CHAPTER 28

1M 24.1K 13.6K
                                    

CHAPTER 28

"I TOLD you you'll thank me later." Boses iyon ni Monti mula sa likuran niya habang pinagmamasdan ang mag-ina niyang naka-upo sa bench at masayang nag-uusap.

Nilingon niya ito saka ibinalik ulit ang atensiyon kay Inna at Serenity. "Hindi na ako iinom ng alak mula ngayon. Hindi na rin ako maglalasing. I'm a Dad now."

Hanggang sa mga sandaling 'yon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganun siya kasuwerte. Parang lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan niya ay nawala bigla dahil sa simpleng 'she's yours, Havoc' ni Inna at ang 'mahal na mahal kita...mula noon hanggang ngayon' nito.

The pain he felt for three years is now gone, replace by this inexplainable happiness bubbling inside him.

Tinapik-tapik ni Monti ang balikat niya. "That's good to hear, Andrada. Keep that up. Ilang taon mo na ring pinapatay ang atay mo, buti nga naka-survive e."

He smiled while looking at his Inna and Serenity. They look happy as they converse and play with the stuffed toy he bought for Serenity. He can hear Serenity purring like a cat and she looks so cute.

Mahina siyang natawa. "I never thought i'll be this happy again."

"That feeling when you felt like the pain is suffocating you. Alone and messed up." Monti sighed heavily. "And then, a light came into your darkness and made you feel happiness you never thought you'd feel again. Trust me, Andrada, I know what that feels."

"Yeah..." napakamot siya sa batok at sinulyapan ang katabi. "Isa ako sa mga taong nagparamdam sayo no'n. I did steal Inna away from you."

Monti looked at him. "Is that an 'i'm sorry for stealing your wife' speech?"

Tiningnan niya ito ng masama. "Ex-wife." Pagtatama niya. "And I did say sorry already."

"Kailan? Nuong nalasing ka sa Isla at sinukahan mo akong tang'ina ka?" Puno ng sarkasmo ang boses ni Monti. "Walang sincerity akong naramdaman sa sorry mo. Sinukahan mo pa ako."

Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya. "I don't remember the part where I vomited and...yeah..." hindi na niya tinuloy ang sasabihin dahil masama ang tingin sa kaniya ni Monti.

Monti tsked. "Ako lang ang kayang magtiis sa ugali mo do'n sa Isla. Ako lang, Andrada. Dapat nga nilunod kita sa dagat dahil sa ginawa mo sakin, pero sa hindi ko malamang kadahilanan, hinila lang kita habang nakahandusay ka sa semento."

Sa sinabi nito naalala na naman niya ang nangyari sa kaniya ng gabing 'yon. "You fucker. Alam mo ba ang galos ko dahil sa ginawa mo? Hindi mo man lang ako binuhat—"

"Wow. Magaan ka bang tang'na ka? Ano ka babae na bubuhatin ko?" Patalim ng patalim ang mata ni Monti na nakatingin sa kaniya. "Buti nga naawa pa ako sayo e."

He snorted. "Naawa, mukha mo. Gago ka talaga. Hinila mo ako sa semento kaya nagkasugat-sugat ako."

"Oh, tapos?" Nanghahamon ang boses ni Monti. "Close na ba tayo no'n? As far as I remember, kaaagaw mo lang sakin ng asawa ko no'n. Hindi ko nga alam bakit naging kaibigan kita."

"Same here." He blows a loud breath. "Hindi ko nga alam ba't kaibigan kita. Sinaktan mo ang Inna ko—"

"Stop right there." Pigil sa kaniya ni Monti. "Humingi na ako ng tawad niyan kay Inna nuong isang araw pa."

"E sakin, humingi ka na ng tawad?"

Nagtatakang tiningnan siya ni Monti. "Bakit? Tinutukan lang naman kita ng baril, ah. Hindi ko naman kinalabit ang gatilyo."

He looked at Monti flatly. "So dapat pala magpasalamat pa ako sayo sa lahat nang 'yon?"

Monti shrugged. "I was an asshole back then, you should be thankful I didn't kill you."

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now