Chapter 29: Romantic date

4.4K 104 0
                                    


Zachary's POV:

Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant kung saan ako nagpa-reserve ng table para sa amin lang ni Charlotte.

Napansin kong irita pa rin siyang bumaba ng kotse kaya hinawakan ko siya sa kamay at naglakad kami papasok ng restaurant.

Inis niyang tinatanggal ang kamay niya pero tinawanan ko lang siya.

"Subukan mong bumitaw, hahalikan kita sa harap nilang lahat", nakangiti kong sabi sa kanya.

"Peste ka...." narinig kong gigil niyang bulong.

Sa pagpasok namin ay napunta lahat ng tingin ng mga tao sa aming dalawa. Hindi ko sila inintindi at umakyat na lang kami sa taas kung saan kami lang ang magiging tao doon. VIP seat yun para sa amin at talagang pina arrange ko na ang lahat sa mga staff ng restaurant na ito.

Of course, as a gentleman, pinaupo ko muna si Charlotte na ngayon ay mas lalong sumama ang tingin sa akin.

Bigla namang nag ring ang phone ko kaya nagpaalam muna ako kay Charlotte.

"Hello..."

[King, may appointment po tayo sa ZenHur Mafia this day.] sagot ni Dylan sa kabilang linya. Napatingin ako kay Charlotte na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Oh yeah. I forgot. Ano bang oras?" I asked him.

[1:30 pm]

Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 12:00 pm na.

"Tell them na 5:00 pm na lang. Dumiretso sila sa Mansion ngayon."

[Pero King...]

"No! Meron kaming date ngayon ni Charlotte. I re-schedule mo na lang lahat ng appointments ngayong hapon dahil hindi ako makakapunta."

[Alright, King]

Toot-toot-toot

Bumalik na ako sa upuan at sabay din ang mga waiter na ilapag ang mga pagkain.

Laverne's POV:

"Are you alright?" Zachary asked me.

"I'm perfectly fine", sagot ko at tiningnan lang ang mga pagkaing nakalatag sa mesa. Naiirita ako dahil kami lang ang taong nandito at isa pa, may mga pesteng tumutugtog pa sa isang gilid. Peste!

Nagpalinga-linga ako sa paligid at napansing mukhang pinaghandaan ang lugar na ito.

Magarbo ang set-up at sinadya talaga ng lalaking ito na kaming dalawa lang ang nandito, bukod sa staffs.

Ikinain ko na lang ang pagkainis ko at hindi ko pinapansin si Zachary dahil baka maitusok ko sa kanya itong tinidor o 'di kaya ay masaksak ko siya ng kutsilyong hawak ko.

"By the way, pupunta ang ZenHur Mafia sa Mansion mamayang 5:00 pm. They want to meet you personally." biglang sabi ni Zachary na ikinapanting ng tenga ko. ZenHur Mafia?!

"Yun ba talaga ang ipupunta nila? What a lame reason", kunwaring sabi ko kahit na ang totoo ay gusto kong makilala ang buong ZenHur Mafia dahil magiging target ko sila.

Hindi ko naman kinakalimutan ang naging pangako ko sa mga Mafia Quuen nung Showdown lalo na sa ZenHur Queen.

"Hmm.. Of course, meron pang ibang reason kung bakit sila pupunta." sagot ni Zachary at ipinagpatuloy ko na muna ang pagkain.

Iniisip ko na kung ano nga ba ang gagawin ko sa ZenHur Mafia.

Bigla namang nagtaasan ang balahibo ko dahil nagsimula nang tumugtog ang piano na sinabayan pa ng violin. And damn! This is a fucking romantic song! Sukang-suka na ako!

Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko dahil sobrang nakakapeste ang atmosphere dito.

Nagulat na lang ako nang tumayo si Zachary at kinuha ang kamay ko.

"ANO NA NAMAN?" agad kong tanong sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"My Queen, can we dance?" tanong niya. Kahit naiinis ako ay pumayag na lang ako. Ano pa nga bang patutunguhan nito?! Peste talaga! Kailan ba ako matatapos sa pagpapanggap ko?

Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya habang hawak niya ang kamay ko at papunta kami sa gitna.

"Gusto kong ituloy ang naudlot nating sayaw noong Grand Ball", sabi niya sabay hinawakan ako sa bewang at napairap muna ako bago hawakan din ang balikat niya. Kung pwede lang hampasin ko ang leeg nito, kanina ko pa talaga ginawa. Tsk.

Nagsimula na kaming sumayaw at napapansin ko ang kanina niya pang pagngiti.

Sumasakit na ang paa ko dahil kanina pa kami sumasayaw kaya na out balance ako. Akala ko ay madadapa na ako pero hinawakan ako nang mahigpit ni Zachary.

Mabilis akong lumayo sa kanya dahil sobrang lapit na namin sa isa't isa.

"I guess, you're already tired." sabi niya kaya inakay niya ako papunta sa upuan namin.

Nang makaupo na rin siya ay bigla siyang napabuntong hininga.

"I- I don't know how to make a perfect romantic date. But I want to spend time with you", sabi ni Zachary na ikinataas ng kilay ko.

Mas gusto ko ngang matulog na lang kaysa makipag date sayo.

"Oh! After here, pumunta naman tayo sa park", nakangiti niyang sabi kaya pilit na ngumiti at tumango nalang ako.

-----------------------------------------
Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now