Chapter 7

633 41 3
                                    

Day 2: Falls

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Day 2: Falls

Kaeton's POV

"Yoongi, gusto kita." Sabi ko pero mukhang hindi niya ko marinig.

***

Argh! Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko yun sakaniya kagabi?! Buti nalang hindi niya narinig e! Nakakahiya.

Biglang nagvibrate yung phone ako at may nagtext sakin. Si Yoongi.

Yoongi:
Hey meet tayo 7-11 tara sa falls ngayon.

Kaeton:
Sige sige.

Nagprepare ako at bumaba ako at nakita ako ni Nanay.

"Anak napapadalas yata ang paglabas mo ngayon? May boyfriend ka na ba?" Tanong sakin ni Nanay.

"Wala Nay, kaibigan ko lang po yung laging kasama ko ngayon." Sabi ko sabay ngiti.

"Sige Anak, ingat ka ha?"

"Opo Nay, alis na po ko. Bye."

Lumabas na ko sa bahay at dumiretso na ko sa 7-11 at nakita kong andun na si Yoongi.

Pinuntahan ko siya at tumingin siya sakin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"A-ah o-oo hehe." Sabi ko sakaniya. Nahihiya pa rin ako dahil sa sinabi ko kagabi kahit hindi naman niya narinig yun.

"Ang weird mo ngayon." Sabi niya sabay tawa.

Ish nakakaasar bat ko kasi sinabi yun sakaniya?

"Tara na sa falls! Lead the way." Sabi niya sakin.

Nauna naman akong naglakad at sinusundan naman niya ko.

Bat ko ba nasabi yun? Nahihiya tuloy ako sakaniya. Hindi ako masyadong makatingin sakaniya.

"Sure ka bang okay ka lang?" Tanong niya sakin.

"Ha? Oo oo, okay lang ako." Sabi ko at binilisan kong maglakad.

***

Nakarating naman na kami sa falls at umupo ako sa gilid.

"So dito kayo nagpunta ni V nung isang araw?" Tanong niya sakin.

"Oo." Sabi ko sabay ngiti.

Habang pinaglalaruan ko yung tubig gamit yung paa ko naramdaman kong may humawak sa likod ko.

"Hoy! Anong balak mo?!" Pasigaw na tanong ko sakaniya.

Hindi niya ko sinagot dahil tinulak na niya ko. Basa nanaman ako!

"MAGKAIBIGAN TALAGA KAYO NI V! Argh!" Sigaw ko.

Pumunta ako sakaniya na nakangiti. Bigla siyang tumigil kakatawa.

"MIN YOONGI! HALIKA DITO!" Umahon ako at hinabol ko siya.

"Bleh!" Sabi niya at tawa nanaman siya ng tawa.

Sa kakatakbo niya nadulas siya at dumiretso sa tubig. Tawa ako ng tawa.

"Yan! Karma mo yan! Ayan kasi tulak tulak mo pa ko!" Sigaw ko sakaniya.

Tumayo siya at tinignan niya ko ng masama. Uh oh...

Pinuntahan niya ko at ako naman dumiretso ako sa tubig at tawa ako ng tawa.

Naglaro kami hanggang sa napagod kaming dalawa. Napaupo kami at may sinabi siya.

"Rock paper scissors tayong dalawa?" Tanong niya sakin.

"Ano meron?"

"Kapag nanalo ako libre mo Lunch. Kapag natalo ako libre ko yung Lunch natin." Sabi niya sakin.

"Rock paper scissors!"

Paper sakin sakaniya naman rock.

"Pano ba yan ikaw ulit manlilibre?" Sabi ko sakaniya sabay tawa.

"Isa pa! Isa pa!" Sabi niya sakin.

"Rock paper scissors!"

Scissors sakin, paper naman sakaniya.

"Panalo pa rin ako!" Sabi ko sabay labas dila.

"Tara na nga!" Sabi niya sakin at sinundan ko naman siya.

***

Nandito kami ngayon sa isang seafood restaurant.

"Ikaw na mag order ng akin." Sabi ko sakaniya.

"Sige sige."

May pumuntang waitress sa harap namin at sinabi ni Yoongi yung mga orders namin.

Nagkwentuhan kami saglit at dumating na yung pagkain. Halos lahat may shrimp.

"Seryoso kang kakainin natin lahat to?!"

"Oo." Sagot niya at nagsimula na siyang kumain.

Kumain na din ako at ang sarap lahat ng inorder niya. Kahit ayaw ko ng shrimp, kinain ko pa rin at masarap pala ang shrimp.

Ang saya ko simula kahapon nung kaming dalawa lang magkasama. Sana pagbalik niya maaalala niya pa rin ako. At sana kausapin niya na rin ako.

A Week with Him | min yoongi ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon