Chapter 3

230K 4.6K 229
                                    

WILSON let out an audible sigh as he watched Samantha who's sitting on the bed in a relaxed position while browsing through fashion magazine while him on the other hand was ready to check-out.

"Samantha," kuha niya sa atensiyon ng babae. Ibinigay nito ang atensiyon sa kanya, ngumiti.

"Hey!"

Tumaas ang kilay niya. Wala ba itong balak kumilos?

"You look good. I can tell that you are the hottest mayor. I like your fashion style."

Humarap si Wilson sa salamin at sinuri ang sarili. He is wearing a plain white V-neck shirt that hugged his broad chest perfectly, dark jeans and a leather shoes that cost a little fortune by most standards. His hairstyle is a topknot undercut. Hinaplos niya ang hindi naman kakapalang balbas. He has three black armband tattoos around his right forearm in a vary thickness. Makapal ang nasa taas, mas manipis ang pangalawa at ang pangatlo ay gawa sa baybaying alpabeto na bumuo sa pangalan ni Sasahh. Ilang ulit na inukit ang pangalan na Sasahh sa kanyang balat para mabuo ang band. Every word separated by dots.

He had chosen to have black armbands tattooed on his skin instead of tying a black cloth armband when Sasahh had passed away. This serves as a permanent reminder of how special Sasahh was to him; of how he loves her.

Wilson huffed and tried to brush the bad memories away. Muli niyang binalingan si Samantha.

"Get dress, Samantha. We are going back to La Carlota." Limang araw silang naglagi sa Grandeur Hotel para sa kanilang honeymoon at ngayon ay kailangan niyang bumalik ng La Carlota. Marami siyang gagawin sa bayan. May nagbigay sa kanilang trip to Paris bilang regalo sa kasal nila pero hindi nila ginamit. They aren't real lover after all.

"I'm not going with you," she informed him, still browsing through magazine.

"What?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"There is a lot of work to be done. I have to attend meeting, photoshoots and many more."

"Pero paano si Ryke? He is expecting us. Tinawagan ko ang bata kagabi at sinabi kong ngayon tayo uuwi."

"Ikaw na bahalang magpaliwanag sa kanya." Disappointed siyang umiling. Para itong walang pakialam sa sariling anak. Parang hindi man lang na-miss ang sariling anak na ilang araw ng hindi nakikita. Ni hindi nga man lang nito tawagan.

"Samantha—"

"Mr. Alkalde!" she cuts him off.

"Ayaw kong pinapakialam ako sa desisyon ko lalo na pagdating sa trabaho ko. Wala akong planong maging isang palamuti mo sa tuwing iikot ka sa bayang pinamumunuan mo. Walang magbabago sa kung ano ang ginagawa ko. Mag-asawa lang tayo sa papel." Tumiim ang mukha niya. Iyon naman talaga ang gusto niya. Ang hindi pakialaman ang isa't isa. Pero si Ryke ang ipinupunto niya rito.

"It's not about us, Samantha. Si Ryke ang inaalala ko. Sumama ka sa 'kin para makita ka ng anak mo at pagkatapos ay ipapahatid ulit kita rito sa Manila. Now get dress!" Punong-puno ng awtoridad niyang utos sa babae. Hinablot niya ang sport coat na nakasampay sa sandalan ng silyang nasa harap ng dresser.

"May kikitain lang ako sa baba. Pagbalik ko aalis na tayo kaya maghanda ka na," aniya at iniwan na ang babae.

"DADDY!" Ryke's cheerful voice made him smile as he entered the old mansion of Dela Fuente. Patakbong lumapit sa kanya si Ryke at agad niya itong binuhat.

"Where's mommy?" tanong ng bata habang nakatingin sa kanyang likuran, expecting that he's gonna see his mother.

"Um, mommy can't go home today." Ang punong-puno ng excitement na mukha ng bata ay biglang lumungkot.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon