CHAPTER 29

1M 20.8K 3.1K
                                    

Happy Birthday, Aica Angeline Gito ❤️

And i want to thank MonAmour for answering my questions about the Schengen countries and the Switzerland laws. Thank you so much, it means a lot to me. ❤️

CHAPTER 29

PARANG MAY humaplos sa puso ni Inna nang makitang ingat na ingat na ihiniga ni Havoc ang mahimbing na natutulog na si Serenity sa kama nilang mag-ina at hinalikan sa nuo bago tuluyang lumayo sa natutulog nilang anak.

Inna can see softness and love in Havoc's eyes and it warms her heart. Ngayon palang nagkikita ang dalawa pero ramdam niya ang pagpapahalaga ni Havoc sa anak nila. Malambing ito kay Serenity at maalaga. Sa sobrang pag-aalaga ay ayaw nang magpababa ni Serenity mula sa pagkaka-karga nito rito.

He's such a good man and he will be a good father to Serenity, she's sure of that.

Maingat itong huminga ng malalim saka bumaling paharap sa kaniya. "Hey..."

Nginitian niya ito, "hey to you too."

Mahina itong natawa saka lumapit sa kaniya at naglalambing na yumakap sa beywang niya. "Bukas, uwi na tayo sa bahay natin."

Tumaas ang kilay niya at napatingala rito. "Bahay natin?" Nagtatakang tanong niya.

Havoc smiled at her. "Sa Beach house natin."

"Oh. That." Napangiti na rin siya. "Sige. Siguradong magugustuhan do'n ni Serenity."

Tumiim ang titig sa kaniya ni Havoc. "How about you? Magugustuhan mo ba do'n?"

"Tesoro, i've change." She kissed his chin, "I'm not the same Inna who's happy because you build me a house to live in. I don't care where I live now, as long as i'm with you and Serenity. Okay na okay na sakin 'yon."

Havoc's face softened, "my Inna..." he cupped her face, "talk to me...tell me what happened to you. I want to know your side of the story."

Bumuntong-hininga siya saka masuyong hinila palabas ng kuwarto si Havoc at pinaupo ito sa sofa. Nang akmang tatabi siya rito, hinila siya nito paupo sa mga hita nito at yumakap sa beywang niya.

Napangiti siya sa ginawa nito kapagkuwan ay ihinilig ang ulo sa balikat nito. "Tesoro?"

"Hmm?"

"Thank you for accepting me in your life again..." alam niyang hindi naging madali para rito ang tanggapin siya ulit pagkatapos ng mga nangyari. "Even after everything that has happened, you still accept me... and Serenity."

Pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa. "I love you and I love my baby kitten... that's why."

Inna caress Havoc's whiskers from his jaw to his chin. "Pinabayaan mo ba ang sarili mo habang wala ako?"

He nodded with a sad smile on his lips. "Palagi akong umiinom ng alak at naglalasing. 'Yon lang kasi ang paraan ko para makatulog ako ng mahimbing. I miss you so much, Inna. When you left, I nearly went crazy. Literally. I have to see a psychiatrist and undergo a therapy just to be a little sane again."

Her heart twisted in pain for her tesoro. "I'm sorry... nang araw na 'yon na pumunta ako sa bahay para magpaliwanag, galit na galit si Mommy at Daddy sakin. Tumawag pala si Monti para sabihing ipapawalang bisa ang kasal namin dahil nga nagloko ako. Sabi ni Mommy, sobra-sobra ang kahihiyang binigay ko sa pamilya namin na kahit daw inuuod na ako sa libingan ko, maalala pa rin ng mga tao ang kalandian ko."

"Inna—"

"Pinagsasampal ako ni Mommy. Kahit sabihin kong mahal mo ako at pakakasalan mo ako, bingi sila sa lahat ng paliwanag ko. Kahihiyan ako, nakakahiya ang ginawa ko at ang landi-landi ko raw. 'Yon lang ang narinig ko sa kanila habang sinasaktan ako ni Mommy sa sobrang galit sakin. Ikinakahiya nila ako at hindi nila hahayaan na magsama tayo lalo na't kasal pa ako kay Monti. Hindi raw puwede kasi mapapahiya ang pamilya namin...

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now