CHAPTER 4

1.5M 28.1K 4.6K
                                    

CHAPTER 4

BREAKFAST. Simpleng agahan lang sana 'yon tulad ng plano ni Inna, pero walang simple kapag si Havoc ang kasama niya. Dinala siya nito sa Floating Restaurant at doon sila nag-agahan.

"Puwede naman tayo sa Eroticafé." Komento niya ng makaalis ang Restaurant staff na nag-assist sa kanila sa pagtutulak ng floating cottage patungo sa malalim na parte ng dagat. "Doon nalang sana."

"Bakit ayaw mo rito?"

Nangalumbaba siya at bumuntong-hininga. "We're alone and away from people."

"My kind of place."

Tiningnan niya si Havoc. "Don't do anything stupid, Havoc."

"I don't think wanting you in my bed is stupid." Umupo ito sa tabi niya saka nilagyan siya ng pagkain sa pinggan. "Tell me, Inna, anong klaseng tao ba ang asawa mo?"

Natigilan siya. Ano nga ba? Maliban sa sinasaktan siya nito ng pisikal at pinagsasalitaan siya ng masama, wala siyang masyadong alam dito.

"Inna... I'm asking."

No. He's demanding.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Ayoko siyang pag-usapan." Pagdadahilan niya. "Iba nalang ang pag-usapan natin, 'yong komportable ako."

"Okay." Hindi nakipag-argumento sa kaniya ang binata. "I have a question."

Tinanggap niya ang sinubo nito sa kaniyang kalahating piraso ng shrimp. "Ano 'yon?"

"Ahm..." tinitigan siya nito bago nagtanong, "bakit ka bumalik dito sa Isla kung iiwasan mo naman pala ako?"

Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong hipon. "I was fresh from Italy when my cousin dragged me here. Hindi na ako tumanggi." Tipid siyang ngumiti saka sinalubong ang tingin ng binata. "Isang buwan lang ang bakasyon ko. Hindi ako pinayagan ni Monti na magtatlong buwan dito eh." She blows a loud breath. "Ipokrita ako kung sasabihin kong ayaw kitang makita habang nandito ako."

His face remain stoic. "Then why are you pushing me away?"

Pinakita niya rito ang singsing. "Because I'm married, Havoc. Ayokong maging makasalanan ka ng dahil sakin."

"I don't mind..."

"I do." Nginitian niya ito. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sakin pero ayokong husgahan ka nila ng dahil sakin. Kahit gusto kita, kasal pa rin ako. Kahit baliktarin natin ang mundo, hindi tayo puwede."

"But I don't care..." ulit nito sa mababang boses.

"I know, but you should." Aniya. "For your own sake, Havoc."

Sinubuan ulit siya nito ng hipon saka inalis ang isang butil ng kanin na nasa gilid ng labi niya. "Wala akong pakialam kung maging masama ang tingin sakin ng mga tao. Siguro kaya pa kitang pabayaan kung alam kong tinatrato ka na parang reyna ng asawa mo. Pero..." gumalaw ang panga nito sa galit, "...sa mga nalaman ko. Hindi kita ipapaubaya sa kaniya. I can treat you better than him, so choose me."

It's really too late to regret. "Hayaan mo na ako." Sabi niya sa kalmadong boses. "Pagkalipas ng tatlong araw, aalis na ako rito sa Isla, hindi mo na ako makikita kaya makakalimutan mo rin ako."

He scoffed. "Ginagago mo ba ako? Hindi kita nakita ng dalawang taon pero hindi naman kita nakalimutan. At sinong may sabing hahayaan kitang iwan na naman ako?"

Napatitig siya kay Havoc na titig na titig din sa kaniya. "Havoc..." umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito, "maraming babae riyan na nagkakandarapa mapansin mo lang. Sila nalang." May munting kirot sa puso niya pero pinagsawalang bahala niya 'yon.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now