CHAPTER 14

892K 21.2K 3.3K
                                    

CHAPTER 14

HALOS ISANG LINGGO ring hindi pinalabas ng kuwarto si Inna ni Monti. Lagi siyang naka-lock sa loob at dinadalhan lang ng pagkain ng mayordoma. Pero sa isang linggong 'yon, may komunikasyon sila ni Havoc sa pamamagitan ni Rizzi at Leona.

Hindi niya pinaalam sa binata ang ginawa sa kaniya ni Monti. Hinayaan niyang isipin nito na ikinulong lang siya ni Monti sa kuwarto.

Nararamdaman niya ang pag-aalala nito sa bawat sulat na natatanggap niya kaya nanatili siyang tahimik sa nangyari sa kaniya.

Maingat siyang umalis ng kama at humarap sa life size na salamin.

Naroon pa rin ang pasa niya sa katawan pero hindi na namamaga ang pisngi niya at kaunti nalang sa leeg niya. Nawala na rin ang namumuong dugo sa mga mata niya.

Kung hindi na siya ulit sasaktan ni Monti, tuluyan nang mawawala ang mga pasa niya sa susunod na linggo.

Napaigtad siya ng may kumatok sa pinto at bumukas iyon.

"Signorina," anito sa kaniya, "you have a visitor."

Kumunot ang nuo niya. "Who? I'm not expecting anyone today."

Leona smiled. "A friend."

"I'm not allowed to leave my room, remember?"

"Signor Monti left." Anito na may masuyong ngiti sa mga labi. "I'm sure he won't be back until midnight."

Napabuntong-hininga siya. A friend? Maybe Rizzi? Havoc must have sent her.

"I'll be down in a minute, Leona."

"Si, Signorina." Anang mayordoma saka isinara ang pinto ng kuwarto at umalis na.

Siya naman ay kumuha ng cardigan sa closet niya at isinuot iyon para itago ang mga pasa niya sa katawan saka sarong na ipinalibot naman niya sa leeg para hindi makita ang bakas ng pagsakal sa kaniya ni Monti.

Maingat siyang lumabas ng kuwarto at dahan-dahang bumaba sa salas. Nang makarating doon, napalinga-linga siya ng makitang wala namang tao roon.

"Leona?" Tawag niya sa mayordoma. "Where is my visitor?"

"In the garden, Signorina." Sagot ni Leona na mukhang kagagaling lang sa hardin. "And I off the CCTV, Signorina. Please, have a good day."

Nginitian niya ito saka naglakad siya patungo sa hardin ng mansiyon. Nang makarating siya roon, luminga-linga siya, hinahanap si Rizzi ng makita niya ang isang pamilyar na bulto na nakatalikod.

Kaagad na kumabog ng malakas at mabilis ang puso niya. No—No way! "H-Havoc?"

Kaagad namang humarap sa kaniya ang binata ng marinig nitong tinawag niya ang pangalan nito. Pero ang ngiti nito ay unti-unting naglaho ng makita siya.

"W-what happened to you?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Nothing."

"Inna." Nanginginig ang boses nito at alam niyang sa galit iyon. "What happened?"

Nanubig ang mata niya pero hindi siya nagsalita.

"Inna." May diin ang boses nito. "Did your husband hurt you?"

Marahan siyang tumango. "S-Si."

Nang ibalik niya ang tingin kay Havoc, nakaramdam siya ng takot. Napakatalim ng mga mata nito at madilim ang mukha. Mahigpit na nakakuyom ang kamao at parang nanginginig ang buong katawan nito sa sobrang galit."

"I will kill him! I will kill him!"

Kaagad na nilapitan niya ang binata saka hinawakan ang nakakuyom nitong kamao. "Don't waste your strength on him. He's not worth it." Pagpapakalma niya rito. "Ayos lang naman ako. H-hindi naman masyadong masakit." Pagsisinungaling niya.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now