CHAPTER 5

1.4M 26.3K 7.1K
                                    

CHAPTER 5

NANG makabalik si Inna at Havoc sa dalampasigan pagkatapos ng agahan nila sa Floating Restaurant, nagdahilan siyang magri-rest room lang pero hindi na niya ito binalikan.

Umiwas siya kay Havoc at tinungo ang Zip line na nasa dulong gilid ng isla para makapunta sa kabilang dako kung saan puwede siyang tumambay sa mga Cabana na naroon.

Hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot dahil walang Havoc na nangulit sa kaniya buong araw habang nasa cabana siya at mag-isang sumisimsim ng wine.

Bumaba ang tingin niya sa dalawang bote ng wine na kinuha niya kanina sa bar na malapit sa cabana niya. Wala nang laman 'yon at medyo nararamdaman niyang naapektuhan na siya ng wine na iniinom pero gusto pa niya.

It relaxes her. Or is it just the place where she's at at the moment.

Malapit sa dagat ang cabana na inukupa niya. Naririnig niya ang mahinang alon ng dagat na nagpapakalma sa kaniya. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.

Kanina, medyo marami-rami ang tao rito pero ngayong papalubog na ang araw, siya nalang ang natira. Nagpasundo na ang iba, ang iba naman ay nag zip back pabalik.

Samantalang siya, wala pa siyang balak na bumalik. Nakatingin lang siya sa karagatang kulay pula na at may halong dilaw at dalandan dahil sa papalubog na araw.

It somehow calms her. Pero hindi niya maiwasang hilingin na sana nasa tabi niya si Havoc. Siguro mas masarap 'yon sa pakiramdam.

Inna sighed. "Kung sana kalmado ako kapag nasa tabi ko si Havoc..."

Ayaw niyang magpaka-ipokrita at sabihing ayaw na niyang makita ito, na kaya niyang pigilan ang sarili niya. She wanted to see him so bad and be with him so bad. Pero alam din niyang hindi puwede kasi kasal na siya.

Isang malaking kasalanan na hayaan ang sarili niya na magpadarang kay Havoc. Hindi siya puwedeng maging marupok.

Kahit ganun ang pagtrato sa kaniya ni Monti, sapat na bang rason 'yon para gayahin din niya ang ginagawa nito sa kaniya?

She blows out a loud breath and sighed heavily. "I hate my life..."

Kumuha siya ng isa pang bote ng wine sa common bar at inubos 'yon bago tumawag sa Security Office at nag request na magpa-pick up.

Habang naghihintay ng sundo niya, nakatayo siya sa dalamapsigan at nakatingin lang sa karagatan.

Niyakap niya ang sarili.

Bakit ba ganito ang buhay niya? Dalawang taon na siyang nakakulong sa impyernong buhay niya bilang asawa ni Monti. Samantalang ang pamilya niya, napakasaya at nagtatampisaw sa pera na dahilan ng paghihirap niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Bakit niyo naman kasi ako pinagbili..." bulong niya sa hangin.

At hindi niya namalayang namamalisbis na pala ang luha niya sa pisngi niya. Parang may sumasakal sa puso niya habang walang imik siyang umiiyak dahil sa buhay na mayroon siya ngayon.

Ang buhay na pumipigil sa kaniyang makasama si Havoc tulad ng gusto niya.

Malinaw pa sa ala-ala niya ang pananakit na natanggap niya kay Monti sa loob ng dalawang taon. Bawat malakas na hawak sa baba niya, sampal sa pisngi at ang pagsakal nito sa kaniya. Hindi niya ang mga 'yon makalimutan.

Napahikbi siya pero kaagad din niyang hinamig ang sarili ng makarinig siya ng tonog ng motorboat. Kaagad niyang inayos ang sarili, tinuyo ang basang pisngi saka tinungo ang bangka na tumigil hindi kalayuan sa kaniya.

Pero sa halip na ang staff lang ng Isla ang makita na sakay ng bangka, may kasama pa itong isa at napaawang nalang ang labi niya ng makita na si Havoc ang bumaba ng bangka.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now