CHAPTER 20

941K 18.5K 2K
                                    

CHAPTER 20

NAKAUPO SI Inna at Havoc sa dalampasigan. Nasa likod niya ang binata habang yakap siya sa beywang at ang baba nito ay nasa balikat niya habang pinagmamasdan nila ang papalubog na araw.

"I'm happy, Inna." Wika ni Havoc na mas humigpit ang yakap sa kaniya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ka. I can't wait for the priest to announce us as husband and wife."

Napangiti siya at isinandal ang katawan sa matitipuno nitong dibdib. "I'm happy too, Havoc. Pero kinakabahan pa rin ako."

"Bakit naman?"

"My family..." she trailed and sighed, "wala pa silang alam."

"Then we'll tell them together—"

"No." Pigil niya rito. "Mas makakabuti kung ako muna ang kumausap sa kanila at magpaliwanag. Ayoko silang gulatin. Baka magka-heart attack ang ama ko kapag nalaman niya ang relasyon natin habang kasal pa ako kay Monti. Gusto ko silang dahan-dahanin. Kung ipapakilala kita agad sa kanila, tiyak na magkakagulo 'yon."

"Sige." Alam niyang hindi bukal sa loob ni Havoc ang pagsangayon sa kaniya. Niri-respeto lang nito ang desisyon niya. "Pero ihahatid kita sa bahay niyo at tawagan mo ako kaagad kapag nakapagpaliwanag ka na. Ayokong mag-isa mo silang harapin pero kung doon ka komportable, hahayaan kita."

Tumango siya saka nilingon ang binata at nginitian. "Don't worry. I'll call you immediately. Ayoko ring malayo sayo."

Havoc intertwined their hands together. "Always remember, my Inna, I love you. Tanggapin man ako ng pamilya mo o hindi, pakakasalan kita. Wether they give their blessing or not, I will marry."

Nakangiting tumango siya. "I know. And I love you too."

Havoc kissed her on the cheek before smiling naughtily at her. "I'm allowed to impregnate you now."

Tinaasan niya ito ng kilay. "We've been making love without protection for the last two weeks, Havoc. Expect it already."

Mahinang tumawa si Havoc. "I want a girl."

She smiled. "Me too."

"And we'll name her Serenity."

"Serenity?" Gagad niya.

Havoc nodded. "Yes. Opposite to my name. Havoc means causing distraction while Serenity means peace."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Talagang pinag-isipan mo no?"

Havoc chuckled before looking at her seriously. "I really did think about it. Maybe because I'm excited for us to have a family with our little angel."

Ngumiti siya. "Ako rin. Sana kamukha mo siya."

"I would love that."

Ihinilig niya ang katawan sa dibdib ni Havoc saka tinitigan ang araw na malapit ng lumubog. "Tesoro?"

"Yes, my Inna?"

"Thank you."

"For?"

"For loving me despite everything." Humigpit ang hawak niya sa kamay nito. "Dahil sayo, nakalaya ako sa hawlang pinagkulungan sakin ng mga magulang ko at ni Monti. Dahil sayo, masaya ako ngayon. Dahil sayo, matutupad na rin ang kagustuhan ko na magkaroon ng masayang pamilya at masayang buhay."

"Inna..."

"Kung hindi kita nakilala, baka nakakulong pa rin ako." Huminga siya ng malalim. "Kasalanan man na mahalin ka, na sumama sayo, na piliin ka kasi may asawa ako pero para sakin, ito ang pinakatama kong ginawa sa tanang buhay ko.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now