Chapter 21

525 26 9
                                    

The Truth

Kaeton's POV

"Oo, tara na V."

Pumasok kami sa sasakyan niya at hindi ako makapaniwala na marunong pala siyang magdrive.

"Marunong ka pala?" Pabirong tanong ko sakaniya.

"Oo! Bakit hindi ba halata?"

"Pfft. Magdrive ka na nga lang! Alam mo naman na siguro kung saan bahay namin diba?"

"Yes Ma'am!"

***

Sa buong biyahe namin nagkwekwentuhan kami. Ang saya niya talagang kausap.

Bumaba naman na ko sa sasakyan pati na rin si V.

"Thank you V ha?"

"Always." Sabi niya sakin sabay kindat.

Bat hindi nalang kasi siya yung minahal ko? Sa dami ba naman kasi ng pwedeng lalaking mahalin bat si Yoongi pa?

"Sige alis na ako. I'll see you tomorrow? Goodnight Kae." Sabi niya sakin sabay ginulo yung buhok ko.

Nginitian ko siya at sabi ko "Goodnight Tae. Ingat ka."

"Wow! For the first time! Tinawag mo kong Tae! Gusto ko yan lagi mong tawag sakin ha? Sige alis na ko Kae! Bye!" Pumasok na siya sa sasakyan niya at umalis na.

Papasok na sana ako sa bahay kaso may narinig akong parang may sumipa sa basurahan.

"Fck."

May narinig akong nagsalita at napatingin tuloy ako sa likod at oo nga, Kawawa yung basurahan.

Pumasok ako sa bahay at bigla akong tinawag ni Nanay at Papa.

"Anak, uwi ka na bukas." Nagulat naman ako sa sinabi ni Nanay. Grabe ni hindi man lang niya ako samahan.

"Hahayaan mo lang ako na mag-isa Nay?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi, yung kaibigan mo maghahatid sayo dun sa atin. Sige akyat ka na, maaga ka pa bukas, dapat mga 8am nakapagprepare ka na." Sabi sakin ni Papa.

Umakyat na ako at tinext ko si Tae.

Kaeton:
Tae, bukas ka ba aalis?

Tae:
Yups, bakit?

Kaeton:
Pwede ba akong sumabay sayo?

Tae:
Sure. What time mo gustong magbiyahe?

Kaeton:
Mga 8am. I'll see you tomorrow, goodnight Tae.

Tae:
Goodnight Kae. :*

Niligpit ko na lahat ng mga damit at gamit ko na dadalhin ko pauwi.

At after niyan natulog na ko.

***

*kring* *kring* *kring*

Nagising na ako at nagprepare na ko.

Saktong 7:30am tapos na ko lahat lahat. Kinuha ko yung phone ko para icheck kung nagtext na ba sakin si Tae.

Yoongi sent you a text message.
Tae sent you a text message.

Chineck ko muna yung kay Tae.

Tae:
Kae, i'm on my way. See you :*

Kaeton:
Ingat ka. See you :)

Chineck ko naman yung message ni Yoongi.

Yoongi:
Kaeton... sorry kagabi. By the way, pupunta ako diyan ng 8am sabay na tayo aalis. Sinabi sakin ng parents mo na sabay ka nalang daw sakin kaya nag oo na ko. See you Kaeton.

Kaeton:
Wag na, may kasabay na ko.

Yoongi:
Sino?

Hindi ko na siya nireplyan.

Bumaba na ako at nakita kong gising na rin pala si Nanay at Papa. Nakita naman nila ako at nginitian nila ako.

"Anak halika kain ka muna. Sinabi na ba sayo ng kaibigan mo na siya yung kasama mong aalis?"

"Opo, pero sabi ko wag na."

"Ha?! Bakit?" Nakita ko naman gulat sila sa sinabi ko.

"May iba na kong kasama." Sabi ko sakanila.

"Sino?" Nagulat naman ako kung sino yung nagsalita.

"Yoongi? Ano ginagawa mo dito?!" Sinigawan ko nanaman siya.

"Anak bat mo siya sinigawan?" Hinawakan ako ni Nanay.

"Tinext kita diba? Na ako ang kasama mong aalis." Sabi ni Yoongi sakin.

"Hindi nga ako sasama sayo! May kasama na akong iba!" Sigaw ko sakaniya.

May narinig kaming kumatok sa door, siguro si Tae na yun.

"Kae?" Si Tae nga.

Binuksan ko yung pinto at bumungad si Tae. Nakita ni V si Yoongi.

"H-Hyung?" Nagulat din si Yoongi na nakita niya si Tae.

"I-ikaw yung kasama ni Kaeton na aalis?" Tanong ni Yoongi kay Tae.

"Oo siya kasama ko. Kaya aalis na kami." Sabi ko sakanila at tumingin ako kay Nanay at Papa.

"Alis na po ko." Hinila ko si Tae paalis ng bahay at pumasok na kami sa sasakyan niya.

"Bat parang galit ka kay Yoongi hyung?" Tanong niya sakin.

"Hindi mo ba nakita or nabasa yung article?" Tanong ko sakaniya.

"Article? Ah! Yung so ikaw yung girl na nireject niya?!" Tumango naman ako.

Umiiyak nanaman ako kasi naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.

"Tahan na. Kae may sasabihin din pala ako sayo." Napatingin naman ako kay Tae.

"Kae, gusto kita. Simula pa nung nakasama kita last week."

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now