Chapter 19

487 24 16
                                    

Last Day Part 2

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Last Day Part 2

Kaeton's POV

Nakita ko si Yoongi na nakatayo sa labas ng 7-11 tumakbo ako at tinawag ko siya.

"Yoongi!"

Tumingin naman siya sakin. Ni hindi man lang niya ko ngitian.

"Tara na?" Tanong niya sakin.

Tumango naman ako at ngumiti.

Pumasok na kami sa sasakyan niya at umalis na.

"San tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sakaniya.

"Secret." May pa secret secret pa tong nalalaman.

"Sabihin mo na."

"Planetarium." Omg! Pupunta ulit kami dun!

Ngumiti naman ako sakaniya. Matutulog muna ako dahil alam kong mahaba haba nanaman tong biyahe na ito.

***
"Gising na."

Nagising ako nung may tumapik sa balikat ko.

Andito na pala kami sa Planetarium. Medyo mag gagabi na pala.

"May meteor shower ba ulit ngayon?" Tanong ko sakaniya.

"Wala, pero sabi mas marami daw stars ngayon. Since last day ko naman na dito gusto ko ulit balikan to." Sabi naman niya sakin.

"Ahh." Yun lang nasabi ko.

"Deretso agad tayo sa labas."

Tumango naman ako.

Bumili siya ng ticket namin at dumiretso agad kami sa labas. Napansin kong walang tao kaya tinanong ko siya.

"Bat walang tao?"

"Pinasara ko to ngayon dahil gusto kong ikaw at ako lang ang nandito ngayon." Sabi niya sakin at ngumiti naman siya sakin.

Ngumiti din naman ako, kinikilig ako.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabi niya

"Close mo eyes mo." Huh? Pumikit naman ako at naramdaman kong naglakad kami saglit at...

"Sige pwede na." Binuksan ko yung mata ko at nagulat ako.

"Tara! Bonfire tayo! May binili akong marshmallows at syempre hindi mawawala ang yakult!" Sabi niya sakin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at hays sana hindi matapos tong araw na to. Ang saya ko ngayon.

Since last day na niya ngayon... gusto ko na umamin kay Yoongi. Gusto kong malaman niya kung anong nararamdaman ko sakaniya. Gusto kong malaman niya na mahal ko siya.

For sure alam kong mahal niya rin ako, Sana. Kasi sino ba naman kasi yung hahalikan ka nalang bigla sa noo. Tapos sinabi niya rin sakin na 'Saranghae'. Pero sana totoo yung sinabi niya sakin. Sana totoo.

"Yoongi, anong plano mo pagkabalik mo dun?" Tanong ko sakaniya.

"Siguro dating gawi." Sabi niya sakin.

"Diba may fan meet kayo next week?"

"Yes. Bakit, pupunta ka?" Tanong niya sakin.

"Oo, bakit bawal ba?"

"Wag na. Wag ka ng pumunta." Nagulat naman ako sa sinabi niya sakin. Napatingin naman ako sakaniya.

"Bat naman?" Napatingin din siya sakin at sabi...

"Lagi ka namang pumupunta sa mga fan meets namin diba? Hindi ka ba nagsasawa?"

"Hindi, syempre fan ako."

"Okay, bahala ka."

Aamin na ata ako... ayokong mag end yung conversation namin.

"Yoongi."

Tumingin naman siya sakin.

"May sasabihin ako sayo." Sabi ko sakaniya.

"Ano yun?" Tanong niya sakin.

"Yoongi..." tumabi ako sakaniya.

"Uhm... G-gusto kita."

Napatingin siya sakin at biglang tumawa.

"Sorry. Kaeton seryoso ka ba sa sinabi mo?" Tanong niya sakin.

"O-oo. Bakit?"

"My god Kaeton! Grabe ka naman o! Isang linggo lang tayo nagsama tapos mahal mo na ko?" Tumawa nanaman siya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, ang sakit naman kasi nung sinabi niya.

"A-akala ko ba mahal mo ko? Diba sinabi mo pa sakin?!" Tanong ko sakaniyaz

"Kaeton... Grabe di ko inexpect na papaniwalaan mo ko! Wow! Kaeton, wag agad maniwala sa mga sinasabi ko. Kaeton... Hindi ako ganun kaseryoso pagdating sa pag-ibig." Ngumiti naman siya sakin.

Lumapit siya sakin at ngumiti.

"Sorry pero hindi kita mahal e." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"So wala lang to lahat sayo?! Ano ba ko sayo Yoongi?!"

"Pampalipas oras."

Hindi na ko nagsalita at aalis na sana ako kaso pinigilan niya ko.

"K-Kaeton."

"ANO?! WAG MO KONG HAWAKAN!" Sigaw ko sakaniya.

"H-hatid na kita."

"WOW! LAKAS NG LOOB MONG IHATID AKO PAGKATAPOS LAHAT NG MGA SINABI MO SAKIN?! ANO YAN?! PARA AT LEAST KAPAG NANDITO KA NA ULIT SASAMAHAN ULIT KITA?! HUMANAP KA NALANG NG IBA YOONGI! WAG AKO." Sigaw ko nanaman sakaniya.

"H-hindi naman to-"

"HINDI TOTOO YUNG MGA SINABI MO?! BULLSH*T YOONGI! IKAW NA MISMO NAGSABI SAKIN NA WAG AKONG MANIWALA SA MGA SINASABI MO!"

"K-Kaeton naman..." sabi niya sakin.

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now