CHAPTER 3

1.5M 30.3K 5.7K
                                    

CHAPTER 3

NASA GILID lang si Inna habang dinadaos ang Auction. Halos pitong lalaki na rin ang na-i-auction at lahat mg mga ito ay nabili sa malaking halaga. It's for a good cause though, so it's okay. Mukhang mag-i-enjoy naman ang kababaihan na mga nakabili.

Isang linggo kasama ang lalaking binili. Not bad.

"Next Bachelor is Sav De Luca!" Anunsiyo ng emcee at naghiyawan ang kababaihan na naroon.

The bidding starts at fifty thousand until it reaches 2.5 Million.

"Sold to the lady in midnight blue!" Nakangiting anunsiyo ng emcee.

Nagpalakpakan ang iba ang ibang babae naman ay bagsak ang mga balikat. Lucky woman. Sav is one gorgeous man. 

Pasimple siyang naghikab. Bored na bored na siya dahil wala naman siyang ginagawa kundi sumimsim ng wine at manuod ng bidding pero hindi niya magawang umalis.

Hinihintay niyang lumabas si Havoc. Wala man siyang perang pambili ng isang linggo nito pero hindi naman siya nagpunta rito para do'n.

She wants to see him. Just a glimpse and she'll go back to her Hotel.

"Our next bachelor is..." sadyang binitin ang emcee ang mga naroon bago nagsalita, "Havoc Andrada!"

Nabitin ang pagsimsim niya ng wine saka mabilis na tumingin sa stage. Mula sa gilid, lumabas si Havoc na walang kangiti-ngiti sa mga labi. Malayo ito sa Havoc na una niyang nakilala na palaging may nakahandang ngiti para sa lahat.

Pero hindi napigilan ng walang emosyon nitong mukha ang mga kababaehan na mas lumakas pa ang tili lalo na ng mag-umpisa na ang bidding.

"Two hundred thousand!" Sigaw ng babae sa likod.

"Five hundred thousand!" Sigaw ng babae sa unahan.

"Seven hundred thousand!" Sigaw pa ng isang babae.

"Eight hundred thousand!" Another woman screamed.

"Eight hundred and fifty thousand!"

The bidding continues and the amount started to get higher and higher until Havoc spoke.

"Three million for myself."

Lahat nawalan ng imik at napatanga sa binata maliban sa emcee na kaagad na nagsalita.

"That was generous of you but we can't allow you that. The whole point of this auction is for our women guest to enjoy one week with you—"

"I'm buying myself so I can give my undivided attention to her for a week."

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatuon ang mata sa kaniya ni Havoc habang nagsasalita ito.

Cazzo! Mura niya sa isip ng may spotlight na tumuon sa kaniya.

"Puwede naman 'yon diba?" Tanong ni Havoc sa emcee na pumukaw sa lahat ng atensiyon ng nasa hall habang ang mga mata ay titig na titig pa rin sa kaniya. "I promise." He looked at her intently, "I will make sure that she'll enjoy her one week with me."

Napuno ng bulungan ang buong hall, nagtatanong kung sino siya at kung ano siya ni Havoc, kung anong relasyon nilang dalawa at kung bakit ganun ang ginawa ni Havoc.

Ang daming katanungan ng mga taong nakapaligid sa kaniya hanggang sa may umakyat na lalaki sa stage at nilapitan ang emcee.

"Oh my God!" Impit na tili ng babaeng malapit sa kaniya. "Isn't that Lucifer? One of the owner of this island?"

"Oh my God! He's so handsome!"

"Oh! So gorgeous!"

Napatingin siya sa lalaki. The owner? Lucifer? What kind of name is that? 

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now