Chapter 28: Crazy bestfriends

4.4K 121 2
                                    

Laverne's POV:

Himbing na himbing pa sana ang tulog ko nang bigla kong maramdamang parang ang sakit na ng likod ko.

Puro matigas ang nahihigaan ko kaya mabilis akong napabangon at nakitang nahulog pala ako sa kama samantalang sarap na sarap ang pesteng Nightmare na 'to sa higaan KO.

Kahit kagigising pa lang ay mabilis ko siyang pinaghahampas ng unan.

"Hoy babae!! Umayos ka nga ng higa! Peste ka talaga kahit kailan!" inis ko sa kanyang sabi pero todo pa rin siya sa paghilik. Punyeta!

"HOY! Higaan ko ito! Bakit ka ba nandito sa kwarto ko?!" gigil kong sabi pero hindi pa rin siya nagigising.

Dahil sa sobrang inis ay hinablot ko ang buhok niya at kinaladkad pababa ng kama. Sa wakas ay nagising din siya at inis na lumingon sa akin.

"ANO BAAAA?" sigaw niya pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Wag kang umastang parang pamamahay mo 'to. Tabi nga!" pagtataboy ko sa kanya at mabilis akong humiga sa kama.

Tumayo siya at akmang hihiga ulit nang itulak ko siya. Mukhang natauhan na siya kaya bigla niya akong itinulak na ikinalaglag ko sa kama.

"BWISIT KAAA!" inis kong sigaw at wala akong nagawa kundi magtungo sa kwarto ng kapatid ko at doon na lang natulog. Humanda ka sa akin bukas, Nightmare. Peste ka talaga!

Bago pumikit ay napatingin ako sa relo at nakitang ala-una pa lang ng madaling-araw. Agad na akong pumikit dahil sa irita at talagang inaantok pa rin ako.

*fast forward*

Gulat akong napabangon sa higaan dahil sa kalampagan sa pinto ng kwartong to.

"HOY! UMAGA NA!! GUMISING KA NA NGA, DEATH!!" sigaw ng nasa labas kaya agad akong napabusangot dahil sa kaaga-aga, na badtrip na naman ako.

Hindi ba pwedeng magising ako isang araw na walang panira ng araw ko?! Peste oh!

Hindi ko inintindi ang dakdak ni Nightmare sa labas. Nagtalukbong na lang ako ng kumot pero tuloy pa rin siya sa pag-iingay kaya inis akong tumayo at marahas na binuksan ang pinto.

"ANO BA NIGHTMARE!!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.

"INAANTOK PA AKOOO!" gigil kong sigaw pero tiningnan niya lang ako.

"Ganda ng gising natin ah!" bigla niyang sabi na ikinabwisit ko.

"SA TINGIN MO MAGANDA ANG GISING KO?! LUMAYO-LAYO KA SA AKIN NIGHTMARE AT BAKA MAKALIMUTAN KONG MAGKAIBIGAN TAYO!" inis kong isinara ang pinto at bumalik sa pagkakahiga nang sumigaw ulit si Nightmare.

"BUMANGON KA NA DIYAN!! BABALIKAN KITA PAGKATAPOS KONG MAGHANDA NG BREAKFAST MO!!" sigaw niya kaya nairita na lang ako.

Halos isang minuto pa lang ang pagkakaidlip ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko yun sinagot pero tuloy pa rin sa pag ring! Peste!!

"HOY! WAG KA NGA MANG-ISTORBO NG TULOG! PESTE! PUYAT NA PUYAT AKO NGAYON!!" gigil kong sigaw sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

[Pasensya na po, Ms.Stanley. Sa tingin ko ay naistorbo ko ang tulog niyo kaya pupunta na lang ako dyan para sabihin ang kailangan ko] sagot ni tanda kaya inis ko nang binaba ang tawag.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 7:30 pa lang naman ng umaga.

Ayokong maistorbo! Ipinikit ko na ang mata ko at muling natulog.

Chloe's POV:

Pagkababa ko ay agad akong pumunta sa kusina at ako ang nagprisintang maghanda ng almusal ni Death hihihihi.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now