Chapter 23

506 23 15
                                    

Resort Part 1

Kaeton's POV

Wednesday

So eto na nga, pinipilit kasi ako ni Tae na sumama sa resort na pupuntahan nila. Kaya eto andito ako sa labas ng bahay, hinihintay siya.

May biglang huminto na puting van sa harap ko. Hala natatakot ako baka kidnappin nila ako tapos ibebenta yung laman loob ko tapod magkakapera sila. Hay! Ano ba tong iniisip ko!

May lumabas sa van at si Tae nga nakangiti.

"Halika na Kae, by the way andito siya ha? Don't worry katabi mo naman ako." Tumango naman ako at pumasok na kami sa sasakyan.

Napansin ko si Yoongi at nagkatinginan kaming dalawa.

"Kae-" hindi ko pinansin si Yoongi at dumiretso na ko kung san nakaupo si Tae at tumabi na ko sakaniya.

Biglang hinawakan ni Tae yung kamay ko at pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Tulog muna ako Kae ha?" Tumango naman ako at hindi ko namalayan nakatulog na din ako.

***

"Kae, gising na."

Binuksan ko na yung mata ko at nakita ko si Tae na nakangiti. Ngumiti din naman ako sakaniya.

"Tara na?" Tumango naman ako at lumabas na kami ni Tae.

"Kaeton!" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Namjoon.

"Namjoon!!!!!"

"Musta ka na?" Tanong niya sakin.

"Eto ayos lang naman ikaw?"

"Ah okay lang din. Sige tara na?" Tumango naman ako at pumasok na kami.

"Kae. Tara lakad lakad muna tayo?" Tanong ni Tae sakin.

"Sige tara." Naglakad lakad kami ni Tae at biglang humarang si Yoongi samin.

"Kae-"

"Babe!!!!" Napatingin naman kaming tatlo dun sa sumigaw na babae.

Bigla niyang niyakap si Yoongi.

"A-Aerin?" Hindi ako makapaniwala na sila pala? Kaya pala hindi niya ko sinusuportahan nung kasama ko si Yoongi noon.

Naramdaman kong tinakpan ni Tae yung mata ko.

"Sige Yoongi hyung alis na kami ni Kae. Enjoy kayong dalawa ng girlfriend mo." Sabi ni Tae kay Yoongi.

"Ok, thanks." Sabi naman ni Yoongi.

At dun na ko umiyak.

Bigla naman akong hinila ni Tae papunta yata sa room?

Tumingin ako sakaniya at umiyak nanaman ako, niyakap niya ko bigla at niyakap ko rin siya.

"Sige ilabas mo lahat. Para medyo gumaan yung loob mo." At dun na iyak na ako ng iyak.

***

Tumigil naman na ako at lumabas na kami sa room ko. Yes magkatabi pala yung room namin, okay na rin siguro yun.

Habang naglalakad kami may biglang tumawag sakin.

"Kaeton!" Napatingin naman ako sa likod at nakita kong tumatakbo si Jin.

"Bakit?" Tanong ko sakaniya sabay ngiti.

"Pwede patulong akong magluto? Yung isa sanang babae, Aerin yata pangalan kaso hindi pala siya marunong magluto tsaka ang pangit ng ugali, hindi naman maganda." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Tumingin ako kay Tae para humingi ng permiso kung pwede akong sumama kay Jin. Ngumiti naman siy at tumango.

"Tara Jin?" Tanong ko sakaniya at ngumiti naman siya at dumiretso kami sa kusina.

Habang nagluluto kami ni Jin bigla niya kong tinanong.

"Kakilala mo ba yung babaeng yun?"

"Sino? Yung kinukwento mo kaninang babae? Si Aerin?" Tanong ko rin sakaniya.

"Oo, so Aerin pala talaga name niya?"

"Yups." Sagot ko.

"Pano mo siya nakilala?"

"Bestfriends kami noon. Oo, noon *tawa*"

"Bat naman? Anong nangyari sainyo?" Tanong niya sakin.

"Dahil lang sa isang lalaki. Hindi ko alam kung dahil ba sa isang lalaki lang or hindi e. Well anong aasahan mo, malandi e. Lahat dapat ng gusto niya dapat gusto rin siya." Sabi ko naman sakaniya.

"Sabi na eh. Kung makayakap siya kay Yoongi kanina parang linta." Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Jin sakin.

?????'s POV

Pinapanood ko sila ngayon na nagluluto pero nasa labas lang ako.

I love her so much.

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now