Chapter 30

482 22 4
                                    

School

Kaeton's POV

Isang linggo ko siyang hinintay sa 7-11, araw-araw 7am akong umaalis sa bahay 7pm naman ako umuuwi sa bahay. Dun na nga ko minsan nag aalmusal tsaka lunch e.

Ngayon back to school nanaman. Nakakatamad. Oo nga pala si Aerin lumipat na siya ng school, dun na siya sa ibang bansa nag aaral pero sabi niya lagi daw kaming mag video chat. Tapos papadalhan daw niya ko every month ng mga gamit na galing dun sabi ko naman sakaniya na kahit wag na pero pinilit niya talaga dahil gusto niya daw bumawi sakin at ayun wala na kong magagawa.

Andito na ko ngayon sa school at ayan na kung ano ano na sinasabi nila sakin.

"Diba yan yung kasama ni V noon?"

"Tapos kinabukasan si Suga diba?"

"Ang landi niya."

"Oo tapos alam mo ba kasama pa siya sa resort na pinuntahan nila Jimin."

Yan halos mga sinasabi nila ngayon, so? Pake ko?

Habang naglalakad ako may biglang humarang sakin.

"So ikaw pala yung babaeng kasa kasama nila?" Tanong nung isang babae na matangkad na pangit.

"A-" magsasalita na sana ako kaso naunahan ako nung isa.

"Una si V, tapos si Suga tapos si Jungkook?!" Sigaw sakin.

Biglang may umakbay sakin.

"Bat parang narinig ko yung pangalan ko?" Napatingin naman ako sakaniya.

"J-Jungkook?" Sabi nila at halatang gulat sila.

"Hi Kae!" Ngumiti naman siya sakin.

"So anong problema niyo kay Kaeton?" Tanong naman no Jungkook sakanila.

"W-wala. A-ang sabi l-lang namin e m-maganda siya." Sabi naman nila.

"I know na maganda siya, pero once na inaway niyo siya, alam niyo na mangyayari." Sabi naman ni Jungkook at hinila niya na ko.

"Bat ka andito?" Tanong ko sakaniya.

"Diba may isang buwan kaming bakasyon? Eto ang plano ko. Tsaka sinabi rin kasi ni Yoongi- oops." Napatingin naman ako sakaniya.

"Ano? Sinabi ni Yo-" tinakpan niya yung bibig ko.

"Joke nga lang e. Ganto yun nung umuwi na kami galing sa resort, umalis agad si Yoongi hyung kasi may aasikasuhin daw siya sa company ng family nila. So sa isang buwan na yun is parang nakatutok lang siya sa company nila. Kaya wala na kaming contact sakanila. Ni hindi man lang niya sabihin kung anong ginagawa niya." Sabi naman niya sakin.

Kaya pala...

"By the way half day lang ako!" Sabi niya sakin sabay ngiti.

"Bat half day?!" Tanong ko sakaniya.

"Advantage ng pagiging isang idol! Sabi ko kasi sa Mama ko na sabihin sakanila na half day lang ako kasi lagi akong pagod na nagprapractice para sa mga music shows!" Sabay tawa.

Pinalo ko siya, ang daya talaga neto.

"Si Tae pala?" Tanong ko sakaniya.

"Nagbiyahe na siya papuntang Japan. And nagvivideo call naman kami pero minsan lang tapos ayun di nga rin namin alam kung bakit siya umiiyak." Sagot naman niya.

"E yung iba?" Tanong ko naman sakaniya.

"Si Namjoon hyung nagbiyahe na siya papuntang Amsterdam. Sa pagkakaalam ko si Hobi Hyung pumunta siyang Hawaii. Si Jimin hyung somewhere dito din lang sa Pilipinas. Si Jin hyung naman somewhere dito din sa Pilipinas." Sabi naman niya.

"So tara na?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi tayo same ng classroom." Sabi niya at tumawa.

"Sige see you later lunch?" Tanong ko sakaniya sabay ngiti at tumango naman siya.

Pumasok na ako sa classroom ko at umupo.

Feel ko may isa or dalawang transferee. Dito kasi sa school kapag first day ang magpapakilala lang ay ang mga transferees.

Biglang dumating yung teacher namin at...

"Ok class so may dalawa tayong transferee dito. Come in."

May pumasok naman na isang lalaki at isang babae.

"Hi I'm Marlon Ramos." Sabi naman nung isang lalaki.

"Hi I'm Mikikal Santos." Sabi naman nung isang babae.

"Ok take you seat, Marlon upo ka sa gilid sa may malapit sa bintana. And Mikikal upo ka sa tabi ni Kaeton. Kaeton taas mo kamay mo." Sabi naman ni Ma'am, tinaas ko naman ang kamay ko. At umupo na siya sa tabi ko.

"Hi I'm Mikikal." Sabi niya sakin sabay ngiti.

"Hello I'm Kaeton." Sabi ko naman sakaniya sabay ngiti.

Ganda niya infairness at mabait pa.

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now