CHAPTER 11

1.1M 22.5K 2.7K
                                    

CHAPTER 11

NASA DUYAN si Inna at Havoc. Nakaunan si Inna sa braso ng binata na panay ang halik sa nuo niya habang nakahiga silang dalawa. Havoc is always like that. He's touchy but she likes it.

Inna sighed and smiled at the serenity she's feeling. "Ganito ang gusto ko. 'Yong bahay na malapit sa dagat, may duyan, at may sariwang hangin. Kahit hindi malaking bahay, ayos na sakin."

"You really want to live near the sea?" Tanong sa kaniya ni Havoc habang hinahaplos ang buhok niya.

Tumango siya. "Oo. Para kasing ang payapa sa pakiramdam. Parang nakakagaan sa feeling."

Pinagsiklop ni Havoc ang kamay nilang dalawa saka hinalikan na naman siya sa nuo. "Do you want me to build you your dream house?"

Natigilan siya tiningala ang binata. "Patatayuan mo ako ng bahay?" Gulat niyang tanong. "Bakit?"

Havoc shrugged. "I want to see you smile and be happy."

"But—"

"No buts." Havoc kissed her on the lips, "pagagawan kita ng bahay. Give me a month."

Hindi nalang umimik si Inna pero napangiti siya.

A man who would build her a house. He's a keeper.

"Inna?" Hinahaplos nito ang buhok niya.

"Hmm?"

"I confess."

She frowned and look up at Havoc. "Confess what?"

Tumitig ito sa mga mata niya. "I'm confessing my feelings for you."

Her lips parted. "A-ano?"

"Gusto kita, Inna. I think I'm falling for you."

Parang sasabog ang puso niya. "H-Havoc..."

He kissed the corner of her lips. "You look scared."

"A-are you sure?" Kakaiba ang kabang nararamdaman niya habang nakatitig sa mga mata nito. "I-ilang araw palang tayong m-magkakilala—"

"I don't care." He smiled. "I know what I feel, Inna. Sigurado ako sa nararamdaman ko. Ikaw? Gusto mo rin ba ako?"

She blinked at him. And blinked again. "But Havoc—"

"Ayos lang kahit hindi mo ako sagutin ngayon," pinisil nito ang kamay niya, "I have all the time in the world to wait for your answer."

Nagbaba siya ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi.

No. He doesn't have all the time in the world. Aalis na siya bukas. Iiwan na niya ito.

Bakit ngayon pa ito nagsabi sa kaniyang may nararamdaman na ito para sa kaniya?

Tumiim ang bagang niya.

Should she stay? To be with him?

Huminga siya ng malalim. May ilang oras pa siya para mag-isip. Gusto niyang manatili sa tabi nito. Gusto niyang maramdaman kung paano siya alagaan ni Havoc.

He's a sweet guy...a good man.

But she's getting married. At nakasalalay ang kinabukasan ng pamilya niya sa magiging desisyon niya.

She wanted to be with him. Pero paano ang pamilya niya?

Yumakap si Inna kay Havoc at hinalikan ito sa leeg. "Salamat."

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Onde as histórias ganham vida. Descobre agora