Chapter 33: Vaughn VS. ZenHur

3.9K 104 1
                                    

Laverne's POV:

Nataranta ang buong sistema ko dahil nandito si Zachary. Nakita niya ba ang lahat? Tsk. Bullshit!

Hindi ko alam ang gagawin ko!

Bigla kong naalala ang gawain ni Nightmare sa mga oras na ganito kaya kahit labag sa kalooban ay ibababa ko muna ang pride ko.

Bago pa magsalita ang mga lalaking ito ay mabilis akong tumakbo papalapit kay Zachary. Shit! Hindi ko alam kung gagana ba to! Hindi naman kasi ako si Nightmare...

Agad ko siyang niyakap , " Z-Zachary... T-they are harassing me", bigla kong sabi at siniguro kong gumagaralgal ang boses ko para mapaniwala pa siya.

Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya kaya mukhang nagulat siya. Damn! 'Pag hindi to gumana, sira na ang buong plano ko!

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING TO MY QUEEN?" galit na bulalas ni Zachary. Tumingin ako sa tatlong lalaking yun at pasimpleng nginitian sila nang nakakaloko.

Nagulat ako sa pagyakap sa akin ni Zachary sabay kuha ng baril niya at pinagbabaril ang tatlong lalaki.

Napangiwi na lang ako dahil kahit kailan, peste itong si Zachary. Wala naman akong sinabing patayin niya! Tsk. Target ko 'yan!! Ako lang dapat ang papatay sa mga ZenHur Mafioso!

Dahil tapos na ang drama ko ay mabilis ako sa kanyang lumayo. Duhh! Kung hindi lang ito kailangan, hindi ko talaga 'yun gagawin.

Bigla niya akong tiningnan at hinaplos ang buhok ko.

"May ginawa ba sila sayo? Tell me kung nasaktan ka ba? " tanong niya sa akin.

"W-wala naman. B-buti na lang dumating ka", sagot ko at napaismid na lang ulit ako nang yakapin niya ako.

"Thank goodness. By the way, bakit ka pala nandito? I thought you said you're going to your room?" tanong ni Zachary habang inaalalayan ako pabalik sa Mansion.

"Naisip ko kasing magpahangin muna. Kaya pumunta muna ako saglit dito. Hindi ko naman alam na bigla silang aakto ng ganun", agad kong sagot.

Nang makapasok sa loob ay biglang sinuntok ni Zachary si Mr. Zen, nagulat ito pati na ang babaeng kasama niya.

"Your men tried to harass my Queen!" gigil na sabi ni Zachary kaya napairap na lang ako.

Oh dear, dahil sa ginawa ko ay aabot pa kami sa ganito. Tsk. Tsk.

Halatang nagulat sila at masamang tingin ang ibinigay sa akin ng babae ni Mr. Zen.

Biglang silang bumunot ng baril kaya napatingin ako sa kanila.

Mabilis ding bumunot ng baril si Zachary ngayon. Nakatutok ang baril nilang dalawa sa amin habang nakatutok ang baril ni Zachary kay Mr. Zen.

Seryoso akong nakatingin sa kanila.

Tsk. Hindi ako papayag na aagawan na naman ako ng target ngayon!

Bigla kong hinablot kay Zachary ang baril niya na siyang ikinagulat nila.

"Let me do this", mabilis kong sabi sa kanya at walang pasubaling ipinaputok iyon sa dalawang nasa harap namin na agad nilang ikinatumba.

Sa sobrang bilis ng pangyayaring 'yun ay hindi nagkaroon ng panahon para maka-react ang mga binaril ko, maski si Zachary ay talagang nabigla.

Gusto kong humalakhak dahil sa ginawa ko pero hindi pwede dahil nandito si Zachary sa tabi ko. Paniguradong magtataka siya kung ganun ang maging reaksyon ko ngayon.

Mayamaya ay bigla namang nagsipuntahan dito ang mga ZenHur Mafioso kaya agad na pinagbabaril din iyon ni Zachary.

Dumating din ang ibang Vaughn Mafioso at sunod-sunod na ang palitan ng putok ng mga baril.

Nakita ko ring nagtakbuhan papunta rito sina Herbert at Thomas kaya sa kanila na ipinagkatiwala ni Zachary ang lahat at mabilis niya akong dinala sa 3rd floor.

May mga sumusunod pa sa aming Zenhur Mafioso kaya pinagbabaril sila ni Zachary. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang tumatakbo kami.

Nakangiwi lang ako ngayon dahil hindi ako nakakasali sa barilan nila. Napaka boring dahil heto ako, tumatakbo lang habang 'pinoprotektahan' ni Zachary.

Ang boring talaga ng ganito! Gusto ko ring sumali sa patayan nila! Tsk. Gusto ko ring mag-enjoy!!

Pumasok kami sa isang room at mabilis niya akong pinaupo.

"Dito ka lang okay? Kami na ang bahala sa nangyayari sa labas", sabi ni Zachary sabay abot niya sa akin ng isang baril.

"Here. Gamitin mo ito kapag may hindi magandang nangyari habang wala ako", bilin niya sa akin at lumapit na sa pinto.

Bigla siya ulit sa akin lumingon at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo.

"Stay safe here,okay?" sabi niya sabay labas ng kwarto.

Naiwan akong nakatanga dito. Peste! Bakit niya ko hinalikan?! Tsk.

Naghanap ako ng tela at marahas na pinunasan ang noo ko na hinalikan niya. Leche!

Hinawakan ko ang baril at pasimpleng binuksan ang pinto at tiningnan kung may tao sa labas.

Nang makasigurong wala pa namang tao, mabilis akong lumabas.

It's time to join the game.
Unfair naman kung sila-sila lang ang maglalaro.

Naririnig ko pa rin ang sunod-sunod na barilan sa ibaba kaya mabilis akong naglibot sa floor na ito at may nakita akong kaaakyat pa lang na mga ZenHur Mafioso. Mabilis ko silang pinagbabaril na agad nilang ikinalaglag sa hagdan.

Bigla namang may apat na ZenHur Mafioso ang nakita kong lumabas sa isang kwarto at maya-maya ay binuksan ang isa pang kwarto. Mukhang hinahanap nila ako.

Mabilis akong nagtago sa isang gilid. Nang malapit na sila sa akin ay mabilis akong nagpakita at ngumiti sa kanila.

Agad kong pinaputok ang mga ulo nila kaya agad din silang tumumba.

Hindi ko namalayan ang presensya ng isang tao na nasa likod ko. Naramdaman ko na lang ang bunganga ng baril na nakatutok sa leeg ko.

Hinila niya ako pero sinipa ko siya patalikod. Nang makawala ako ay bigla niya akong nasapak kaya nang mahawakan ko ang ulo niya ay mabilis ko itong inumpog sa pader.

Kukunin ko na sana ang baril nang bigla niya itong hablutin kaya nag-agawan kami.

Bigla na lang may tumagos na patalim sa dibdib nito na agad niyang ikinatumba.

Nakita ko si Evan na nakasaludo sa akin.

"Yo, Queen!!" nakangiti niyang bati at hinugot ang dagger sa likod ng lalaki.

May sumusugod sa amin kaya mabilis niyang pinatama ang mga hawak na dagger sa kanila at namangha ako dahil sabay-sabay iyong tumagos sa katawan ng mga lalaki at parang nagkaroon pa ng pattern.

Nakita ko kung gaano kaasintado si Evan sa paghawak at pagpapatama ng mga dagger niya.

Yeah, Siya nga pala si Evan Alton, The 'E' holder in D.E.A.T.H. Squad and he is the "Dagger Expert".

-----------------------------------------------
(A/N: Thanks for patiently waiting sa updatessss ♡ )

Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now