Chapter Four

677 29 10
                                    

Chapter Four
/Charlie's President/

REIKO/REALM

"Congratulations! You found me!" maligalig na bati sa amin ng isang babae.

Maliit lang siya pero mas malaki siya kay Sphere. Kulay blonde ang buhok niya. Nakasuot din siya ng light blue na skirt, long sleeeve na white na pinatungan ng isang light blue na vest. Nakalagay sa may manggas ng vest ang katagang 'Charlie's President'

Pinapasok niya kami sa loob at ang makikita mo lang doon ay isang long table na pang sampung katao. Maraming libro sa paligid at mga cabinets. May sofa rin sa gilid at doon niya kami pinaupo.

"I'm happy to see the both of you! I'm Hassium, the president of section Charlie" sabi niya sabay lahad ng kamay. Kinuha naman yun ni Sphere at nagpakilala.

"Hi po, I'm Sphere. 15 years old po hehe. Nice to meet you po" parang nahihiya pang pakilala ni Sphere.

"Drop the po, I'm just 2 years older than you" nakangiting sabi niya kay Sphere. Tumingin naman siya sa akin at medyo nag startle pa ako.

"Realm, 16 years old" pakilala ko. As I've said, I'm not good at socializing. Sana lang hindi ako nagmukhang masungit.

"Oh! You're my roommate!" tuwang tuwang sabi niya.

She's jolly but I can sense something about her aura.

"So paano niyong nalaman na nandito ako? In my 3 years of being this section president, you're the fastest one to know my location. Pwede ko bang marinig kung bakit niyo naiisip na nandito ako?" she ask at tumingin naman sa akin si Sphere.

"Uhmm, I just see the section's logo in front of the door" I shyly said.

"And then? Ano meron sa section's logo?"

"Base sa clue na binigay sa amin nung lalaking naghatid sa amin dito, matatagpuan ka raw namin sa pinakamalaking bahay dito. At first, akala namin ay yung malaking bahay na sinasabi niya is depending on the size of the house pero napansin ko na pare pareho lang naman ng size ang bahay dito. So I came up with a conclusion na baka ang sinasabi niyang 'malaking bahay' is not about the size, but the people who lives in it. Sa bawat bahay, nakikita ko na may dalawang pangalan lagi at ito lang ang nakita kong walang pangalan, so triny naming pintuhan and nandito ka nga" I explain. I hope she understands what I mean, talagang kinakabahan talaga ako.

A sudden silence cover up the whole place. Napanganga lang si Sphere habang napatulala naman si Hassium.

"So dahil lang sa logo?" Hassium broke the silence. Napatango naman ako.

"Yes. If I'm not mistaken, this is where all the class meeting happens. Kaya naisip ko rito is dahil parang itong bahay na toh ang bahay ng buong section kasi dito sila nagpupunta kung may kailangan sila. Nandito rin matatagpuan ang mga section's officer na pwedeng tumulong sa kanila at ang mga nagrerepresent ng section nila." and then again, silence cover up the whole place.

After a minute, Hassium slowly clap while smiling.

"Marvelous! You're thinking is on another level! Sabi na nga ba may naramdaman na akong kakaiba sa awra mo eh! You're different from normal students here!" namula naman ako dahil sa sinabi niya. I think she's over acting.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon