PROLOGUE

2.8M 37.4K 13.6K
                                    

WARNING: SPG

PROLOGUE

"SIGURADO ka ba rito sa binabalak mo, 'insan?" Ilang beses na yata iyong tinanong ni Caya sa kaniya. At ngayon nga na umapak na ang paa nila sa Isla ng Temptasyon, nagtanong na naman ito sa kaniya. "I brought you here because you said you needed this...pero ngayon nag dadalawang isip na ako kung tama ba na hayaan kita sa balak mong gawin—"

"Nandito na tayo, Caya." Aniya habang tinitingnan ang lubricant at condom na kinuha niya habang papalabas ng Security Office kanina. "Hindi mo na 'to mababawi."

"Pero Inna—"

"I need to do this, Caya." Nangungusap ang matang bumaling siya sa pinsan niya. "Please? At saka, kahit naman anong gawin ko rito sa Isla, wala namang magbabago. Sira na ang buhay ko."

Caya sighed. "Inna, kailangan mo ba talagang gawin 'to? Ikaka—"

"I don't want to think about it." Huminga siya ng malalim saka kumuyom ang kamay niya na may hawak na condom. "This is the only chance I have. Kaya please, pagbigyan mo na ako. Wala namang magbabago."

Caya sighed again. "Oo na." Napipilitan itong sumangayon. "Gawin mo kung anong gusto mong gawin dito sa Isla. You're here because I bought an invitation in the Charity Gala and that gives me a power to invite another person... you. So you are my responsibility. Meaning, kung may gawin kang mali dito sa isla, ako ang mananagot kaya umayos ka." Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Ayokong ma-ban dito sa Isla."

Tumango siya saka ngumiti at hinalikan ang pinsan sa pisngi. "Thank you, Caya."

Caya just rolled her eyes at her. "Yeah, yeah, come on. Kailangan na nating mag check-in sa Allure Hotel dahil magpapaganda pa tayo para mamayang gabi."

Ngumiti lang siya saka sumakay sa golf cart na pinara ng pinsan. Habang patungo sa Allure Hotel, panay ang hinga niya ng malalim.

Next week, she will not be allowed to do things like this. Next week, her life will be ruin. Kaya uunahan na niya ang mga ito.

Aalisin niya lahat ng inhibisyon niya sa katawan habang narito siya sa Isla. Kakalimutan niya ang buhay na naghihintay sa kaniya sa pagbabalik niya.

Here, in the Island, she will let go of all her fears and worries. Gagawin niya lahat ang hindi na niya magagawa sa susunod na linggo hanggang sa mga susunod na mga taon. Dapat wala siyang pagsisihan, nandito siya para kalimutan na sa susunod na linggo, hindi na siya malaya.

"We're here, Ma'am." Anunsiyo ng golf cart driver na pumukaw sa pag-iisip niya.

Nagpasalamat sila ni Caya at pumasok sa Allure Hotel. Pagkatapos mag check in, nagkaniya-kaniya silang pasok sa kuwarto na uukupahin nila.

Hindi niya alam kung bakit dalawa ang kuwarto na kinuha ng pinsan niya pero mukhang may balak din ito tulad niya kaya hinayaan na niya.

Nang makapasok sa kuwarto, pabagsak niyang ihiniga ang katawan sa malambot na kama at napatitig sa kisame.

I only have five days. After that, she's done.

Sa isiping 'yon, kaagad siyang bumangon at naligo saka nagbihis. Naglagay siya ng manipis na make up bago lumabas ng kuwarto at dumaan sa kuwarto ng pinsan niya para sabihin ditong lalabas siya.

Nang makalabas ng Hotel, naglakad-lakad siya hanggang sa dalhin siya ng mga paa sa dalampasigan.

Napangiti siya ng maramdaman ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha niya. Mababa na ang sikat ng araw kaya hindi na 'yon masakit sa balat.

Ipinikit niya ang mga mata ng ilang segundo at ng imulat niya 'yon, tamang-tama na tumuon 'yon sa lalaking umaahon mula sa malalim na parte ng dagat.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now