Chapter 4

804 47 10
                                    

Day 1: Building

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Day 1: Building

Kaeton's POV

Tinext ko si Yoongi at sabi ko

Kaeton:
Ibang tao nalang imbitahan mo. Ayaw kong magkaroon ng issue na may kasama ka na tulad ko na low class lang.

Bigla naman siyang nagreply. Ang bilis naman niyang magreply.

Yoongi:
Dahil ba dun sa article? Look, hayaan mo yung mga iniisip o sinasabi ng ibang tao okay?

Kaeton:
Pero...

Yoongi:
Basta lalabas tayo bukas ha? Hintayin kita sa 7-11. See you goodnight.

Nagtataka ako kung bakit ganito yung trato ni Yoongi sakin. Bat kaya? Yung tipong bat nung mga fan meetings ang cold niya sakin na ayaw niyang makipag-usap pero ngayon gusto niya ng lumalabas kami. Nakapagtataka, sobra.

Natulog na ko.

***

Gumising ako ng maaga dahil yun nga lalabas kami ni Yoongi.

Ano kayang magandang isuot ngayon? Ang hirap naman! Bahala na.

Bumaba na ako at nagpaalam kay Nanay. Dumiretso na ko sa 7-11 at nakita kong andun na siya.

Pinuntahan ko siya at ngumiti naman siya.

"Tara sa rooftop ng building na yun!" Grabe to. Wala man lang hi, basta bigla nalang nag yaya.

"Bawal dun! Hindi pwedeng pumunta dun." Sabi ko sakaniya.

"Walang bawal bawal sakin." Sabi niya sakin sabay kindat.

Hinila niya ko papunta sa building, at ngayon nasa harap na kami.

"Ready ka na ba?" Tanong niya sakin, tumango naman ako.

Tumigil muna kami at tiningnan muna namin kung nakaalis na yung guard.

Umupo yung guard at pinikit niya yung mata niya, for sure matutulog yan.

Naglakad kami dahan dahan ni Yoongi pataas sa hagdanan hanggang sa makarating kami.

Sarap ng hangin. Umupo kami sa may gilid ng building habang pinagmamasdan namin yung langit.

"Ang ganda." Sabi ko, naramdaman kong tumingin siya sakin.

"Mas maganda tong tinitignan ko ngayon." Namula naman ako sa sinabi niya.

"May tanong ako." Sabi ko sakaniya.

"Ano yun?"

"Bat ang daldal mo ngayon? Yung tipong hindi ka nauubusan ng sinasabi. Samantalang pag fan meeting ang cold cold mo lalo na sakin, ni hindi mo man lang ako kausapin." Sabi ko sakaniya.

"Alam mo ganto ako kapag nasa backstage kami or yung walang mga camera na nakatutok samin. Feel ko kasi sa pagiging cold ko, tingin ng ibang tao cool ako ganon. Kaya siguro mas gusto kong cold ako pag nasa harap ng camera. Nasanay na sila sakin e, wala akong magagawa." Sabi niya sabay tawa.

Kaya pala ganun...

"Bat naisipan mong magstay ka pa ng isang linggo dito?" Tanong ko sakaniya.

"HOY ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!" Napatingin kami ni Yoongi sa likod namin at nakita namin yung guard kanina.

Uh oh...

"Pagbilang ko ng 3 takbo na tayo ha?" Sabi niya sakin at tumango lang ako.

Hahawakan ko sana yung kamay niya pero bat parang iniwasan niya? Nilayo niya yung kamay niya.

"1..."

"ALAM NIYO BANG BAWAL PUMUNTA DITO?!" Sumisigaw nanaman yung guard.

"2..."

Palapit na ng palapit yung guard... "SA SUSUNOD NA PUPUNTA KAYO DITO! HUMANDA KAYO!" Blah blah blah.

"3!" At tumakbo kaming dalawa ni Yoongi.

Narinig namin sigaw ng sigaw yung guard. Baliw yata. Nakababa na kami at dumiretso kami sa Mcdo.

Tawa kami ng tawa dahil sa nangyari kanina. Umupo kami at nagsimula na kaming kumain.

"Oo nga pala yung tanong ko. Bat naisipan mong mastay pa dito ng isang linggo?"

"Gusto kong magpahinga muna. Masyado akong napagod sa mga shootings namin lately. Tsaka meron pa kong ginagawang kanta ngayon." Sabi niya sakin.

"Oo din. Halata ko nga minsan pag nagpeperform kayo. Sobrang pagod kayo pero tinutuloy niyo pa rin."

"Para din lang sa mga fans namin yung mga performance namin kaya binibigay talaga namin yung best namin para maibigay sakanila yung best na performance." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Kaeton." Napatingin naman ako sakaniya.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya, hindi ko din alam kung bakit.

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now