Chapter 8

615 41 4
                                    

Day 2: Park

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Day 2: Park

Kaeton's POV

Pagkatapos naming kumain, hindi na namin alam kung san na kami pupunta.

"Gusto mo punta tayo sa park?" Tanong ko sakaniya.

"Meron? San banda? Tara!" Sabi niya sakin.

Mukhang excited ata ito. Napangiti naman ako.

"Halika." Sabi ko sakaniya.

Mas nauna akong naglalakad at siya naman sumusunod lang.

***

At sa wakas nakadating na kami dito sa park!

"Tara sa slide tayo!" Sabi niya sakin.

Tumakbo naman siya papunta sa slide. Ang cute cute niya para siyang bata.

Pinuntahan ko siya at nagslide na rin ako. Pero siya slide pa rin ng slide. Hindi yata to napapagod.

"Hindi ka ba nagsasawang slide lang ng slide?" Tanong ko sakaniya.

"Ang saya kayang magslide!" Sabi niya sakin.

Napatingin naman ako at madaming bata ang naghihintay para naman magslide sila pero inuunahan naman kasi ni Yoongi kaya hindi sila makaslide.

"Min Yoongi! Tama na yan, madaming bata ang naghihintay oh!" Sigaw ko sakaniya.

Tumayo naman siya at tiningnan niya yung mga bata. Ang sama ng tingin nung mga bata sakaniya. Tumawa naman ako at hinila siya.

"Seesaw nalang tayo!" Sabi niya sakin at siya naman ang humila sakin.

Nakaupo na kami ngayon at feel ko may masamang gagawin to e.

Sabi na e! Everytime na ako yung nasa taas at siya naman yung nasa baba bigla nalang niyang ibabagsak yung inuupuan niya sa floor kaya muntikan na kong mahulog.

"YOONGI! SAGLIT MAHUHULOG NAMAN AKO!" Sigaw ko sakaniya.

"Edi mahulog ka!" Sigaw niya.

Tawa siya ng tawa mas nilalakasan niya para tuluyan na kong mahulog.

At ayun na nga nahulog na ko.

"MIN YOONGI!" Sigaw ko sakaniya.

Tawa siya ng tawa hinahawakan niya na yung tyan niya.

"Nahulog siya! Nahulog siya! Sandali ang sakit ng tyan ko. Naiiyak na ko." Tawa pa rin siya ng tawa at tinuturo turo niya ako.

"Bahala ka na nga diyan!" Sigaw ko sakaniya sabay alis.

Habang naglalakad ako sa park may nakita akong nagbebenta ng street foods! Kaya pumunta agad ako.

"Kuya 20 pesos nga po na fishball at 2 pong isaw."

"Sige Neng, saglit lang. Upo ka muna diyan habang hinihintay mo yung fishball at isaw mo." Sabi ni Kuya.

"Sige po." Umupo naman ako at naghintay.

Habang pinapanood ko si Kuya na niluluto yung fishball ko may narinig akong tumatawag sakin.

"Kaeton! Kaeton!" So nahanap ako ni Yoongi?

Tumingin ako sa likod at nakita ko siya na papalapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

Tinuro ko yung fishball at isaw.

"Kumakain ka niyan?! Ew." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Wag ka nga! Masarap kaya yan! Sadyang hindi mo pa natitikman yan. Shoo." Sabi ko sakaniya.

"Neng heto na yung fishball at isaw mo." Ngumiti naman ako at binigay ko yung bayad ko kay Kuya.

Umupo naman ako at naramdaman kong may tumabi sakin.

"Seryoso ka ba na kakainin mo yan?" Tanong niya sakin.

"Oo nga!"

Kumain ako habang nakikita kong nandidiri si Yoongi sa kinakain ko.

"Tikman mo kaya!" Sabi ko sakaniya.

"No no no no. I will not eat that!" Parang bata naman to.

"Please?"

"Fine fine fine." Inabot ko sakaniya yung fishball at dahan dahan niyang kinain yung isang fishball.

"Oh!" Natawa ako sa reaction niya at kumain ulit siya ng isa pang fishball.

"Masarap ba?" Tanong ko sakaniya at tumango naman siya sa sinabi ko.

"Tara bili pa tayo." Sabi ko sakaniya.

Bumili kami ng bumili hanggang sa nabusog na kami.

Hinatid niya ko pauwi at pumunta agad ako sa kwarto ko. Biglang nagvibrate yung phone ko at tinext ako ni Yoongi.

Yoongi:
Thanks for today. :)

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now