Chapter 15

524 29 15
                                    

Day 5: Overnight

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Day 5: Overnight

Kaeton's POV

"TARA NA! PAGOD NA KO!" Sigaw ko sakaniya.

"AYAW! Gusto ko pang maglaro." Sabi niya sakin.

"Wala na kaya tayong tokens!"

"Eh! Edi bibili pa tayo!"

"Bahala ka diyan! Aalis na ko." Umalis naman ako at dumiretso ako sa labas ng arcade.

Bumaba ako papuntang first floor para umalis na dito sa mall kaso may problema...

Tama nga si Nanay at Papa, uulan. Wala akong dalang payong! Ish.

Pano na to?!

"Pano ba yan? Pano ka makakatakas niyan?" Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Tinignan ko kung sino at si Yoongi pala.

"Ugh! Kaasar ka!" Sigaw ko sakaniya.

"Bakit?! Kasalanan ko ba kung umuulan?!"

"Hindi hehe."

"Tara na sa grocery para bumili ng mga kakainin natin mamaya." Sabi niya sakin sabay hila papuntang grocery.

Kumuha naman na kami lahat ng mga kakainin namin mamaya at dumiretso na kami sa pinag stastayan ni Yoongi.

"Maligo ka muna." Sabi niya sakin.

"Wala akong damit!" Sigaw ko sakaniya.

May binato siyang plastic bag sakin at tinignan ko kung ano yung laman nung bag.

"PANO NAPUNTA TO SAYO?!" Pasigaw na tanong ko sakaniya.

"Sabi ko nga sayo diba na pinaalam kita sa parents mo and sabi ko na kuha din sila ng damit na pantulog mo!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Seryoso?! Mahal ba talaga ako ng magulang ko?" Nakakaasar naman sila Nanay at Papa.

Dumiretso na ko sa cr at naligo.

Habang naliligo ako. Napaisip ako, bat kaya gusto niyang mag overnight ako dito? Siguro dahil dalawang araw nalang siya dito. Mamimiss ko siya sagad.

Pagkatapos kong maligo, nagpalit na ko at lumabas na.

Pagkalabas ko nakita ko si Yoongi na nakahiga. Tulog na pala siya. Ang galing! Wooh!

Pumunta ako sa kusina at binuksan ko yung ref. Kumuha ako ng isang itlog at bumalik ako kung nasan si Yoongi.

"YOONGI GISING!" Sigaw ko.

Saktong pagkabangon niya binato ko yung itlog sakaniya at sumakto naman sa noo niya.

Nakita ko reaction niya at tawa naman ako ng tawa.

"KAETON!" Oops galit na siya.

"Sorry! E kasi naman nagulat ako sayo kaya yun tuloy nabitawan ko yung itlog, hindi ko naman sinasadya na dumiretso sa... pfft." Hindi ko na napigilan sarili ko kaya tumawa na ako.

"KAETON!" Tumakbo na ako habang tumatawa.

"Sorry na!" Tawa pa rin ako ng tawa. E kasi naman yung mukha niya! Haha!

Tumigil naman ako at umupo sa sofa.

"Sorry na, pagod na ko." Sabi ko sakaniya at tumabi naman siya sakin.

"Pag to naulit." Tumingin naman ako sakaniya.

"Bakit? Ano gagawin mo pag inulit ko yan?" Tanong ko naman sakaniya.

Tumingin naman siya sakin ngayon. Naka eye to eye contact kami. Hindi ko napigilan sarili ko kaya umiwas ako ng tingin sakaniya.

"Oo na oo na, hindi ko na to uulitin." Sabi ko sakaniya.

Bigla ko siyang tinanong.

"So ano na plano mo? Like two days ka nalang dito?"

"Siguro yung dalawang araw nalang na natitira, sisiguraduhin ko na masaya ako, lalo na't kasama kita. Hindi ko inexpect na masaya ka palang kasama." Sabi niya sakin.

Namula ako bigla sa sinabi niya.

"Kaeton."

A Week with Him | min yoongi ffМесто, где живут истории. Откройте их для себя