CHAPTER 12

1M 21.8K 4.7K
                                    

CHAPTER 12

PINAGMAMASDAN ni Havoc si Inna na masayang naliligo sa dagat habang nakaupo siya sa dalampasigan. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. His Inna is happy, he can see it in her face. At ayaw niyang masira ang kasiyahang 'yon.

But they have to face reality soon. Hindi puwedeng ganito lang sila.

Her husband called yesterday and the truth is, he's afraid. Scared that Inna might choose Monti and not him. Scared that she might leave him again. Hindi niya alam kung kaya pa niyang bumalik sa dati kapag iniwan siya ni Inna ulit. Hindi niya alam kung kaya bang pawiin ng ibang babae ang pangungulila niya kay Inna.

Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng takot.

Hindi siya natakot ng mamatay ang mga magulang siya at naiwan siyang mag-isa, hindi siya natakot sa mga kalaban niya sa negosyo at hindi siya natakot gawin ang kahit na anong gusto niyang gawin sa buhay niya. From bedding women to closing and stealing deals from other companies. He doesn't feel fear.

But now. Fear has a name. Inna.

He feared Inna of all people. Baka iwan niya ako. 'Yon ang kinakatakot niya.

He can do everything for his Inna but its still her choice to stay with him or leave him. He won't let her leave him of course, but what if she disappeared again? Just like before.

Two years ago, when she left, he didn't admit it to himself but it broke him. She took a big part of him when she left. Sa isip niya noon, babae lang si Inna, kayang-kaya niya itong palitan at 'yon nga ang ginawa niya.

Women after women everyday. Hindi siya nabakante. Pero hindi naman siya masaya.

Sex is a game he loves playing, and when he met Inna, he played harder and when she left, the hype of the game ended.

He can't feel contentment anymore...until he made love with Inna again.

Inna is his happiness. He get that now. At hinding-hindi niya hahayaan na may kumuha sa kasiyahan niya.

Akin lang ang Inna ko.

"Havoc! Tesoro!"

Napakurap-kurap siya saka napatingin kay Inna na nasa parte ng dagat na nasa hanggang tuhod lang ang lalim at nakapameywang na nakaharap sa kaniya.

"Hello! Earth to my tesoro!" Sigaw nito na nangingiti.

He chuckled. "What is it?"

"Halika rito." Aya nito sa kaniya. "Maligo tayo."

"I might end up making love to you." Sagot niya habang may pilyong ngiti sa mga labi. "Do you want that, hmm, my Inna?"

Napasimangot si Inna saka naglakad palapit sa kaniya at lumuhod sa harapan niya saka hinawaka ang kamay niya sabay hila sa kaniya. "Halika na... maligo na tayo." Paglalambing nito sa kaniya.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat saka inikot patalikod sa kaniya at pinaupo niya sa gitna ng nakabuka niyang hita at niyakap ito ng mahigpit mula sa likuran.

"Inna?"

"Hmm?"

"Promise me something."

Ihinilig nito ang basang katawan sa dibdib niya saka nag-angat ng tingin sa kaniya para magtama ang mga mata nila. "What is it, tesoro?"

Pinakatitigan niya ito sa mga mata bago nagsalita. "Don't leave me."

Her face softened. "I won't."

"Promise me." Giit niya. "Kahit anong mangyari, huwag mo akong iiwan." Fuck! He's not the kind of man who begs but for his Inna, he will kneel if necessary. "Dahil kapag nawala ka, hahanapin kita, Inna. Hindi na ako mamatili sa isang tabi tulad noon at hinayaan kang basta mawala lang. If I have to spend every money I earned just to have you back, I will do it in a heartbeat."

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Där berättelser lever. Upptäck nu