Chapter 21

130K 3.8K 268
                                    

"IKAW, Poleng, ah? Kung ano-ano ang itinuturo mo kay Ryke!" Kastigo ni Sasahh kay Poleng na busy sa panonood ng YouTube sa Smartphone nito habang nakasandal sa katawan ng malaking puno. Nakaupo sila picnic mat na nakalatag sa bermuda grass sa ilalim ng puno ng Oak. Si Ryke naman ay busy sa paglalaro ng de remote nitong nitong toy car.

"Ano na namang kalokohang itinuro mo Poleng?" Si Elisse na kumakain ng chips.

"Sinabi ba naman sa bata kung paano gumawa ng baby. Ayon, kinukulit kami ng kuya mo na gumawa ng baby at manonood daw siya." Humalahak si Elisse. Hindi na niya sinabi pa na nakita sila ni Ryke na may ginagawang milagro. Nakakahiya masyado.

"Eh, tanong po kasi nang tanong. Sabi gusto raw niya ng kalaro, sabi ko mag-request ng kapatid sainyo para may kalaro siya. Tapos kung ano-ano na ang itinanong. Paano raw gumawa ng baby? Sabi ko naman kailangan mag-kiss at magyakap ang mag-asawa, sabi naman niya, nakikita niya kayong nagki-kiss at hug pero wala pa ring baby. Ayon, nasabi kong kailangan walang damit. Jusko! Nakakakurta minsan ng utak si Ryke. Ang daming tanong. Hindi ko na alam minsan kung ano ang isasagot."

Totoo ang sinasabi ni Poleng. Kahit siya minsan ay nauubusan ng isasagot. Minsan tinanong pa siya kung paano malalaman kung lalaki o babae ang isang hayop nang may makita itong pusang gala. Ipinaliwanang naman niya nang maayos. Ang lalaki ay may penis at ang babae ay may vagina katulad din ng sa tao.

"Saka ayos na po 'yon, señorita. Sex education po 'yon para hindi ka agad maging lola."

"Puro ka talaga kalokahan, Poleng. Apat na taon palang si Ryke." Pinaikot ni Elisse ang mga mata.

"Eh, ikaw, Poleng, wala ka bang balak magpatanin ng binhi? Tumatanda ka na, ah? Pakunat na 'yang matris mo."

"Payag ka ba, Señorita, kung si Señorito Alkalde ang magtatanim sa 'kin?"

Malakas na humalakhak si Elisse.

"No way! Hindi mabubuhay ang binhi niya sa 'yo? His seeds only suit me. Kumbaga sa lupa, matabang lupa ang  mayroon ako at sa akin lang maaaring mabuhay ni mayor."

Umingos si Poleng, dumapot ng cookies at kumagat.

"Siguro noong ipinagbubuntis kayo ng mga  nanay niyo nagbuhos ng  biyaya ang Diyos. Ang suswerte niyo. Magaganda, mayaman, tapos ang gugwapo pa ng asawa. Pero si Señorita Elisse, malasmalas sa asawa."

Napatawa si Elisse. "Hindi lang kamo malasmalas. Sobrang malas!" Hindi naman ito mukhang nalulungkot o apektado sa nangyayari sa  buhay. Elisse looks happier this past few days kaysa sa mga unang araw nito sa mansiyon.

"Pero baka si Sir Adan talaga ang nakatakda para sa 'yo." Ang pagkakangiti ni Elisse ay biglang naglaho. Pinamulahan ito.

"Adan?" Curious na tanong ni Sasahh.

"Sabi ni Ryke naghalikan daw kayo ni Sir Adan." Ang kaunting pamumula sa mukha ni Elisse ay lumala. Pati puno ng tainga nito ay namumula na ngayon.

"Really?"

"No!" Mabilis na tugon ni Elisse.

"It was an accident! Magbebeso lang dapat siya kaso lumingon ako kaya sa labi lumapat ang labi niya. But it's nothing. Napakatsismosa mo talaga, Poleng!"

"Si Ryke ang tsimoso, hindi ako. Mga galawan señorita."

"Poleng, stop!" Hinampas ni Elisse si Poleng sa braso. Hiyang-hiya ito.

"Malesyoso ka!"

"Pero sandali. Kailan kayo nagkita ni Adan? Bakit hindi ko alam 'to?" Biglang  na-tense si Elisse sa tanong ni Sasahh na iyon.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon