CHAPTER 13

950K 21.4K 5.7K
                                    

Greetings to Iris Gonzaga 😊

Sobrang inaantok na ako. Pinush ko lang 'to 😅 Kung may makikita kayong misspelled words, sareh.

CHAPTER 13

PARANG MABABALIW si Havoc habang sinusuyod bawat sulok ng Mall kung saan nagpunta si Inna. Kahit parking lot ay inisa-isa niya ang sasakyan. Nagmakaawa siya sa Mall Management na makapasok siya sa restroom para hanapin si Inna pero wala.

Wala sa kahit na anong sulok ng Mall si Inna.

And his last hope is the CCTV. And thankfully, the management let him see the footage. Pero kanina pa nila inisa-isa ang kamera pero hindi niya makita si Inna.

He'd been in the CCTV room for three hours and still nothing!

"Fuck!" Hindi niya mapigilan ang magmura. "Nasaan ka na ba Inna?"

Napasabunot siya sa sariling buhok habang ang daming senaryong pumapasok sa isip niya. Hindi siya iiwan ni Inna. Nangako ito sa kaniya at naniniwala siya sa pangako nito.

Hindi niya ako iiwan. I know, she loves me.

"Sir, siya ba ang hinahanap niyo?"

Mabilis siyang lumingon sa nagsalitang staff ng Mall at tinuro sa kaniya ang babaeng umupo sa bench at inilabas ang cellphone.

"Kamukha po siya nitong picture sa cellphone niyo, Sir." Pinagpalit-palit pa ng staff ang tingin sa monitor ng CCTV at sa screen ng cellphone niya saka inilapit pa ang cellphone sa monitor na naka-pause.

"Siya nga ho, Sir."

Napatitig siya kay Inna. "Please resume the footage."

"Yes, Sir."

Nang gumalaw ulit ang footage, nakaramdam siya ng panlalamig ng buong katawan ng may lalaking tumigil sa harapan ni Inna. At nang makita ito ni Inna ay tumayo ito at akmang tatakbo ng mapigilan ito ng lalaki at hinila palabas ng Mall.

Kumuyom ang kamao niya habang nakatingin sa mukha ni Inna na halatang nasasaktan sa hawak ng lalaki.

"My Inna..." nagtagis ang bagang niya. "Where is he taking my Inna?"

"Dalawang oras na rin ho ang nakakaraan." Anang Security.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone na hawak pa rin Security saka nagpasalamat dito at nagmamadaling tumakbo palabas ng Mall.

Two hours? A lot can happen in that two hours!

Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot 'yon patungo sa Club niya. Nang makarating do'n, kaagad na tinawagan niya si Mr. Kim.

"Hello—"

"Mr. Kim, magbabayad ako kahit magkano, hanapin mo ang Inna ko." Nagmamakaawa ang boses niya. "Her husband got her. I saw the CCTV footage in the Mall."

"Give me thirty minutes."

"Thanks." Pinatay niya ang tawag saka pumasok sa Club niya para kumuha ng damit.

Pero napatigil siya sa paghakbang patungong elevator ng makita niya si Sav na nakapameywang sa gitna ng Club niya.

"What are you doing here?" Nagtataka niyang tanong kay Sav. "I'm busy—"

Napatigil siya sa pagsasalita ng may lumabas galing restroom ng Club niya.

"Caya?"

Tipid itong ngumiti sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Kaagad niyang tanong. "Are you looking for Inna?" Nagtagis na naman ang bagang niya ng maalala na nasa kamay ito ngayon ng asawa nito. "Her husband took her—"

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now