Chapter 16

519 28 23
                                    

Day 6: Breakfast

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Day 6: Breakfast

Kaeton's POV

"Kaeton." Napatingin naman ako sakaniya.

"Kapag may binigay sayo na relago ang isang tao. Sabihin nating importanteng tao sayo. Anong gagawin mo dun sa regalo na yun?" Tanong niya sakin.

"Syempre iingatan ko yun kasi galing siya sa taong importante sakin. Kung bracelet man siya or anything na nasusuot, syempre lagi kong isusuot yun." Sabi ko naman sakaniya.

"Ah ok. Tara tulog na tayo." Sabi niya sakin.

"San ako matutulog?" Tanong ko sakaniya.

"Sa tabi ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Seryoso?!"

"Oo, maglalagay naman tayo ng unan sa gitna natin kaya wag kang mag alala."

Humiga naman kami at naglagay siya ng unan sa gitna namin.

Kinikilig ako. Kung pwede lang sumigaw dito, ginawa ko na e!

Dahil sa pagod ko nakatulog na din ako.

***

Ang lambot naman ng niyayakap ko ngayon.

"Hmm." May narinig naman ako.

Binuksan ko yung mata ko at laking gulat ko na kayakap ko pala siya.

Nagising rin siya at laking gulat niya din na nakayakap din pala siya sakin.

"Ah..." ang awkward pero nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

"Ah. Sige punta lang ako cr." Sabi niya.

"Ah o-ok. Magluluto lang ako ng break fast natin." Sabi ko naman.

Mas nauna akong tumayo at sumunod naman siya. Nakakahiya! Bat ganun? Hindi naman ako ganun na magulo pag natutulog.

Dumiretso ako sa kusina at nagluto na ako ng breakfast namin.

Hinanda ko na yung pagkain namin at dumiretso ako sa kwarto ni Yoongi.

"Yoongi, k-kain na." Bat ba ako nauutal?!

Lumabas naman siya at pumunta agad ako sa sa labas kung nasaan yung pagkain.

Umupo kaming dalawa at tinanong ko siya.

"A-anong gusto mong gawin ngayon?" Last day na niya bukas e.

"Laro tayo mamaya ng video games." Sabi niya sakin.

Tumango naman ako at nagsimulang kumain.

"Kaeton." Napatingin naman ako sakaniya.

"Sorry." Sabi niya sakin. Bat siya nagsosorry sakin?

"Bat ka nagsosorry? Wala ka namang ginawa." Sabi ko sabay tawa. Pero yung mahina lang.

"Basta sorry."

"To talaga. Parang bata, oo na oo na kahit wala ka namang ginawa."

Tumayo siya at pumunta sa harap ko.

Tumingin naman ako sakaniya at nakatingin rin siya sa akin. Seryosong seryoso yung mukha niya.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako pero sa noo.

"Saranghae." Huh? Ano daw?

"Ano? Hindi ko alam pinagsasabi mo." Sabi ko sakaniya.

"Soon malalaman mo. Pwede mo naman sigurong isearch diba?"

"Oo din."

Pagkatapos naming kumain pumunta muna siya sa cr para maligo daw.

Ako naman nilabas ko yung phone ko para isearch yung sinabi niya sakin.

S-saranghae ba yun?

"So talagang iseasearch mo yung sinabi ko?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Yoongi.

"H-ha?! Hindi ah! Iba yung iseasearch ko!" Depensa ko naman.

"E bakit yung natype mo na 'sarang' feel ko isusunod mo na yung hae."

Pinalo ko siya ng malakas.

"ARAY!" Sigaw naman niya.

"Hindi naman kasi!" Sigaw ko sakaniya.

"Oo na oo na. Maligo ka na nga! Ang baho mo! Para makalaro na tayo."

"Wow! Porket nakaligo ka na!"

Tumayo naman ako at dumiretso na ko sa cr.

Pero bago ako maligo, search ko muna kung anong ibig sabihin nung sinabi niya sakin kanina. Saranghae yun diba? Oo, saranghae. At ayun na nga lumabas na kung anong ibig sabihin nung saranghae...

I love you...

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now