Chapter Thirty-one
/Principal/Third Person
Sabay sabay na napatili ang mga dalaga ng may mabunggo sila habang tumatakbo. Akala nilang lahat ay katapusan na nila ngunit biglang nagsalita ang lalaking nabunggo nila.
"Shh, guys. Ako toh" nahinto sa pagtili ang tatlo at napaharap sa lalaking nabunggo nila.
"Freak!" agad na napayakap si Creya sa binata.
"Shh, I'm here. Pero sa ngayon, kailangan muna nating magtago"
Dahil papalapit na ang mga yabag na naririnig nila ay wala silang ibang nagawa kung hindi sumunod kay Freak. Ito ay kanilang kaibigan at kaklase rin ito ni Lux.
Tahimik silang naglalakad para hindi sila marinig ng mga humahabol sa kanila. Pumasok sila sa isang punong may malaking butas. Buti na lang at nagkasya silang lima.
"You almost gave us a heart attack!" pasigaw na bulong ng dalagang si Lux sa binata.
"I'm sorry" parang nakonsensya naman ito kaya humingi ito ng tawad.
"Ano ka ba, Lux! She save us!" pagdedepensa ni Creya sa binata.
Hindi niya man aminin sa tatlo, halata naman na may nararamdaman siya para sa binata.
"We're not yet save, Creya" seryosong saad ni Hassium.
Lingid naman sa kaalaman ng tatlo na si Hassium at Freak ay mag-iilang buwan ng magkasintahan.
"Calm down guys, baka mamaya marinig nila tayo" saway ni Quirra dahil nararamdaman niya na magkakainitan na ang tatlo.
Sumunod naman sa kaniya ang mga ito at tahimik silang nakiramdam sa paligid. Maraming yabag ng paa ang kanilang naririnig kaya hindi nila malaman kung nasaan ba talaga ang mga humahabol sa kanila.
BINABASA MO ANG
Blackmage Academy
FantasyWould you agree to live in a place where magics are real? Blackmage village is a small village where almost all the impossible can be possible. Friendship is important so do loyalty and trust. Everything might look perfect in a glance but the main g...