Chapter 31

493 23 8
                                    

Cafe

Kaeton's POV

"Kaeton, sabay tayo lunch?" Tanong sakin ni Mikikal.

"Sure!" Sabi ko naman sakaniya sabay ngiti.

"So tara na?" Tumango naman ako.

Biglang nagvibrate naman phone ko.

09********:
Hey Jungkook to. Pakita ka muna sakin bago ako aalis. Hehe see you! Gate ha?

Ugh tong lalaking to talaga!

"Mikikal, may imemeet muna ako sa may gate. Pwedeng mauna ka nalang? Hanapin nalang kita mamaya." Sabi ko naman sakaniya.

"Samahan na kita." Sabi naman niya at ngumiti nalang ako at tumango.

Pumunta na kami sa gate at nakita ko si Jungkook na nakatayo.

"Jungkook-ah!" Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Kae! Alis na ko haha." Sabi naman niya at biglang sumingit si Mikikal.

"Hi! I'm Mikikal Santos."

Biglang napatingin naman si Jungkook sakaniya at

"Jeon Jungkook."

"Kae alis na ko. Text nalang kita, bye." Sabi naman sakin ni Jungkook sabay ngiti.

Pumunta na kami ni Mikikal sa canteen at nag order na rin kami ng pagkain namin.

***

Pagkatapos ng klase biglang nagvibrate yung phone ko.

Jungkook:
Kae, medyo ayaw ko si Mikikal, hindi ko alam pero feel ko may masisira dahil sakaniya e. Hindi ko sure, basta sabihin ko nalang sayo kung ano yun pag sure na ko.

Kaeton:
Okay ka lang Jungkook? Sige sige ingat ka.

Jungkook:
Ingat ka din. ;)

Bigla akong nilapitan ni Mikikal at hinawakan niya yung kamay ko.

"Tara kain tayo!" Sabi niya sakin, kaso naalala ko wala akong pera.

"San?" Lakas kong magsabi ng 'san' e wala naman akong pera.

"Yung cafe na malapit lang dito sa school. Tara libre na kita." Sabi niya sakin sabay hila.

***

Andito na kami ngayon sa cafe at umoorder na si Mikikal ng cake at coffee. Biglang nagtext sakin si Jungkook.

Jungkook:
Kaeton, baka hindi ako papasok sa Friday.

Kaeton:
Bakit? Ano meron?

Jungkook:
Hindi ko rin alam e, imemeet daw ako ni Yoongi hyung, miss na daw niya ko e. Update nalang kita ok?

Kaeton:
Sige Kookie, ingat ka. :)

Bat kaya hindi ako tinetext ni Yoongi? May problema kaya?

"Kae! Kain na." Sabi naman niya.

Habang kumakain kami bigla niya kong tinanong.

"Kae, natry mo na bang mainlove?"

"Oo, Bakit?" Sabi ko sabay ngiti.

"Inaamin mo ba sa lalaking yun na gusto mo o mahal mo siya?"

"Oo, inamin ko sakaniya na mahal ko siya."

"Saan ka kumuha ng lakas para sabihin sakaniya yun?"

"Siguro kasi kapag hindi ako umamin, pagsisisihan ko. Tsaka baka maunahan pa kasi ako, baka mahal niya rin pala ako."

Napangiti naman ako nung naalala ko na mahal rin pala ako ni Yoongi.

"Balak ko kasing umamin dun sa lalaking mahal ko Kae! Baka tama ka nga baka maunahan pa ko. Thank you Kae" Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

***

Pagkatapos naming kumain umuwi agad kami at dumating na ko sa bahay.

Biglang nagtext sakin si Jungkook.

Jungkook:
Kae musta ka?

Kaeton:
Ayos lang naman, ikaw?

Hindi na siya nagreply sakin, siguro pagod. Biglang may nagtext sakin... si Yoongi!

Yoongi:
I miss you so much Kaeton.

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now