Chapter Nineteen

470 23 8
                                    

Chapter Nineteen
/Combat Battle/

REALM

Nagising ako ng may umuga sa akin. Pagdilat ng mata ko ay bumungad sa akin si Hassium. 

"Alas singko na, maghahanda ka pa kaya gumising ka na" 

Oo nga pala, ngayon din pala yung combat battle. Bakit kasi sabay? Pagod pa ako eh. Pero no choice naman ako kaya tumayo ako at dumeretso agad sa banyo para maligo. Paglabas ko ay inabot sa akin ni Hassium ang isang damit.

It's a black bicycle short and a black t-shirt. May bandana lang na blue na ilalagay daw sa may pulsuhan para makilala na section Charlie kami.

"Hindi ka pa rin sasali?" tanong ko sa kaniya dahil naka sweatpants lang ito at gray na hoodie.

"Next month na." maikling sagot niya kaya di na naman ako nagsalita pa.

Paglabas namin ay nakita ko na ang mga ka-section ko pati sila Sphere. Sa lalaki ay nakasuot sila ng blank pants at black shirt din at saka bandanang asul. Hindi nakabihis si Kiel kaya alam kong hindi rin siya sasali.

Sumakay kami doon sa bolang lumilipad at pumunta sa may grounds. Iban grounds naman toh dahil marami ang mga puno, parang kagubatan. Gaano kaya kalaki tong blackmage academy? Daming lugar eh.

"Players, please proceed at the ground area. Once again, please proceed to the ground area." iba naman ang taong nasa likod ng mahiwagang speaker ngayon. Lalaki siya na may malalim ang boses.

"I'm warning you guys, kahit skilled player kayo may mga kakayahan ang mga kalaban niyo. Don't get too excited and be extra careful" paalala ni Hassium at tumango naman kami pareho ni Sphere.

"Kinakabahan ako. Kung bokya nga ako kanina paano pa kaya ngayon? Huhu Lord help me" nag-sign of the cross pa siya bago kami makarating sa may gitna. Unlike kanina, wala kaming pila by section at kalat kalat lang lahat.

"I will explain the mechanics of the game. Unlike the trade battle, there's no other second round here. This is like a battlefield that everytime you saw an enemy, aim for them, kill them. Kung sino ang huling maeeliminate, siya ang mananalo. Kung sinong section ang pinakamaraming natira, siya ang panalo pero  meron pa rin tayong individual scoring. Kung sino sa inyo ang pinakamaraming napatay, siya ang may extra points. We will get at least rank 5."

"When I said kill, you will not literally kill your opponent. This combat battle is a battle royale. You can eliminate your enemy when you put a paint on them. We will also have a safe zone para lumiliit ang battle grounds natin. Kung wala ka sa section at nahanap ka ng mga non-student player, tanggal ka na agad." 

"Paunahan ang pagkuha ng gamit, as you can see, bag lang sila. Hindi niyo alam kung anong gamit ang makukuha niyo, kung swerte ka, makakuha ka ng baril at kung malas ka, makakakuha ka ng notebook." Putcha notebook? Anong magagawa ng notebook?

"Time check, 17:54 pm. When I say start, grab a bag and run for your life. Goodluck players" 

"Hi! Goodluck" sabi ng katabi ko. Siya si Granger, yung kalaban ko kanina.

"Goodluck din" ganti ko.

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kabado ako dahil baka mamaya ako pa ang unang matanggal, nakakahiya naman sa section na sinasalihan ko. Saka, may pag-asa kayang manalo kami eh may mga abilidad ang kalaban namin? Luging lugi kaya kami.

Blackmage AcademyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum