Chapter Eleven

479 21 0
                                    

Chapter Eleven
/

Training pt. 1/

REALM

I can't believe it. Mag-iisang buwan na ako sa lugar na ito. Ang tagal ko na rin pala rito at madami dami na rin akong nalaman.

Di ko pa rin alam kung bakit kailangan namin mapatay ang principal dito. Di ko pa rin siya nasisilayan.

Busy ang iilan dahil katapusan na ng buwan next week, naghahanda na para sa Fight and Survive. Dahil baguhan ako, required talaga sa amin ang maglaro.

"Nice shot, you're a good sniper" puri sa akin ni Hassium.

Sabado ngayon at nasa training grounds kami. Wala ito sa school at malayo ito sa village namin. Section Charlie lang ang nandidito dahil may kaniya kaniyang training grounds ang bawat section.

Hindi lalagpas ng 20 ang mga estudyanteng kasama ko. Anim na tao lang kasi ang allowed sumali per battle at kaming mga bago, required kaming salihan ang lahat.

"You're fine with long rage weapon, puntahan mo si Kiel, he's good at trade battle. He's elite actually" sabi niya at agad ko naman sinunod.

Sa halos isang buwan kong pag-stay dito, naging close ko na ang iilan. Kiel is very nice person, matalino rin siya. No wonder that he's an elite in trade battle.

"Di ko naman magets Ki eh" rinig kong reklamo ni Sphere. Siya pala ang nagpapaturo sa trade battle.

May tagaturo kasi talaga per skills para sa mga baguhan.

"Hey, can I join?" tanong ko at napatingin naman sila sa akin. Agad naman akong nginitian ng dalawa.

"Perfect timing ka Realm! I have a test for both of you" masayang sabi ni Kiel. Napabusangot naman si Sphere.

"Woah, woah, woah. Kakapunta ko lng test na agad?" pabiro kong tanong.

"Kayang kaya mo toh Realm" I just nod and he start talking again. "So here's the test, di kayo magkakampi ah? Sa trade battle kasi, puro tanong and some 2 player games ang nandoon, gamitan lang talaga ng utak ang kailangan para manalo o para makuha ang flag. Pinag-"

"Yung test na kasi agad eh. Alam na namin yan" parang batang reklamo ni Sphere. Same old Sphere.

"Here's the question, the more reasonable answer will win. You need to enter a door but it's lock. Both of you have a key pero isa lang doon ang nakakapagbukas sa pinto. Once you try to open the door using your key, talo n kayo pareho. Ano ang gagawin mo para malaman mo kung anong susi ba ang tama at para manalo ka?"

"Edi i-try ko na lang buksan ang pinto. Malay mo sa akin pa yung tama diba eh di nanalo ako" sagot ni Sphere. He has a point.

"Eh paano pag mali? Edi talo ka na agad?" tanong ni Kiel.

"Oo, atleast hindi lang ako ang natalo, pati rin yung kalaban ko" napatango tango si Kiel at saka tumingin sa akin.

"How about you Realm? Would you do the same?"

Dahil sa tanong niya ay napaisip ako.

Sphere's right, but it's a selfish decision for me. Maybe there's some other way that can make you win without using some violence.

Think Realm, use your freaking brain.

"What if," I started and they both look at me. "What if I talk to the other person until he/she let his/her guard down? I mean, hindi para saktan siya or what pero para kunin yung susi sa kaniya? Base naman kasi sa sinabi mo, matatalo ka lang naman pag sinubukan mong buksan yung pinto using your own key eh, so una mong gamitin yung susi ng kalaban mo sa pagbukas then paghindi gumana saka mo gamitin yung susi mo"

"Pwede, pero paano kung hindi siya makipag-usap sayo? Or ma sense niya yung balak mo?" muli akong napaisip dahil sa tanong niya.

"Well, patalinuhan yung larong yun. You need to outwit others to win. You can just get it from your enemy kung sanay ka manguha ng gamit ng hindi napapansin, pwede mo rin kausapin ngunit kung ayaw niya edi try other things that can distract them. Use your brain to win" I answer out of nowhere.

"Well, I like your suggestion. It's possible" sagot ni Kiel habang tumatango tango.

"Ikaw ba? Ano gagawin mo if ever?" I ask and he smile

"Same as yours actually, pero una ko talagang naisip is magpataranta muna ng tao para di niya mapasok yung susi then pag nataranta siya, may posibility na malaglag niya yung susi. Well, congrats Realm, I guess you won"

"Hala! Ang daya biased!" reklamo ni Sphere. Ginulo naman ni Kiel ang buhok niya.

"I'm not being biased okay? Sadyang masyado lang selfish yung sinabi mo. I know it's a game and it's a game of brain, kailangan mong gamitin ng utak mo at wag magpadalos dalos ng gagawin. Kung aim mo manalo, yun dapat ang gagawin mo pero kung aim mo lang ay wag manalo ang kalaban, sure na hindi ka mananalo niyan. Just always act according on what your goal is okay? You need to win, not to see others lose." napabuntong hininga naman si Sphere.

He maybe have a brain of 8 years old, open minded naman siya. He accepts other opinion for his good.

Umalis na naman si Sphere para magtrain sa ibang battle. Naglaro naman kami ni Kiel ng iba't ibang mind games para daw mahasa ang utak ko sa pag iisip.

***

"I lose again" malungkot kong sabi.

We're playing games of the general. Pang sampung beses na yata toh pero kahit isang beses ay hindi pa ako nanalo.

"You lose because you're thinking of revenge" sabi niya kaya napatangin ako sa kaniya. Seryosong seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Dapat ang iniisip mo ay mas maging magaling. I mean, kung nasa isip mo lang kasi na talunin ako, hindi mo talaga ako matatalo. You need to focus on making yourself better. Kailangan mong higitan ang sarili mong kakayahan kesa higitan ng kakayahan ng iba. Iniisip mo kasi lagi na iisa lang ang technique ko, iniisip mo kasi lagi na magaling ako, iniisip mo ay puro nasa kalaban mo. Why not think about on making your own strategy? Why not make your brain work for you not for others?"

Man, Kiel is full of words of wisdom. Dudugo na ata utak ko dahil sa mga pinagsasabi niya mula kanina pa.

But he's correct. Ang iniisip ko lang ay matalo siya para ipakitang kaya ko siyang labanan. Hindi ko iniisip na mas pagbutuhin pa ang ginagawa ko at gumawa rin ng sarili kong paraan.

"Just always remember, you can't win if you think about others ability. Mind your own ability and let them grow until you make yourself more better than your old self."

Napatango tango na lamang ako. Tama naman siya eh, I just need to improve my self not to be better for others, I need to improve my self to be better than I am.

Bigla akong nakaramdam na para bang may tatama sa likod ko. Umiwas ako at nabigla ako ng may pumutok na paintball sa may lamesang nilalaruan namin.

"What the crack?!"

♤ ♤ ♤

End of chapter 11.

Thanks for reading.

Please vote and comment to show your support.

Love lots!

Blackmage AcademyWhere stories live. Discover now