Chapter 29

508 24 9
                                    

7-11

Kaeton's POV

Kaeton:
Tae pwede ba tayong mag usap pagdating niyo?

Tae:
Bat parang alam ko na kung ano pag uusapan natin haha. Dahil ba kay Yoongi hyung?

Kaeton:
Tae...

Tae:
Nah, ayos lang Kae. Ang importante lang naman sakin, masaya ka. Don't worry about me ok? Alam ko namang mahal ka rin ni Yoongi hyung. Kahit wag na tayong magmeet para pag usapan yan. Basta ang importante magkaayos kayo ni Yoongi hyung pero once na sinaktan ka niya, hindi ako magdadalawang isip na agawin kita. Ingat ka always ok? Kapag kailangan mo ng kausap or what here pa rin ako lagi sayo Kae. :)

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tae. Ang swerte ko na naging kaibigan ko siya.

Kaeton:
Thank you talaga Tae.

Tae:
Anything for you Kae. :)

Nasan na pala yung singsing na akala kong bigay ni Nanay at Papa, yun pala bigay ni Yoongi.

"7-11?" Mahal na mahal niya talaga ang 7-11 yung lalaking yun talaga.

Isa lang naman ang 7-11 dito e.

Agad agad akong umalis sa bahay at dumiretso sa 7-11.

Andito na ko, kaso wala naman siya... sabi niya dito lang daw siya, maghihintay. Pero naalala ko na andun pa rin pala sila sa resort. Pero sisiguraduhin kong pagbalik nila, aayusin ko na yung sa amin ni Yoongi.

Umuwi na ko, babalik nalang ako bukas dun. Baka naghihintay siya dun, syempre ayaw ko muna siyang itext kasi gusto ko surprise.

Biglang nagvibrate phone ko at nakita kong nagtext sakin si Aerin.

Aerin:
Kaeton, sorry sa mga ginawa ko. Sana mapatawad mo ko. Promise hindi kami ni Yoongi, ikaw mahal nun. Tinakot ko lang siya na may gagawin ako sayo para maging akin siya pero wala naman talaga akong gagawin sayo e. Hindi niya ko kayang mahalin pabalik dahil alam kong ikaw lang talaga mahal nun. Sana mapatawad mo ko Kaeton, promise babawi ako sayo. Nainggit lang naman kasi ako sayo, kasi kung makapagkwento sila tungkol sayo parang close na close na kayo which is true naman. Pero ayos lang magsosorry rin ako kanila Jimin sa mga nagawa ko. Sorry Kae.

To talagang babae to! Pasalamat siya mabait ako sakaniya kahit madami siyang sinasabi sakin na masasakit. Ang saya lang na unti unti ng naayos ang lahat. Sana...

Kaeton:
Ayos lang Aerin. :)

Aerin:
Thank you Kae. Bukas kami babalik diyan, sana magkaayos kayo ni Yoongi. :) balitaan mo ko ah!

Kaeton:
Oo oo haha. Ingat kayo :)

Yes! Bukas na sila babalik.

***

Pagkagising ko deretso yata agad ako sa 7-11 para hintayin siya pero wag muna kain muna ako.

Saktong 1pm nakarating na ko dito sa 7-11.

After 15 minutes...

Wala pa rin siya. Time check: 1:15pm.

After 30 minutes...

After 40 minutes...

After 1 hour...

After 30 minutes...

Wala pa rin siya.

Time check: 4:00pm.

Wala talaga? Hintay lang kahit konti lang. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako at 7:30pm na pala! Hala, san na kaya siya? Bat hindi siya pumunta?

Akala ko ba andito lang siya naghihitay pero bat parang ako pa yung naghihintay?

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now