Chapter 14

541 26 15
                                    

Day 5: Arcade Part 2

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Day 5: Arcade Part 2

Kaeton's POV

"Pupunta tayo sa... Secret!" Sabi naman niya.

"Sasabihin mo o sasabihin mo? Bahala ka hindi na ko sasama sayo bahala ka! Last na siguro to!"

"Hindi joke lang. To naman hindi mabiro. Sorry na, punta tayo arcade!" Sigaw niya.

"Dun lang pala eh! May secret secret ka pang nalalaman diyan!" Sigaw ko naman sakaniya.

"TARA NA! Ang bagal bagal mo!"

At hinila niya ko, grabe sobrang excited yata to!

At ayun na nga nakarating na kami dito sa arcade. Pumunta siya para bumili ng tokens. Pagkabalik niya nagulat ako.

"Magkano binili mo?!" Tanong ko sakaniya.

"600 pesos so bale 120 tokens to." Sabi naman niya sakin.

"Panong 120? E 6 pesos isang token!"

"Nakalibre ako ng 20 tokens. Nagwapuhan siguro yung nagbibigay ng tokens sakin. Hays iba talaga pag pogi."

Napa-irap naman ako sa sinabi niya.

"Pogi mo? Wow mukha mo!" Sigaw ko sakaniya.

"Oo, pogi talaga ng mukha ko." Grabe gwapong gwapo sa sarili, well pogi naman talaga siya hehe.

"Tara basketball tayo!" Sabi naman niya sakin.

Feel ko makikipagbet nanaman to.

"Bet tayo." Sabi niya sakin, nako! Sabi na eh! Jusko!

"O anong bet?" Tanong ko sakaniya.

"Pag panalo ako. Overnight ka sa pinag stastayan ko. If panalo ka, overnight ka pa rin sa pinagstastayan ko."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit?! May balak ka no?!" Sigaw ko sakaniya.

"Anong balak? Di kita gets. Wala kasi akong kasama dun, tsaka gusto kong may kasama akong mag video game mamaya. May bagong laro ako e!" Sabi naman niya sakin.

Jusko! Ano tong naiisip ko! Hala.

"Okay sige, pero magpapaalam muna ako kanila Nanay at Papa." Sabi ko naman sakaniya.

"No need, nasabihan ko na sila kanina. Um-oo naman sila."

"Seryoso? Pano mo ko pinaalam?"

"Kinausap ko sila sa personal."

"Pano?!"

Hindi niya na ko sinagot at dumiretso na kami sa pag basketball-an. Nag insert kami ng tig-2 tokens at nag start na kaming maglaro.

First Game : 65 (Me) ; 126 (Yoongi)
Second Game : 70 ; 86

Halata kong medyo napapagod na siya e, chance ko na to para manalo!

Third Game : 86 ; 71
Fourth Game : 76 ; 138

Nag last round na kami para makita kung sino yung panalo pero...

In the end siya panalo. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Pano ba yan? Matutulog ka sa pinag stastayan ko ngayon?" Sabi niya sakin.

"Kahit naman ako nanalo, matutulog pa din naman ako." Inirapan ko siya at tumawa.

Naglaro kami ng baril barilan at kung ano ano pa.

At ayun na nga, naubos namin yung 120 na tokens. Jusko! Feel ko nga naka tatlong oras kaming naglalaro dito at sobrang pagod na ko. Pero siya parang gusto niya pang mag laro!

"TARA NA! PAGOD NA KO!" Sigaw ko sakaniya.

"AYAW! Gusto ko pang maglaro." Sabi niya sakin.

"Wala na kaya tayong tokens!"

"Eh! Edi bibili pa tayo!"

"Bahala ka diyan! Aalis na ko." Umalis naman ako at dumiretso ako sa labas ng arcade.

Bumaba ako papuntang first floor para umalis na dito sa mall kaso may problema...

Tama nga si Nanay at Papa, uulan. Wala akong dalang payong! Ish.

Pano na to?!

***

Hey guys! Since wala kaming pasok ngayon HAHA here na nag update na ko. :) enjoy!
Dedicated to : SilverReine 💜

A Week with Him | min yoongi ffWhere stories live. Discover now