Chapter 2

1K 54 6
                                    

V

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

V

Kaeton's POV

Pagkagising ko lumabas agad ako sa bahay para mag-jogging.

Nakakapagod kaya naglakad muna ako at kinuha ko yung phone ko at chineck kung may update na ba.

Habang naglalakad ako may nabangga akong tao. Imbes na tignan ko siya nagsorry agad ako.

"Sorry po." Sabi ko

"Ayos lang." Sagot niya sakin. Bat parang pamilyar yung boses niya?

Pagkaangat ko nung ulo ko nakita ko si V.

"Sorry talaga hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry talaga." Sabi ko sakaniya.

Ngumiti siya at ginulo niya buhok ko.

"Eto naman ayos nga lang. Sandali ikaw ba yung laging pumupunta sa mga fan meetings namin?" Bigla akong namula sa sinabi niya.

"Sabi na eh! Ikaw yun diba? Ano na ulit pangalan mo, uhm... K-"

"Kaeton." Sabi ko sakaniya sabay ngiti.

"Kaeton... Tama nga si Hyung ang unique ng name mo." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Sinong hyung?" Tanong ko sakaniya.

"Namjoon hyung" sagot naman niya sabay ngiti. "So anong ginagawa mo? Nagjojogging ka din ba? Tara sabay tayo." Sabi niya sakin.

At ayun na nga sabay kami. Wala masyadong nakakakilala sakanila dito sa probinsya namin kaya siguro hindi siya nakamask at dito yung pinili nila na magshooting sila.

"So bakit ka pala nandito? Siguro sinusundan mo kami no?" Sabi niya sakin sabay tawa.

"Grabe to. Nagbabakasyon, dito kasi probinsya namin." Sabi ko sakaniya sabay tawa din.

"Talaga?! Sabi nung isang staff namin may falls daw dito? Tama ba? Pwede ipunta mo ko dun? Please?"

"Diba may shooting pa kayo ngayon?"

"After lunch pa naman yun eh! Anong oras palang 8:30AM, please? Promise after natin dun kakain tayo!" Sabi niya sakin at um-oo naman ako.

***
At eto na nga andito na kami sa falls ngayon at nakaupo kami.

"Ang ganda" Sabi niya at tinignan ko siya, halata mo sa mukha niya na satisfied siya na nakapunta siya dito.

"Kaeton..." Tumingin siya sakin at palapit ng palapit. Uh oh...

Napapikit nalang ako at nagulat nalang ako nung tinulak niya ko at eto na nga ang sinasabi ko, basa na ko!

Tiningnan ko siya ng masama at tawa naman siya ng tawa. Siya naman ang isusunod ko, palapit naman ako ng palapit sakaniya at hinila ko paa niya.

"Sorry na *tawa* Hoy! Nababasa na ko!" Sigaw niya sakin.

"Wala akong pake!" Sigaw ko pabalik sakaniya at tinawanan ko na din siya.

Naglaro kami saglit at umahon kami. Umalis na din kami at dumiretso kami sa...

Saan to? Resort naman to!

"Hoy V anong gagawin natin dito?!" Tanong ko sakaniya.

"Malamang magpapalit tayo. Basang basa tayo oh. Tara na room ko." Sabi niya sakin at hinila niya ko.

"Saglit wala akong damit!" Sigaw ko sakaniya.

"Edi hiramin mo damit ko." Sabi niya at hinila niya ulit ako.

***
Pumunta siya sa cabinet niya at kumuha ng damit. Binato niya sakin yung damit na gagamitin ko.

"Mauna ka na." Sabi niya sakin sabay ngiti.

Dumiretso ako sa cr at nagsimula ng maligo. Pagkatapos kong maligo sinuot ko yung binigay niyang damit. Great! Yung shirt niya, dress na para sakin. Kaya pala shorts nalang binigay niya sakin kasi alam niyang parang dress lang yung shirt niya sakin.

Pagkalabas ko nakita kong namula siya.

"Crush mo ko?" Tanong ko sakaniya, ang kapal ko.

"Yucks hindi! Maliligo na nga ko." Sabi niya.

So habang hinihintay ko siya nagvibrate bigla yung phone ko. Si Aerin nanaman.

"Ano nanaman?" Tanong ko sakaniya.

"Ikaw ba yung nasa article?" Article? Uh oh... Don't tell me may sumusunod samin kanina?

"H-huh? Anong article?" Kinakabahan ako.

"Joke lang!" Sabi niya sabay tawa. Bwisit naman tong babaeng to. Wala nanaman siguro tong magawa.

"Bwisit ka!" Sigaw ko sakaniya sabay end call.

Inopen ko yung Facebook ko para makasiguradong joke lang talaga ni Aerin yun. At nakahinga naman ako ng maluwag, wala namang article.

"Ano problema mo?" Tanong sakin ni V, ah tapos na siya.

"Wala naman. Tumawag kasi yung kaibigan ko yun lang." Sabi ko sakaniya sabay ngiti.

"Tara kain na tayo?" Tanong niya sakin.

Tumango naman ako at sabay kaming umalis sa room niya.

"May malapit na fastfood dito sa resort, ayos lang ba sayo?"

"Oo naman." Sagot ko sakaniya sabay ngiti.
***
Andito na kami sa fastfood and siya na nag order, medyo may mga nakakakilala na pala sakaniya kaya ang ginawa niya mas pinauna na niya ko at maghanap na daw ako ng upuan. Nakahanap naman na ko ng upuan namin.

May biglang lumapit sakin na nakatayo.

"Ah sorry meron na pong nakaupo dito." Sabi ko sabay ngiti.

"Ako to!" Sabi ni V.

"Ah ikaw pala yan. Wow hindi kita namukhaan ah!" Sabi ko.

Pano ba naman halos natakpan na buong mukha niya pano siya makakakain niyan.

Nilapag niya yung number namin.

Nagkwentuhan kami saglit at dumating na pagkain namin.

"Seryoso ka? Lahat to kakainin natin?" Tanong ko sakaniya.

"Oo." Sabi niya sakin sabay tawa.

Pagkatapos naming kumain tinawagan na siya nung manager niya na balik na daw siya sa resort nila.

"Kailangan ko ng umalis Keaton. Next time nalang ulit, thank you pinasaya mo araw ko." Sabi niya sakin sabay ngumiti at umalis na siya.

Umuwi na rin ako at humiga, tinulog ko muna dahil na rin siguro sa pagod.
***
Pagkagising ko nagcracrave ako ng coffee kaya pumunta muna akong 7-11.

Pumunta ako at kumuha ng coffee pagkatapos pumunta ako sa cashier at napansin kong may pumasok. Si Yoongi!

Nakita niya ko at ngumiti siya.

"Uy ikaw ulit! Magcocoffee ka? Tara coffee tayo." Sabi niya sakin sabay ngiti.

Binayaran ko na yung coffee ko at umupo.

Ngumiti ako at sabi...

"Ang saya ko."

A Week with Him | min yoongi ffNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ