Chapter Thirty-five

408 27 7
                                    

Chapter Thirty-five
/Spade/

REALM

"Oy!" halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw si Sphere sa harap ko. "Kanina ka pa tulala diyan. Ano ba talaga nangyari?"

Kakagising lang ni Sphere at nandito siya sa bahay namin ni Hassium para makichika raw. Wala na sila Trick at Lux dahil may gagawin pa raw sila.

"Ang kulit naman ng bulilit, sabing may ability din si Realm eh" parang asar na sabi ni Kiel.

"Oh? Bakit galit?"

"Kasi kanina pa sinasabi sayo" ewan ko pero parang iritado talaga si Kiel ngayon.

"Paano yun? Lilipat na ako ng section?" natahimik naman silang dalawa at napatingin ko kay Hassium na nakatingin n rin sa akin.

"Probably" maikling sagot nito at napabuntong hininga naman ako.

This is why I'm not glad to have this ability. Mas gusto kong yung wala na lang akong kakayahan para nandito pa rin ako sa section na toh.

"Hala! Edi kawawa naman si Kiel. Talong talo na talaga" binatukan naman bigla ni Kiel si Sphere.

"Huh? Talo saan?" litong tanong ko at muling binatukan ni Kiel si Sphere.

"Wag mong pansinin yan Realm, adik lang yan. Nakashabu"

"Pero totoo nga? Malilipat na si Realm ng section? Gara naman non" malungkot na sabi ni Sphere.

Lumipas ang oras at walang ginawa si Kiel at Sphere kung hindi ang magtalo. Si Hassium naman ay tinititigan lang yung litratong galing sa envelope ni Freak.

Speaking of that envelope. Hindi ko talaga maintindihan ang laman nun. Alam kong ako yung batang babae at baka kuya ko nga yung batang lalaki, pero ano yung tungkol sa tatay ni Freak.

Naglakad ako papunta kay Hassium at bigla niya namang tinago yung sulat. Love letter siguro kaya hinayaan ko na.

"Ano?" tanong nito paglapit ko.

"Kilala mo tatay ni Freak?" tanong ko at napakunot naman ang noo niya.

"Hmm. Parang hindi naman nabanggit ni Freak yung tatay niya kahit isang beses. Bakit?" napailing iling na lang ako. Maybe I'll just ask Trick.

Bumalik ako sa kama ko at humiga. Kung malilipat man ako ng section, lagi na lang siguro ako pupunta rito. Alam ko na naman kung paano pumunta rito saka yung schedule ng klase rito.

"Realm may sasabihin daw si Kiel" sigaw ni Sphere kaya napatingin ako sa kanila. Nakita kong tinatakpan ni Kiel ang bunganga ni Sphere na naglilikot.

"Wala. Nakashabu lang talaga toh promise" napailing na lang ako. Mga baliw.

Maya maya ay may kumatok bigla sa pinto. Natahimik kaming lahat at ewan ko kung ako lang ang nakaramdam ng kaba.

Si Hassium ang naglakas loob magbukas ng pinto dahil parang naestatwa si Sphere at ayaw bitawan si Kiel. Naramdaman din niya siguro yung naramdaman ko.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon