Chapter 5

194K 4.6K 271
                                    

"WHY can't I go with you?" usisa ni Ryke kay Samantha at Wilson. Gusto ng batang sumama sa pagtitipong dadaluhan nila. Tumingin si Samantha kay Wilson, humihingi ng saklolo para paliwanagan ang bata. Lumapit si Wilson at pa-squat na umupo sa harapan ni Ryke. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"Listen, buddy. Hindi kasi pangbata ang event na pupuntahan namin ni mommy. Saka late na rin. You should go to bed na. Babalik din kami agad ni mommy. Magde-date lang kami."

Ryke sighed. "Alright." Malapad na ngumiti si Wilson nang madali namang napakiusapan si Ryke.

"Good boy." Ginulo niya ang buhok nito saka iniumang ang nakakuyom na kamao sa bata at agad namang nakipag-fist bump si Ryke. Binalingan ni Ryke si Samantha.

"Bye, mommy. Enjoy your date with daddy." Niyuko ni Samantha si Ryke at binigyan ng yakap.

"I love you," Ryke said and gave his mother a quick peck on the cheek. Isang tipid na ngiti ang ginanti ni Samantha sa bata.

"Yaya, ikaw na ang bahala kay Ryke," bilin ni Wilson sa yaya ni Ryke.

"Shall we?" He offered his arm to Samantha and she took it. Dadalo sila sa isang fundraising auction na inorganisa ng asawa ni Congressman Romualdez. Inimbitahan na rin niya ang mga kaibigan. Hindi lang niya kung naroroon na sa venue. Pero kanina pa dumating ang mga ito sa bayan ng La Corlota at nag-check-in lang sa isang hotel.

"You are very lovely," puri niya kay Samantha nang pagbuksan niya ito ng pinto ng sasakyan saka hinagod ng tingin. Hindi niya alam kung ilang beses na ba niya itong hinahagod ng tingin mula pa kanina. Hindi siya nangbobola lang. Talagang napakaganda nito sa ayos at suot. She's wearing an oxblood Christian Dior Couture gown with a plunging neckline. Halos abot pusod ang tabas ng neckline nito. She styled her hair in a very stunning messy bun.

"Flat is hot!" she said, making his eyes flicker to her face. Hindi niya namalayang nakatitig na naman siya sa dibdib nito.

"Um. Of course," sang-ayon niya. Sumakay si Samantha at bahagya pa siyang inirapan. Well, he has a hot wife. Not bad. Sutil nga lang.

"HI, Eli!" Bumungisngis si Yelena pagkatapos siya nitong salubungin ng isang halik sa pisngi pagpasok palang nila ng event room.

"You look so handsome in this tie, Eli." Hinaplos nito ang kahabaan ng kanyang necktie.

"I love playing with your tie while I'm on your lap." Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi habang pinapaikot-ikot ang necktie sa daliri nito. Tumikhim si Samantha, sadya nitong kinuha ang atensiyon ni Yelena.

"Oh, sorry, I totally lost my train of thought when you are around. You always give me very naughty thoughts," Yelena chuckled, tracing her fingertips along the crest of her exposed cleavage, down to her navel. Halos magkatulad ng tabas ang suot ni Samantha at Yelena. Itim ang kay Yelena at mas scandalous nga lang ang sa babae dahil may kalakihan ang dibdib nito.

"Would you like us introduce to each other?" Samantha suggested, her grip tightened around his arm.

"This is Yelena, my consultant, this is Samantha, my wife."

"His wife! I'm his wife!" Samantha bragged.

"Hey, wife!" Yelena greeted Samantha with her chin up in the air.

"Don't you know that hitting on someone's husband right in front of wife is very unacceptable. It isn't normal behavior of a normal woman? Sinabi sa 'kin ni Ryke ang ginawa niyo ng magaling kong asawa."

Sa halip na matakot ay tila proud pang ngumisi si Yelena. Si Wilson naman ay hinawakan ang kamay ni Samantha na nakahawak sa kanyang braso at bahagyang pinisil. Napahugot din siya nang malalim na hininga dahil sa tensiyong namumuo. Jesus! He didn't see it coming.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon