Chapter 39

456 23 14
                                    

7-11

Kaeton's POV

Hinatid naman na ko ni Jungkook at eto ako ngayon lakad ng lakad sa kwarto kakahintay nung text ni Jin sa amin.

Biglang nagvibrate phone ko kaya agad na agad ko chineck at nagtext sa akin si Jungkook.

Jungkook:
Kae wag muna nating kausapin si V hyung. Parang ang gawin natin, kunwari hindi pa natin alam yung totoo.

Wooh, akala ko kung ano na.

Kaeton:
Sige sige. May tinext na ba sayo si Jin?

Jungkook:
Wala pa e.

Kaeton:
Hintayin nalang natin.

Hindi na nagreply si Jungkook at bigla akong tinawag ni Nanay.

"Anak may bisita ka!"

"Sino ho?"

"Basta baba ka nalang!"

Bumaba naman ako at nakita ko si Yoongi na nakangiti. Tumakbo ako at niyakap siya agad, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"O bat ka umiiyak?" Tanong niya sa akin

"Wala, masaya lang ako." At niyakap ko siya ng mas mahigpit.

"Tara 7-11 tayo?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Nay! Punta lang kami sa 7-11"

"Sige anak, ingat kayo ha?" Ngumiti naman kaming dalawa ni Yoongi kay Nanay at umalis na kami.

Habang naglalakad kami tinanong ko siya

"O, anong nakain mo at pinuntahan mo ko?"

"Bakit? Masama bang puntahan girlfriend ko?"

"Girlfriend?"

"Oo, ikaw."

"Hindi pa tayo!"

"Tayo na! Bahala ka diyan."

Namula naman ako sa sinabi niyang 'tayo na' at bigla niyang hinawakan kamay ko.

"Ang liit pala ng kamay mo." Sabi niya sakin.

"Ugh! I hate you Min Yoongi!"

"Aww I love you more Kaeton Evangelista."

Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakarating kami sa 7-11. As usual kinuha naming dalawa coffee.

Umupo kami sa labas at bigla siyang nagtanong

"Kae ano bang ginawa mo sakin?" Nagulat maman ako.

"H-huh?"

"Damn, i'm so in love with you."

Namula naman ako sa sinabi niya at bigla niyang hinawakan kamay ko.

"Bat kaya ganun no? Kahit mahal na mahal niyo ang isa't isa, hindi pwedeng maging kayo kasi may humahadlang." Sabi niya sakin.

"Siguro dahil hindi talaga sila itinadhana." Sagot ko naman.

"Hindi ako naniniwala diyan sa tadhana tadhana na yan."

"Bat naman?"

"Kasi bat naman sila pagtatagpuin na dalawa kung hindi din lang sila ang itinadhana diba? Bakit pa sila pagtatagpuin kung hindi din lang sila hanggang sa huli?"

Napatingin naman ako sakaniya.

"Kaya kung sino talaga yung minahal ko ng sobra, gusto ko siya na yung first and last ko."

Tumingin naman siya sakin at...

"Kae, gusto ko ikaw na yung first and last ko."

Ngumiti naman ako sakaniya pero may problema e...

"Pero ikakasal ka na bukas." Sabi ko sakaniya.

"Yun lang..."

Hinawakan niya pisngi ko at...

"Ako bahala... trust me." Napangiti naman ako sa sinabi niya at...

Hinalikan niya ko sa labi at hinalikan ko siya pabalik.

God... I love this Man so much.

***

Hinatid naman na ko ni Yoongi sa bahay at umuwi na rin siya.

Habang nagtotooth brush ako biglang may nagtext sakin.

09*********:
Kae! Si Mikikal to, invited kayo ni Jungkook bukas sa kasal namin ni Yoongi. Please wear something white ok? Yun yung motif e, and ikaw yung Maid of Honor. I'll see you tomorrow! Love you Kae.

Nice! Hindi na namin kailangan ni Jungkook gumawa ng plano para makapasok kami sa loob ng venue.

Agad agad kong tinext si Jungkook

Kaeton:
Kookie! Invited daw tayo sa kasal ni Mikikal at Yoongi bukas.

Jungkook:
Oo nga e. Tinext ako ni Yoongi hyung sabi niya ako daw yung Best Man.

Something white... Ahh wala akong puting dress man lang...

Tinext ko si Mikikal para tanungin kung what time ba yung kasal nila bukas.

Kaeton:
Mikikal, what time yung kasal bukas?

Mikikal:
2pm sa **** Garden.

May time pa para bumili bukas. Tinext ko si Jungkook para magpasama na bumili ng dress na gagamitin ko para bukas.

Kaeton:
Kookie, pwede mo ba kong samahan bukas ng umaga? Bibili sana ako ng dress na susuotin ko para sa kasal.

Jungkook:
Sure, anong oras kita susunduin bukas?

Kaeton:
9:30am? Ayos lang ba sayo?

Jungkook:
Okay, see you tomorrow. Goodnight Kae :)

Kaeton:
Goodnight Kookie.

Hays, miss ko na si Yoongi! Ugh nakakaasar naman kasi.

Oo masaya ako na makikita ko ulit siya bukas pero ugh! Ikakasal na siya kay Mikikal!

Sana naman umulan para hindi matuloy yung kasal nila, tutal garden wedding naman...

A Week with Him | min yoongi ffDonde viven las historias. Descúbrelo ahora