Chapter 10

596 39 18
                                    

Day 3 : Stargazing

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Day 3 : Stargazing

Kaeton's POV

Pagkapasok namin ng sasakyan tawa na kami ng tawa.

"Manong, alam mo naman na kung san tayo pupunta." Sabi ni Yoongi sa driver.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya.

"Basta, malalaman mo mamaya pagdating natin pero syempre kakain muna tayo. Anong oras na o 4:09pm na. Hindi pa tayo naglunch" Sabi niya.

***

Andito kami ngayon sa isang chinese restaurant.

Umupo kami at biglang may pagkain agad na dumating.

"Ang bilis naman yata? Ni hindi ka nga nag order e." Sabi ko naman sakaniya.

Tumawa naman siya at sabi

"Tinext ko na sakanila kung ano yung oorderin natin. At buti nalang pagkadating natin meron na yung pagkain. Kailangan nating dumating dun sa pupuntahan natin before 8pm."

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya.

"Basta malalaman mo nalang pag nakarating tayo dun." Sabi niya sabay ngiti.

***

Tapos na kaming kumain kaya pumunta agad kami sa sasakyan at pumasok.

Lumapit si Yoongi sa driver at kinindatan niya. Bat niya kinindatan? Ngumiti naman si Kuya.

Tumingin naman siya sakin at sabi

"Matulog ka muna kung gusto mo medyo mahaba yung biyahe, medyo lang naman." Sabi niya.

"Seryoso? San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya.

"Secret, matulog ka muna kung gusto mo dahil ako matutulog ako."

Kinuha ko yung phone ko at nag-on ako sa Facebook... uh oh

Puro articles about kay Yoongi and meron yung isang article na kasama niya ko at buti nalang tinakpan ni Yoongi yung mukha ko gamit yung kamay niya.

Chineck ko yung notifications at

Aerin Sanchez mentioned you in a comment.

Bat naman niya ko imemention? Chineck ko naman at nakita na minention niya ko dun sa article na kung saan kasama ako ni Yoongi.

Aerin Sanchez: Ang pangalan niya po Kaeton Evangelista.

Argh! Nakakainis talaga tong babaeng to! Idedelete ko na nga tong account ko.

Pumunta ako sa settings at dinelete ko na yung Facebook ko para iwas sa mga toxic na mga tao.

Tinago ko na yung phone ko at tinignan ko si Yoongi. Nakatulog na nga talaga siya.

Makatulog na nga.

***

"Kaeton. Gising na, andito na tayo." May naramdaman akong tumatapik sa balikat ko kaya nagising ako.

Tumingin ako sa labas at andito kami ngayon sa Planetarium!

"Dito tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya. Sa sobrang saya ko napayakap ako sakaniya.

Pero tinanggal ko din lang agad.

"S-sorry ang saya ko lang." Sabi ko sakaniya.

"Ayos lang." At ngumiti naman siya.

"So tara na?" Tumango naman ako at lumabas na kami sa sasakyan.

Ngayong nasa loob na kami dumiretso muna siya sa ticket booth para bumili ng ticket.

Bumalik siya na may hawak na dalawang ticket at binigay niya sakin yung isa.

"Tara na. Tara na." Sabi ko sakaniya.

"Excited ka masyado. Mukha ka talagang bata." Sabi niya sabay tawa ng mahina.

Naglakad kami at pumunta agad ako sa room kung saan yung walls, floor at ceiling is puro stars at sa gitna naman is parang projector na nagproproject ng mga constellation.

Lumapit siya sakin.

"Pwedeng humiga." Sabi niya sakin.

Humiga naman ako at pinagmasdan yung mga constellation.

"Labas tayo after 15 minutes." Sabi niya, tumango naman ako.

Tumabi naman siya sakin at humiga.

"Ang ganda no?" Tanong niya sakin, napangiti naman ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko yung buong mukha ko pula na.

"Ang ganda talaga ng mga stars." Sabi ko sakaniya.

Nagstay kami na ganto lang na nakatingin sa mga stars na nandito sa room.

"Tara na?" Tanong niya sakin at tumayo naman ako.

Lumabas kami at hinila niya ko palabas. May nakita akong telescope at agad naman akong dumiretso dun.

"Yoongi! May telescope!" Sigaw ko sakaniya at ngumiti siya sakin.

Sinubukan ko yung telescope at kitang kita mo yung moon and ang ganda.

"Masyado ka yatang masaya ngayon a." Sabi niya sakin.

"Actually gustong gusto kong pumupunta sa mga planetarium ganun, anything related sa space. At dream ko rin maging astronaut." Sabi ko naman sakaniya.

Bigla niya kong hinila at pumunta kami sa wala masyadong ilaw at nakita kong may mga tao.

"Ano meron?" Tanong ko sakaniya.

"11:03 na so 27 minutes pa. May meteor shower ngayon." Sabi niya sakin.

Bigla akong napangiti. Grabe ang saya ko ngayon.

Nagkwentuhan kami saglit at may narinig kaming nagsalita.

"May nakita ako dun!" Tinignan ko naman yung sky.

Nakafocus ako at may nakita rin ako.

"Yoongi! Nakita mo yun?!" Tanong ko sakaniya.

"Oo oo. Chill." Sabi niya sakin at tumawa naman.

Ang saya ko ngayon.

"Kaeton."

*****

Hey guys! Salamat sainyong lahat and btw baka medyo mabagal na akong mag update kasi pasukan ko na tomorrow. Thank you ulit guys! :) <3

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now