CHAPTER 2

1.4M 30.3K 9K
                                    

❤️Happy Birthday Charito❤️

CHAPTER 2

"SANA HINDI nalang kita isinama rito sa isla kung magmumukmok ka lang naman pala rito sa kuwarto." Nakapameywang na reklamo ni Caya kay Inna na nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame. "Inna! Are you even listening to me?!"

Napakurap-kurap si Inna saka napatingin sa pinsan. "Ano?"

"Geez!" Caya looks irritated. "May Auction Party mamaya. Pupunta ako kaya dapat pumunta ka rin. Hindi ako makakapayag na hindi. Goodness, Inna, apat na araw nalang ang mayroon tayo sa Isla. Kailangan nating mag explore! I miss this island! And I bought the invites for you! Naawa lang naman ako sayo kasi ang sama ng ugali ng asawa mo kaya kita dinala rito makapag-unwind."

Inna sighed. "Maybe it's a mistake coming here. If Monti finds out—"

"What happens in this Island, stays in the island." Bumuntong-hininga si Caya. "Stop worrying my dear cousin, walang malalaman ang asawa mo." Idinipa nito ang kamay at nag-emo. "We're here to let go of our inhibitions! To embrace our desires! To be free from all the angst in our life! To feel and experience pleasure at its finest!"

Nginitian lang niya ang pinsan saka bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Ano ba ang mayroon sa auction mamaya at parang gustong-gusto mong pumunta?"

"They will be auctioning ten members for the Island's Anniversary!" Tumili ito. "Oh my God, Inna! I can't wait!"

"Wala naman akong perang pambili sa kanila kaya dito nalang ako." Natatawang sabi niya.

Kaagad na nawala ang excitement sa mukha ni Caya. "I hate you, do you know that?"

She smiled at her cousin. "No, you don't."

Caya rolled her eyes at her. "Bahala ka na nga, pero ako hindi ko palalampasin 'to. I heard Sav is going to be auctioned, and Tariq is going to be there, and oh, Napoleon too, and Havoc and—"

"Havoc?" Her eyes widen. "Havoc Andrada?"

Tinaasan siya ng kilay ng pinsan niya. "You know him?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Not really." Walang alam ang pinsan niya sa mga ginawa niya dalawang taon na ang nakakaraan kasama si Havoc. Inilihim niya talaga 'yon dito. "His name sounds familiar though."

"Well, talagang familiar ang pangalan niya." May pagmamalaki sa boses ni Caya. "Lahat yata ng kababaehan dito sa isla, gusto siyang matikman. There's this rumour that he's really good in bed."

Her lips thinned. That's not a rumor. He is good in bed.

Lihim siyang napalunok ng maalala ang nakaraan. Marahas siyang huminga ng malalim saka tumayo. "Sige, sasama ako sayo sa Auction."

Kaagad na bumalik ang excitement sa mukha ni Caya. "Yey!"

"Pero sa gilid lang ako." She just wants to see Havoc from afar. Naaalala pa kaya niya ako? "Wala naman akong malaking halagang pera na dala."

"Okay na okay na sakin 'yon." Excited na niyakap siya ni Caya. "Magpaganda na tayo."

Tumango siya at binuksan ang closet para mamili ng damit na isusuot niya mamaya samantalang si Caya ay nagpaalam na pupuntang ng salon para magpaayos.

It's just 4PM. Nakapili na siya ng damit at hindi naman siya magpapaayos kaya wala na siyang gagawin kundi maghintay para sa Party mamaya.

Out of boredom, she steps out from the Hotel and went for a walk.

Dinala siya ng mga paa niya sa parte ng dalampasigan kung saan sila nagkakilala ni Havoc.

Napangiti siya sa ala-alang 'yon.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now