Chapter 14: Tasia's bratness

5.3K 135 0
                                    


Laverne's POV: 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nasa baba lang si tandang Gregg. Oh, I mean, si DAD. Tsk 

Isinuot ko na ang damit na gagamitin ko. Inilagay ko na rin ang fake face ko at siniguradong hindi ito mahahalata. 

Ibang-iba ang hitsura ko ngayon sa totoo kong mukha. Well, ako si Charlotte Mendoza ngayon hanggang sa Mafia Grand Ball. Ano naman kayang exciting na mangyayari sa akin? 

Hindi na sa akin pinadala ang gitara at katana dahil hindi muna 'yun kailangan. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Isinuot ko na rin ang eyeglasses ko sabay labas ng pinto. Naabutan ko sa baba si DAD at nakangiti siya sa aking tumingin. 

Pinagbilin ko muna sa mga maid ang Mansion habang wala pa ako. Sumakay na kami ni DAD sa kotse at nagmaneho na siya papunta sa Vaughn Mansion. 

Nang nakarating kami ay agad akong binati ni Zachary. 

"Good morning,Charlotte", sabi nito at nagpunta kami sa living room. Naroon nakita ko ang ilang Vaughn mafioso kasama ang D.E.A.T.H. Squad na nakatingin na sa akin. 

Umupo na si Zachary at pinaupo na rin kami ni DAD. 

"So, just like what I've said Gregg, our Mafia Queen will stay here until the Mafia Grand Ball. It is okay to you, right?" diretsong sabi ni Zachary. 

"Yes, King. I'm honored to do that for you", DAD replied. 

"Do you have any objections, Charlotte?" baling sakin ni Zachary. 

"Do I even have a choice?" sarcastic kong tanong na ikinairap ni Anastasia. Bakit ba parang ang laki ng galit sa akin ng babaeng ito? Ano kaya kung tuluyan ko na siya dito? Tsk. 

Muli sa'king tumingin si tandang Gregg at nginitian ako bago maglakad paalis. Nang makaalis ito ay tumayo si Zachary pati na rin ang D.E.A.T H. Squad. Napatingin ako sa kanila. 

"The training will start right now", paliwanag ni Zachary dahil alam niyang nagtataka ako.

Tumayo na rin ako at sinundan sila hanggang sa 4th floor ng Mansion na 'to. Binuksan ni Zachary ang isang room dito at nagulat ako sa tumambad sa akin. Sobrang daming mga armas. Mostly mga baril at dagger. 

Pumasok kami sa loob at hinayaan niya akong hawakan ang mga baril. Pumulot ako ng isa at pinagmasdan itong mabuti. Hindi basta-basta ang mga ganitong uri ng baril. 

Binanggit sa akin ni Zachary na ito nga ang weapon room at dito sila kumukuha ng mga armas sa tuwing kailangan sa transactions at sa tuwing may laban. Tanging siya lang at ang D.E.A.T.H. Squad ang may karapatang magbukas ng kwartong ito. 

Nauna niyang pinalabas ng kwarto ang D.E.A.T.H. Squad. Kinuha niya bigla ang kamay ko at ibinigay sa akin ang isang duplicate key ng kwartong ito. Gusto kong ngumisi dahil sa katangahan niya. Well, honestly ay wala naman akong pakialam sa weapon room na ito. Wala sa aking silbi ang mga baril. 

Pagkalabas namin ay agad naman kaming nagtungo uli sa 1st floor. Nagpunta kami sa isang kwarto at may nakita akong pinindot si Zachary. 

Biglang tumunog ang sahig at nagulat ako nang unti-unti itong nahahati at parang may lagusan na papunta sa baba. Naunang bumaba roon ang D.E.A.T.H. Squad. 

"That is the Mafia's headquarters. It is in the underground of this Mansion", bigla niyang sabi kaya napatango na lang ako. Hindi naman na sa akin bago ang mga underground floor pero nabigla lang talaga ako dahil ito ang headquarters ng Vaughn Mafia. 

Pagkababa ay tumambad sa akin ang napakaganda at napakalawak na headquarters. Sinong mag-aakala na ganito kalawak ang underground floor ng Mansion na ito?! 

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now