CHAPTER 24

800K 20.9K 4.2K
                                    

A/N: Ang dami kong ganap kanina 😅 hindi ako nakapagsulat ng TI9. Babawi nalang po ako. Bukas. Sana makapagsulat ako ng dalawang chapter. Sana talaga 💪🏻 kakayanin.

Anyways, happy reading ❤️

CHAPTER 24

NATIGILAN SI Havoc ng makababa siya sa Club niya at narinig ang kantang nanggagaling sa mini-stereo ni Hub habang naglilinis ito ng Bar. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit.

'So as long as I live I love you,

Will love and hold you,

You look so beautiful in white.'

"Hub." Kuha niya sa atensiyon ng Bartender niya.

Kaagad itong humarap sa kaniya. "Boss. Good Morning."

"Stop that music." Utos niya rito. "It's annoying me."

Kaagad namang tumalima si Hub. "Pasensiya na, Boss." Ngumisi ito sa kaniya. "Ano gusto mo Boss?" Naglabas ito ng shot glass at Whiskey. "Isang shot o isang bote?"

Napatitig si Havoc sa alak na araw-araw niyang karamay sa tatlong taon na lumipas kaya naman sanay na si Hub na ginagawa niyang agahan ang alak.

"I'm not drinking today." Wika niya na nagpatigil kay Hub sa pagsasalin ng alak sa shot glass.

Gulat itong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Talaga, Boss? Hindi ka talaga iinom?"

Tumango siya. "Yeah. I have an appointment today."

"Kahit naman Boss may appointment ka." Hub pointed out. "Umiinom ka pa rin."

"This one is different." Aniya saka umupo sa pabilog na sofa ng Club at doon hinintay si Inna.

He didn't even bath. He didn't change his clothes. Basta bumaba lang siya. Baka kasi dumating na si Inna at maghintay sa kaniya.

Pero halos isang oras na ang lumipas, wala pa ring Inna na dumating.

Pero sabi niya pupuntahan niya ako ngayong araw.

Nagtagis ang bagang niya. Umasa na naman ba siya sa wala? Pinapaikot na naman ba siya nito at naniwala na naman siya?

Ganito na ba siya ka-martyr at ka-tanga pagdating dito?

One more hour. Sigaw ng isip niya. Sige, isang oras pa. Pagsangayon niya.

Seconds turn to minutes and minutes to an hour.

Kumuyom ang kamao niya. She's playing me for a fool again!

Padaskol siyang tumayo at malalaki ang hakbang na lumabas ng Club at sumakay sa kotse pagkatapos ay pinaharurot iyon patungo sa Restaurant kung saan nagta-trabaho si Inna.

Kung wala ito roon, isa lang ang dahilan niyon. Tinakasan na naman siya nito pagkatapos nilang magkita kagabi.

Nang makarating sa Restaurant, kaagad niyang ipinarada ang sasakyan saka pumasok sa loob ng Restaurant.

"Good Morning, Sir." Bati sa kanya ng waitress na sumalubong sa kanya. "Table for?"

"Is Inna here?" Sa halip ay yon ang sinagot niya sa babae.

Natigilan ito. "Inna?"

"Yes. Inna Pauline Velasquez." Banggit niya sa buong pangalan ni Inna. "Nandito ba siya? Pumasok ba siya ngayon?"

Nag-aalangang tumango ang babae saka may itinuro itong waitress na naglilinis ng mesa.

Kaagad na nanikip ang dibdib niya.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM حيث تعيش القصص. اكتشف الآن