Chapter 23

131K 3.3K 455
                                    

HINDI talaga maubos ang paghanga ni Sasahh sa ganda ng lugar ni Mitchell. The house and the view were perfect. Sa ikatlong palapag ng bahay ay ang silid ni Mitchell. Okupadong lahat iyon ni Mitchell. It was a huge bedroom. Hindi bastang silid tulugan lang. It was actually similar to a penthouse. Naroon ang lahat ng kakailanganin mo. There is a small entertainment area, mini bar, work-out area and outside the bedroom is a long veranda; a perfect spot where you can take in the beauty of Tagaytay.

The outdoor area was fully furnished with comfy seating pieces in neutral color. Perfect spot to unwind and enjoy a drink like what Mitchell and her doing right now. Sa dulo ng veranda ay isang malaking jacuzzi.

Dinala niya sa bibig ang kopita at sumimsip ng wine. Ipinaikot niya ang isang braso sa katawan. Manipis na puting T-shirt at isang pulang sweat pants lang ang kanyang suot. 'Di naman kasi niya in-expect na pupunta sila rito. Biglaan lang.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sasahh nang ibalabal ni Mitchell kanyang balikat ang isang jacket habang nakatayo siya sa may balustre ng veranda.

"Thanks," she said softly. Mitchell returned to his seat and continued his drink.

Hindi masyadong nagsasalita si Mitchell mula pa kanina at medyo naba-bother siya dahil doon. Alam niyang may bumabagabag sa kaibiga  pero hindi niya alam kung ano dahil ayaw naman magsabi.

"Napakaganda talaga ng lugar na 'to, Mitchell. I want to have this kind of property."

"I can give it to you if you want."

Napatawa si Sasahh na bumaling sa kaibigan. "Wow! Iba rin!"

Lumapit siya at umupo sa tabi nito.

"Kukunin kitang ninong sa kasal namin ni Wilson, ah? Mukhang bigatin kang magregalo."

Walang reaksiyon si Mitchell sa sinabi niya. Nakatitig lang ito sa kanya. And in a very brief moment of time, tila may nakita siyang pait sa mga mata nito. Nag-iwas ito ng tingin bigla at nilagok ang natitirang laman ng baso saka muling nagsalin ng Hakushu 18-year old single malt Japanese whiskey, pero hinayaan muna ang baso sa mesa.


May problema nga ang loko!

Ibinaba ni Sasahh ang baso at ginagap ang kamay ni Mitchell.

"Mitchell, isang taon na rin tayong laging magkasama kaya alam ko kung may problema ka? A problem shared is a problem halved. Tell me what's bothering you."

"It's nothing!"

"Mitchell! C'mon tell me!" Pangugulit niya.

"Sasahh, please! It's nothing!" Hindi naman siya pinagtaasan nito ng boses pero nasaktan siya sa naging tugon nito. Kapag siya, nalulungkot, pipilitin siya nitong magsabi at lahat nang nararamdaman niya ay inihahayag niya rito. Tapos ngayon, nagdadamot ito.

"Okay fine! Kung ayaw mo 'di wag!" Inalis niya ang pagkakabalabal ng jacket sa kanya at padabog na tumayo. Agad namang nahawakan ni Mitchell ang kamay ni Sasahh.

"Hey! Tampo agad?" Napatawa ito.

"Hindi ako nagtatampo 'no! Wala naman akong magagawa kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan katulad nang pagtitiwala ko sa 'yo. It hurts but it's fine. Choice mo 'yan, eh. So, it's really okay." Inirapan  niya ito saka hinila ang kamay pero hindi iyon binitiwan ni Mitchell.

Muli itong natawa. Pinisil ang kamay ni Sasahh. "C'mon sit with me," he coaxed. Lumabi si Sasahh, hindi sinunod ang lambing ng kaibigan kaya muling natawa si Mitchell.

"Halika na! Huwag ka nang magtampo." Sinunod niya rin ang gusto  nito. Ipinagkawing ni Mitchell ang mga daliri nila.

"Brokenhearted lang ako."

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon