Chapter 24: ZenHur Vs. Vaughn Queen

4.6K 129 0
                                    


Laverne's POV:

Nakapikit lang ako pero nakikiramdam ako sa paligid. Mukha namang walang may gustong lumapit sa akin kaya hinahayaan ko munang magpatayan sila. Mahigit kalahating oras na rin kaming ganito kaya nababagot na rin ako.

Tumayo na ako at nakitang marami na ang tumumba at ang iba ay tuluyan nang napatay. Napailing na lang ako saka mabilis na tumakbo papalapit sa speaker na nasa kisame.

Kanina pa yun dakdak ng dakdak kaya tumuntong ako sa balikat ng isang babaeng nandito saka tumalon at sinipa ang pesteng speaker na kanina pa sa kakatalak.

Sa paglapag ng paa ko sa sahig ay may mabilis na nakalapit sakin at iniamba ang hawak niyang baril.

Napatingin ako sa kanya at mabilis kong binali ang kamay niya kaya nabitawan niya ang baril. Napahiyaw siya sa sakit kaya pinulot ko ang baril niya at pinaputok sa kanya.

"Oh? Seems you've enjoyed killing each other, right? Well, can I join and let's start the real game?" mapanukso ko sa kanilang sabi at lahat sila ay nagsipaghanda na.

Inihanda ko na rin ang mga susi sa kamay ko. Lahat kami ay nakikiramdam lang at wala pa ring gumagalaw.

Sinadya kong ihulog ang isang susi na nasa kamay ko kaya nang makalapag iyon sa sahig ay mabilis silang kumilos papalapit sa akin.

May hawak na baril ang isang babae kaya medyo nahirapan akong iwasan lahat sila. Hindi ko pwedeng salagin gamit ng mga kamay ko ang mga bala gaya ng normal kong ginagawa bilang Sweet Death. Kaya natural akong umiiwas sa bawat pagputok nun.

Tumalon ako at habang nasa ere ay mabilis kong sinaksak sa mga leeg ang ilang babae gamit ang mga susi sa kamay ko.

Mabilis din silang napatumba. Sa pagtapak ng paa ko sa sahig ay may isang bala ng baril na tumama sa kamay ko. Nagmadali akong pumunit sa suot kong gown at iyon ang ipinangtali ko sa dumudugo kong kamay. Bullshit!

Agad akong tumayo at tumakbo papalapit sa babaeng bumaril sa akin. Sinipa ko ang kamay niya kaya nalaglag ang baril. Hinawakan ko ang leeg niya saka ko itinarak doon ang mga susi.

Habang nakatayo ay hingal na hingal akong tumingin sa kanila. Lahat din sila ay pagod na pagod kaya ramdam kong gusto na nilang tapusin ang showdown na ito. Napaluhod na lang ako bigla dahil sa sakit ng tama ko sa kamay. Mahigpit ko iyong hinawakan para mabawasan ang pagdurugo.

Nagulat na lang ako nang magsitumba ang lahat ng mga babaeng nandito at natira na lang ang isang babae na may hawak na martilyo. Nakangisi niya akong tiningnan.

"I guess, this will be the time to determine who will be the 'Queen of all the Queens", sabi nito sa akin.

"Stand up! Vaughn Queen. Show me the real you.", mapanukso nitong sabi kaya napangisi na lang ako.

Sa pagtayo ko ay hinagis niya sa gilid ang hawak na martilyo. Nakangisi ko ring tinapon ang mga susi na nasa kamay ko. Heh, gusto niya atang makipaglaban ng patas?! Ito talaga ang gusto ko.

"I am the ZenHur Mafia Queen, currently the 2nd most influential and strongest in the Mafia World." pakilala niya habang nakatitig lang ako sa kanya.

"And you are the Mafia Queen of Vaughn. This is the time to show them who is stronger between our two Mafias. Is it the Vaughn or ZenHur?" nakangisi niyang tanong sabay sugod sakin at mabilis niya akong nasuntok.

Napatumba ako kaya humalakhak siya na parang timang.

"Come on, Vaughn Queen. Take this fight seriously. Don't play around!" gigil niyang sabi at iniamba ang paa niya nang agad ko iyong hawakan at tinadyakan siya sa tiyan. Natumba rin siya kaya inutusan ko siyang tumayo.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now