Epilogue

543 29 24
                                    

Epilogue

REALM

It's been 5 years since I woke up at that hospital. Sabi sa akin ni Jasmine, na food poison daw ako kaya dinala ako roon. I try to ask her many times about blackmage academy but she can't really remember everything.

Pagka-discharge ko ay bigla na lang nandoon si kuya. Jasmine is not surprise and she just said that I'm living with my brother the whole time. I don't really know what happen to her. It is really her who had a problem or it is me?

"Hey! You're spacing out again. Okay ka lang ba?" nahinto ako sa pag-iisip dahil nagsalita si kuya.

We're living in the same apartment for 5 years. Jasmine's now living with her parents but we usually hang out every weekend.

"It's about that blackmage academy you're talking about?" yeah, even my brother can't remember anything. Talagang ako lang ba?

For 5 years, siya, si Jas, si Lianne (Lux), Krystal (Hassium), at Kyra (Quirra) pa lang ang nakikita ko. At lahat sila, walang alam tungkol sa sinasabi ko.

"Ah hindi, iniisip ko lang kung dadalaw uli sila Lianne" palusot ko kuya. Mula sa masayang ekspresyon ay biglang nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit ba hinahanap mo yung babaeng yun? Sobrang nakakairita kaya niya" I can't help but to laugh. Mukhang nagkakamabutihan kasi sila ni Lianne eh.

"Sige kuya Rev, una na ako. Hinihintay na siguro ako ni Jasmine" paalam ko sa kaniya. May usapan kasi kami ngayon ni Jasmine na sasamahan ko siyang bumili ng dress para sa debut ng pinsan niya.

"Sige. Mag-iingat kayo ah? Wag papagabi. Wag kakausapin ang taong hindi mo kilala" napangiwi naman ako.

"Kuya, hindi na ako bata. 21 na ako, 21"

"Ah basta. Ako kuya ako masusunod"

"Bahala ka diyan" pabulong kong sabi at saka bigla na lang lumabas ng tinitirahan namin.

Ang lamig ng simoy ng hangin palibhasa ber months na. Amoy na amoy ko rin ang mga halaman na nasa may bakuran.

"Ren! Katagal" napatingin ako sa may gate at doon ko nakita si Jasmine. Nagulat pa ako ng may katabi siyang lalaki na pamilyar ang mukha.

"Sorry na. Ang kulit kasi ni kuya" paghingi ko ng tawad habang nakatingin pa rin sa lalaki. Pamilyar talaga ang mukha niya.

"Hoy! Makatingin ka naman malulusaw na siya!" saway sa akin ni Jasmine kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Masyado na nga yata akong nakatitig.

"Hehe. Sorry"

"Si Percy nga pala, jowa nung pinsan ko. Malakas kasi ito sa akin kaya nung sinabing magpapatulong siya maghanap ng pang-regalo, sinama ko siya. Bait ko diba?" at tumawa pa siya parang baliw. Naglahad naman ng kamay yung Percy at kinuha ko ito.

"Reiko nga pala. Rei na lang ayoko ng Ren" tumawa naman siya ng magpakilala ako. "Ahh! Naalala ko na!" sigaw ko ng maalala ko kung sino siya. Nagulat naman silang dalawa.

"Makasigaw!" saway sa akin ni Jas.

"Naalala ang alin?" parang nahihiyang tanong ni Percy. Nagulat ko nga siguro talaga siya.

Blackmage AcademyWhere stories live. Discover now