Chapter 5

737 45 8
                                    

Day 1: Amusement Park 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Day 1: Amusement Park 1

Kaeton's POV

"Kaeton." Napatingin naman ako sakaniya.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya, hindi ko din alam kung bakit.

"Ano pang pwedeng gawin ngayon?" Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Mahilig ka bang pumupunta sa mga amusement park?" Tanong ko sakaniya.

Nakita kong namutla siya bigla. Sabi na eh! Takot siya.

"Hindi ako takot. Tara after nating kumain." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ok sabi mo eh." Napangiti ako at natapos na kong kumain.

***

Andito na kami ngayon sa Amusement Park at sobrang excited na excited ako!

"Mukha kang bata diyan! Tumigil ka." Sabi niya sakin sabay tawa.

"Pake mo ba? Ang saya kaya! Manood tayo fireworks mamaya ah?" Sabi ko sakaniya.

"Oo na oo na. So ano una nating gagawin?" Tanong niya sakin.

"Tara sa Anchors Away!" Sabi ko sakaniya sabay hila papunta sa Anchors Away.

Nakapila na kami at habang nakapila kami tinanong niya ko.

"Seryoso? Sasakay talaga tayo diyan? Hindi ka ba natatakot?"

"Hindi, excited na nga ko eh." Sabi ko sakaniya.

Kami na ang susunod kaya umupo na kami. Hanggang sa mapuno na at nagsimula na.

Pabilis na ng pabilis at pataas na ng pataas. Sigaw ng sigaw si Yoongi.

"IBABA NIYO KO DITO!"

"KASALANAN MO TO KAETON!"

"HUMANDA KA SAKIN PAG NAKABABA NA TAYO DITO!"

"KAAAAETON! AYAW KO NA!"

"ANG SAMA SAMA MO SAKIN KAETON!"

Blah blah blah. Tinatawanan ko nalang siya.

***
At natapos naman na kaya bumaba na kami. Tinignan ko si Yoongi at tinignan niya ko ng masama.

"Aw wawa naman." Sabi ko sakaniya at tinawanan ko siya.

"Humanda ka sakin." Hinila niya ko at pumunta kami sa roller coaster.

"Pfft sure ka bang kaya mong sumakay diyan?" Tanong ko sakaniya.

"Oo, ano sa tingin mo sakin? Matatakutin? Hindi!" Parang kanina lang sigaw siya ng sigaw.

Nakipila nanaman kami at tinanong ko siya.

"Sure ka ba na gusto mong sakyan natin yung roller coaster?"

"O-oo!" Sabi naman niya.

Hanggang sa kami na ang sumunod, umupo na kami.

"Eto na eto na." Sabi ko. Excited na excited na ko!

Tinignan ko naman si Yoongi at nakita kong ang higpit ng pagkakawak niya dun sa paghawakan sa harap namin.

Nagsimula ng umandar at eto na yung pababa! Excited na ko!

Imbes na sumigaw ako tumatawa ako. Pano ba naman sigaw nanaman ng sigaw si Yoongi.

"IBABA NIYO KO! MAMATAY AKO NETO!"

"KAETON ANG PANGIT MO!"

Nagulat naman ako sakaniya, grabe naman siya kung makapag sabi ng ang pangit ko.

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Bumaba na kami tawa pa rin ako ng tawa.

Tinignan ko siya at mukhang nasusuka na ata siya kaya lumayo ako ng kaunti pero tawa pa rin ako ng tawa.

Lalapit na sana ako para samahan siya papuntang cr pero parang iniwasan nanaman niya. Nahalata siguro niya na tutulungan ko siya.

"Kaya kong mag-isang pumunta sa cr. Hintayin mo nalang ako dito."

Nagulat ako sa sinabi niya, tumingin nalang ako sa baba.

Bat kaya siya ganun? Yung parang iniiwasan niya ko na hindi.

May nakita akong nagbebenta ng cotton candy kaya pumunta ako para bumili.

Saktong pagkabalik ko, kadadating naman ni Yoongi.

"Mukha ka talagang bata." Sabi niya sakin sabay ginulo yung buhok ko.

"So san na tayo next?" Tanong niya sakin.

"Ah alam ko na!" Sigaw niya.

"Ano?" Tanong ko sakaniya.

"Horror house tayo!" Sigaw niya.

Nagulat ako. Nanginginig ako na naiiyak.

"Oh bakit? Takot ka?" Tinatawanan niya ako.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko sakaniya.

Tumango siya at hinila niya papunta sa Horror House.

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now