Chapter Twenty-One

452 23 7
                                    

Chapter Twenty-One
/Those People; Who are they?/

SPHERE

Second day na ng Fight and Survive na tinatawag nila. Alas dose na ng magising ako, nakakapagod din naman kasi ang pinaggagawa namin ngayon. Buti na lang at mamayang alas tres pa ang exploration battle kaya mahaba ang tulog ko.

Paggising ko ay wala si Kiel dito at dahil wala naman siya, naisipan kong pumunta kela Realm. Iingitin ko na lang siya pag nakita ko siya bwahaha.

Sinuot ko lang ang jacket ko pagkatapos maghilamos at mag-toothbrush. Tinatamad pa kasi akong maligo kaya tinatamad din ako magbihis ng bagong damit.

Ilang minuto na akong kumakatok sa pinto nila Realm kaso walang nagbubukas. Napabusangot naman ako dahil kumukulo na ang tiyan ko. Siguro sama sama sila at ako pala ang iinggitin nila. 

Dahil tinatamad akong magluto ay nagpunta na lang ako sa plaza. Kahit papaano ay nakakuha naman ako ng 100 merit points sa trade battle at 500 points sa combat battle kaya may pambili ako.

Pagdating ko sa plaza ay kakaunti lang ang tao marahil ay naghahanda sila para mamaya. Ala una na rin naman kaya tapos na siguro sila magtanghalian,

"Grabe! Ang init ng labanan kanina! Akala ko talaga mananalo ang section Alpha! Kaso ang galing ni Hellium eh" sabi ng isang maliit na babae na kulay orange ang mata. Cool.

Sa pagkakatanda ko, galing sa section Delta yung Hellium. So section Delta pala ang nanalo? Ewan ko pero napapalakpak ako kahit section Charlie naman ako.

"Si Multiply din sis! Ang galing nila mag persuade eh! Grabe talaga akala ko biased yung Realm sa section Alpha" sabi naman ng isang babaeng kulay pink ang buhok.

Nang marinig ang pangalan ni Realm ay napakinig na ako sa usapan nila.

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi lagi ko siyang nakikitang may kausap sa section alpha kaya akala ko roon siya boboto. Doon sa Jenniah"

"Pareho lang siguro silang transferee kaya ganon" napatango tango naman ako.

"Tama tama" nagulat ako ng mapalingon silang dalawa sa akin. Hala! Nasabi ko pala ng malakas.

"Excuse me, sino ka?" tanong ni pink hair.

"Ahh hehe." hindi ko alam ang isasagot ko dahil nakakahiya. Baka mamaya ay pagkamalan pa nila akong chismoso.

"Kilala kita! Ikaw yung kaisa isang nakatanggal sa alphanians kahapon!" sabi ni orange eye kaya hindi ako makapaniwala.

Yeah boi. Sikat na ako sa mga babae rito bwahaha.

"Weh?" di makapaniwalang tanong ni pink hair. Tumingin naman siya sa akin muli.

"Ako nga pala si Transitive" pakilala niya at nakipagkamay. Ang lambot ng kamay niya hehe.

"Ako si Sphere, pero pwede mo akong tawaging baby" nagtawanan naman sila.

"Pwede nga, mukha ka namang baby"

Mommy mukha raw akong baby! Ayoko ng umalis sa lugar na 'to.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon