CHAPTER 1

1.9M 29.8K 4.8K
                                    

Happy Reading 😘

CHAPTER 1

BUMABA ang tingin ni Inna sa wedding ring niyang dalawang taon na rin niyang suot. Hanggang sa mga sandaling 'yon, hindi pa rin niya matanggap na may asawa na siya at dalawang taon ng kasal.

It was hell living with her husband.

"Why are you here? It's cold." Anang magaspang na boses ng asawa. "Vai dentro, Inna!" Get inside.

Hindi siya kumibo at patuloy lang na tiningnan ang mga halaman sa hardin.

"Ho detto, vai dentro, Inna!" I said get inside. He hissed at her.

Hindi siya umimik dahilan para lumapit sa kaniya ang asawa at sinapo ng mahigpit ang panga niya.

Masakit. Dapat napangiwi siya sa sakit. Pero sanay na siya. Kaya ng mas humigpit ang hawak nito sa panga niya dahil sa katigasan ng ulo niya, wala siyang naramdaman na kahit na ano.

She's used to it. To the pain.

"Inna! Inside! Now!" He was screaming at her.

She didn't move and his grip on her chin tightened even more.

"Inside, Inna! Now!" Ulit nitong utos.

Nang hindi niya kumibo, hinawakan siya nito sa kamay at malakas na hinila papasok ng kabahayan. Nagpaubaya naman siya at hinayaan ang asawa.

At nang itulak siya nito pahiga sa kama, doon lang siya natauhan, malakas siyang nagpumiglas ng kubabawan siya nito at pilit na hinuhurad ang damit niya.

"No!" Sigaw niya habang nilalabanan ang lakas nito. "Fermati! No!"

Talo ang lakas niya kaya napaiyak nalang siya ng mahubaran siya nito.

Her husband hissed at her tears.

"Useless wife!" Padaskol itong umalis sa ibabaw niya saka lumabas ng kuwarto.

Nayakap nalang ni Inna ang sarili.

Her husband can do everything to her, hurt her and insult her but he can never have her body! 'Yon ang pinangako niya sa sarili pagkatapos ng kasal nila.

Hindi naman 'yon problema sa asawa niya. He has lots of women to warm his bed at night. Pero may mga pagkakataong pa rin tulad ngayon, pinipilit siya nitong ibigay ang katawan niya rito pero hindi siya makakapayag hanggat kaya niyang pigilan ito.

Bumangon siya saka pinulot ang nahubad na damit at pumasok ng banyo. Halos isang oras siyang naligo doon para alisin ang bakas ng asawa niya.

Pagkatapos ay nagbihis siya at nagpaalam sa mayordoma ng bahay na kung hanapin siya ni Monti ay sabihing nasa café lang siya na malapit sa kanila.

Nang makapasok siya sa café, kaagad siyang nginitian ng may-ari na matalik niyang kaibigan dito sa Italya.

"Buenasera, Inna." Masayang bati nito sa kaniya saka umupo sa mesa na inukupa. "How's your day, amica mia?" My friend.

She shrugged. "Il solito." The usual.

Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Rizzi. "Did he hurt you again?"

Ngumiti lang siya. "Can I have brewed coffee?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Of course." Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Rizzi. "Wait for me."

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakabalik kaagad ito at inilapag ang brewed coffee sa harapan niya. "By the way, did you already talk to your husband about your upcoming vacation?"

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now