo ko kaya sabay-sabay ko silang tinadyakan na agad nilang ikinatumba.

Gulat silang napatingin sa akin pero inis ko lang silang tiningnan. Peste kayo!

Agad silang tumayo sabay hawak sa magkabila kong kamay, habang yung isa ay paamba na sa akin ng baril niya kaya mabilis ko siyang tinadyakan pati ang dalawang naghahawak sa akin.

"What the fuck are you doing, bitch?" galit na saad ng lalaki pero mabilis ko lang siyang sinuntok hanggang sa mahiga siya sa lupa. Dinaganan ko siya kasabay ang gigil na pagsakal sa kanya.

Bigla namang hinablot ng isa ang buhok ko at hinihila naman ako ng isa.

"CHARLOTTE!!" narinig ko ang sigaw ni Zachary kaya natigilan ako.

Nahahagip kong papalapit siya sa amin.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING TO CHARLOTTE?!" gigil na saad ni Zachary.

-------------------------------------------
(A/N: Thank you sa paghihintay ng updates)

Note: This is an edited version of SYAMT  

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon