Chapter 1

1.9K 63 11
                                    

First Talk

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

First Talk

Kaeton's POV

"Kae! Tara na! Kailangan nating makaabot."

Oo nga pala, may fan meeting ngayon yung paborito namin grupo. And yes ilang beses na kaming nag aattend ng mga fan meeting nila. Unti unti na nga nila kaming nakikilala pwera nalang kay...

Yoongi. Yes siya ang pinakacold sakanila pero siya ang pinakanagustuhan ko sakanila.

Hinila ako nung kaibigan ko papunta sa venue kung saan yung fan meeting.

At sa awa naman ng diyos, nakaabot naman kami.

Nakapila na kami at nilabas ko yung album na pipirmahan nila. At syempre nauna na yung kaibigan ko.

Andito ako ngayon sa harap ni Rap Monster siya ang leader ng BTS.

"Uy ikaw ulit! Ano na ulit pangalan mo?" tanong niya sakin sabay ngiti.

"Kaeton, pero you can call me Kae" sagot ko sabay ngiti din.

"Ang unique ng name mo." Sabi niya sakin sabay ngiti ulit.

At ayun nagtuloy tuloy at yun nga naaalala parin ako nung 5 pa at ngayon nasa harap ako ni Yoongi. Grabe ang gwapo niya talaga lalo na pag malapitan.

Tinignan lang niya ko, ni hindi man lang hinawakan kamay ko. Ni hindi man lang niya ako nginitian!

At ayun na nga tapos na yung fan meeting at hindi pa rin ako pinansin ni Yoongi! Kaya lang naman ako pumupunta sa mga fan meetings nila para lang mapansin niya ko. Yung tipong kaunti lang yung pinapansin niya! Grabe ang swerte naman nung mga yun. Ano kayang feeling?

"Ano, Malungkot ka nanaman kasi hindi ka nanaman pinansin ni Yoongi mo?" Tanong sakin nung kaibigan ko.

"Anong Yoongi ko? Di ko siya pagmamay-ari! Hmmpf!"

"Soon." Anong soon? Ulul.

Nakauwi na ako at nag-on ako sa Facebook. May mga rumors nanaman na may dinedate si Yoongi! Ang sakit, yes halos dalawang taon na ko naghahabol sa taong alam kong hindi naman ako kayang mahalin pabalik! Pano ba naman na halos every fan meeting hindi niya parin ako naaalala. Ni hindi nga niya ko pinapansin eh. Kaya hindi ako nagkaka boyfriend e.

"Hays kailan kaya ako mapapansin ni Yoongi?"

At dun na nakatulog na ko.

*MORNING*

"Anak! Gising na! Magbibiyahe tayo! Magbabakasyon tayo sa Probinsya." Sigaw ni Nanay sakin.

"Sandali! Wala pa akong naimpake na gagamitin ko dun!"

"Sige dalian mo! Sampung minuto dapat tapos na ha?! Makikisakay lang tayo sa Tito mo!"

"Opo!" Sagot ko kay Nanay.

Niligpit ko na lahat ng kailangan ko at bumaba na ko.

"Tara na anak, naghihintay na Tito mo sa labas" sabi ni Nanay sakin.

"Opo Nay."

Pumasok kami sa sasakyan ni Tito at umalis na. Tinulog ko muna para at least pagkagising ko nasa Probinsya na kami.

Nagising ako nung may tumapik sa balikat ko.

"Anak andito na tayo. Gising na"

Lumabas kami sa kotse at dumiretso na sa loob ng bahay. Pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga. Pagkahiga ko biglang nagvibrate phone ko.

Pagkakuha ko nung phone ko, tumatawag si Aerin. Sinagot ko naman.

"Kae! San ka ngayon?" Mukhang excited ata to sa sasabihin niya.

"Nasa probinsya ako ngayon bakit?" Tanong ko sakaniya.

"Andiyan sila ngayon! And bukas matatapos na daw yata yung ng shooting nila! And guess what?"

"What?"

"Maiiwan daw muna si Yoongi dyan parang isang linggo pa daw siya dyan!"

Nabuhayan naman ako sa sinabi niya! Pero kahit naman hanapin ko sila syempre respeto naman sa privacy nila.

"Ah ganon ba? Okay." Sagot ko naman sakaniya.

"Sige balitaan mo ko pag nakita mo sila ha? Ingat ka diyan!" At in-end call niya na.

Inopen ko yung laptop ko at nag on ako sa Facebook. Tama nga si Aerin dito sila nagshoshoot ng music video nila. In-open ko yung article about dun and...

Sa harap lang ng bahay namin sila nagshoot kanina?! Tumingin ako sa bintana at laking gulat ko na meron parin yung mga staffs dun siguro katatapos lang nung shooting pero bat hindi ko napansin yan nung pagkadating namin. Pero nagliligpit na yung mga staffs so feel ko nauna na sila.

At nabasa ko rin na tatlong araw daw silang mag stastay dito, kahapon pa pala sila dumating, ibig sabihin last day na nila bukas pero si Yoongi mag stastay pa siya dito ng isa pang linggo. Bakit kaya?

Tinulog ko muna dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe.

***

"Anak gising na! Umaga na."

Nagising ako at nakita ko kung anong oras na 8 na pala ng umaga. 12 HOURS TULOG KO?! Ganon na ba ko kapagod at nakaya kong matulog ng ganon kahabang oras?!

"Nay anong ulam?" Tanong ko kay Nanay

"Wala. Kumain ka nalang diyan sa labas. May 7-11 naman diyan." Tamad talaga ni Nanay. Binigyan niya ko ng pera at dumiretso ako sa 7-11.

Habang naghahanap ako ng pwede kong kainin may naririnig akong nag uusap na parang galit yung isang tao. Pagkatingin ko galit yung cashier.

"Sir san po yung bayad niyo? Halos sampung minuto ka ng nakatayo dyan." Tanong nung cashier sa lalaking nakacap.

"Ah..." Mukhang wala yata siyang pang bayad. Kinuha ko yung gusto kong kainin at pumunta ako sakanila.

Bahala na si Lord.

"Sorry ha? Natagalan ako, Miss sorry eto yung bayad namin." Binayaran ko na yung kaniya, buti nalang coffee lang binili niya. Lumabas kami at tumingin ako sakaniya. Tinanggal niya mask niya.

"Thank you." Sabi niya sakin at ngumiti.

Hindi ako makapaniwala... parang nakakita ako ng multo.

"Tulala ka diyan? Ayos ka lang, Miss?" Tanong niya sakin.

Hindi ako makasalita.

"Nako! Kailangan ko ng umalis. Uhm see you when I see you? I hope we can hangout sometimes, pag nagkita ulit tayo promise i'll make it up to you." At umalis na siya.

Tinawagan ko kaagad si Aerin.

"Oh ano? Nakita mo sila? Kahit man lang isa sakanila?" Tanong niya sakin.

"Aerin... Ang daldal pala ni Yoongi. Akala ko tahimik lang siya, yun pala madaldal..." sabi ko sakaniya.

"Seryoso?..." Halatang nagulat siya, di ako magtataka sa reaction niya dahil pati ako hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina lang.

Kwinento ko lahat ng nangyari at halatang kinikilig siya. Para dun lang kinilig na siya? In-end call ko na at umuwi na ko sa bahay.

A Week with Him | min yoongi ffNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ