CHAPTER 8

1.3M 24.4K 5K
                                    

Happy 1st Anniversary Team Fingers 😘

Anne Alcones,Ronalyn Tink, Salma Hambali, Joanne Alsonado, Ana Pura,Emeliza Umpad, Adelyn Salazar, Dhave Sibug, Aize Dilawangen, Ana Mae Villanueva, Magenta Valencia, Chona Llanera, Cherie Gaspi,Daisy Macahidhid,Nica Indina,Maricel Marzon,Danna Mae Sagario,Jots Siaotong,Jessica Gonzales, Jenna Gonzales, Joh Pinto,Ghadd Versoza,Rizza Mendoza,Rose Villavicencio, Mary Ducayag, Ruffa Mae Deslate.

CHAPTER 8

MAAGANG NAGISING SI Inna at maingat na umalis sa kama saka kumuha ng damit sa closet ni Havoc para 'yon ang isuot dahil napunit ang damit niya kagabi.

Kailangan na niyang makabalik sa Hotel para maayos niya ang mga gamit para sa pag-alis nila ni Caya. Medyo madilim pa sa labas pero may mga ilaw naman.

Napatigil siya sa pagaayos ng damit ng mapatingin kay Havoc na mahimbing na natutulog sa kama.

Napakaamo ng mukha nito at hindi niya mapigilan ang paninikip ng dibdib niya.

Tesoro... midispiace.

Ilang segundo niyang tinitigan ang guwapong mukha ni Havoc at hinaplos ang pisngi nito.

"It was a wonderful night, tesoro. I will never forget it...I will never forget you."

Huminga siya ng malalim saka mabigat ang kalooban na lumabas ng Cabin.

Nilakad niya lang ang distansiya patungo sa may kalsada at doon naghintay ng golf cart na dadaan. Dahil magmamadaling araw palang, kulang pa ang dumadaang golf cart.

Mga sampung minuto rin siyang naghintay, bago nakasakay at nagpahatid sa Allure Hotel.

Nang makapasok sa kuwarto niya, mabilis siyang naligo at nagbihis at inayos ang mga gamit. Tamang-tama naman na ng matapos siya, nag-aya na si Caya na umuwi.

Mukhang nagmamadali rin ito katulad niya.

"Hindi na ako babalik sa isla na 'to!" Nanggagalaiting sabi ni Caya habang nakasakay sila sa golf cart patungo sa daungan. "Ayoko na! I will not let him play with my feelings anymore!"

Tahimik lang siya habang panay ang labas nito ng sama ng loob. Naglalakbay ang isip niya sa nakaraan nila ni Havoc.

"Bakit ganiyan ka makatitig sakin?" Nagtatakang tanong niya kay Havoc habang nakahiga sila sa kama sa cabin nito at nakaunan siya sa braso ng binata. "Baka iba na ang isipin ko niyan."

Ngumiti lang si Havoc. "Ano namang iba ang iisipin mo?"

"Na baka may gusto ka na sakin." Biro niya.

Pero hindi natawa ang binata, sa halip ay naging seryuso ang mukha nito. "Ano naman ngayon kung gusto kita? Normal lang naman na magkagusto ako sayo, diba? Halos ibigay ko nga lahat ng oras ko sayo."

Doon siya natahimik. Wala siyang masabi.

"Inna."

"H-ha?"

"Gusto kita."

Tumahip ng mahilis at malakas ang dibdib niya. "H-Havoc..."

"Kahit nuong una palang kitang nakita, nagustuhan na kita." Wika nito saka napangiti na para bang naalala ang una nilang pagkikita. "Kaya nga nilapitan kita kaagad at nagpakilala ako sayo. At nang sabihin ko sayong akin ka lang, seryuso ako no'n. Gusto ko akin ka lang talaga. Walang halong biro, walang halong pambobola."

Nakatitig lang siya sa binata habang nakaawang ang labi niya.

"I think my Inna bewitched me." Anito saka tumiim ang titig sa kaniya. "My Inna put a spell on me and now I don't even want to let my Inna go. And we're just together for four days." Parang nahihiwagaan ang titig nito sa kaniya. "What kind of a woman are you to make me feel this way?"

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Donde viven las historias. Descúbrelo ahora